Chapter 5

3.1K 149 35
                                    

Tumawa si Blair ng pagak at dahan-dahang tumayo. Hindi siya maaaring magkamali. Si David ang nasa likuran niya.

Paano kagaad ito nakarating sa kinaroroonan niya? Mukhang tama nga si Enzo, mabilis ang lalaki.

"Totoo nga ang sinabi nila, mabilis ka nga." Aniya at palihim na pinindot ang red button ng smart watch. Hindi nga nagkamali si Enzo na ibigay iyon sa kanya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Hindi ako mabilis. Sadyang mabagal ka lang."

Naikuyom niya ang isang kamao. Buong-buhay niya ngayon lang may nagsabi sa kanya na mabagal siya. Maganda ang boses ng lalaki. Maganda rin itong patayin.

"Mabagal? Nang-iinsulto ka ba?"

"Na-insulto ka ba?"

She gritted her teeth. Mabilis siyang humarap dito at sinipa ang kamay nitong may hawak na baril. Tumalsik ang baril sa malayo.

"Sino ang mabagal sa atin ngayon?" Nakangising tanong niya.

Ngunit nabura din lang agad ng makitang parang wala lang dito ang ginawa niya. Nanatili itong kalmado.

"Yan lang ba ang kaya mong gawin?"

Lalong kumuyom ang mga palad niya. Wala siyang nakatagong baril ngayon. Nasa bag na nakasukbit sa balikat niya lahat. Kung kukunin niya iyon, natitiyak niyang mapipigilan siya nito.

Kung makikipag-hand to hand combat naman siya, hindi niya alam kung sino ang mananalo. Well, wala namang mawawala sa kanya kung hindi niya susubukan.

Umayos siya. Pero laking gulat niya ng bigla na lang itong tumalikod. "Hahayaan kitang makatakas ngayon, pero sa susunod na mahuli kita. Wala ka ng kawala." Bigla itong humarap. "Sabihin mo sa nag-utos sa 'yo, nagkamali siya ng binangga." Yun lang at naglakad na ito palayo sa kanya.

Napasulyap siya sa baril nito. Lumapit siya doon at pinulot iyon. Pagkatapos ay itinutok niya sa direksyon nito.

"Nagkamali ka ng ininsulto." Aniya na nagpatigil dito. "Sa tingin mo ba makakaalis ka pa dito ng buhay?"

Narinig na naman niya ang pagtawa nito ng mahina. "Tama nga ako. Wala ka pang masyadong alam."

"Sorry ka na lang." Kinalabit niya ang gatilyo. Tumunog lang iyon. "Huh?" Ano'ng nangyari? Napatingin siya sa baril na hawak at tinignan kung may lamang bala.

Walang bala!

Ang gagong yun! Naloko siya nito!

Nakangising humarap ito sa kanya. "Sa tingin mo ba iiwan ko ang baril kung may lamang bala? Hindi ako kagaya mo na hindi nag-iisip."

Sa asar niya dito, binato niya sa direksyon ni David ang baril. Hindi niya napansin kung paano nito nasalo iyon.

"Salamat." Tuluyan na itong naglakad palayo.

Napapadyak siya sa inis nang mawala na ito sa paningin niya.

"Hayop ka, David!" Nanggigigil na bulong niya. Ngayon lang siya pumalpak. Sisiguraduhin niyang sa susunod na magkita sila, handang-handa siya.

Wala itong karapatang insultuhin ang kakayahan niya ng harap-harapan. Ang ipinagtataka lang niya, bakit siya nito hinayaan? Bakit hindi siya nito hinuli? Ilang taong siyang nag-ensayo, ngunit alam niya sa sarili niya na kayang-kaya siya nitong itumba kung gugustuhin nito.

May humintong sasakyan sa tabi niya. "Blair! Halika na!" Sumungaw si Enzo mula sa bintana ng sasakyan.

Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at pumasok.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Tanong nito sa kanya nang paalis na sila sa naturang lugar.

Tinanggal niya ang suot na maskara. "Nakaharap ko siya."

Muntik na siyang mapasubsob sa dashboard ng sasakyan nang biglang nag-preno si Enzo.

"Enzo!" Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"Sorry, nagulat lang ako." Ipinagpatuloy nito ang pagmamaneho. "Nahuli mo siya? Napatay mo ba?"

Bumaling siya sa labas ng bintana. "Hindi ko nahuli at lalong-lalo ng hindi ko siya napatay. Siya ang nakahuli sa akin."

"What?!" Kulang na lang ay umalog ang sasakyan sa lakas ng boses ni Enzo. "Sinaktan ka ba niya?! Tell me!"

"Huminahon ka nga." Saway niya dito. "Hindi niya ako sinaktan. Mukhang umpisa pa lang alam na niyang may gustong pumatay sa kanya. Tama ka nga, mabilis at matalino si David. Ang ipinagtataka ko lang, hinayaan niya lang akong makatakas."

"Ah." Tumango-tango ito. "Baka crush ka niya."

Isang malakas na batok ang ibinigay niya rito. "Eto naman. Hindi na mabiro."

Napansin ang pula sa braso nito. Dugo? Hindi siya maaring magkamali. "Ano'ng nangyari sa braso mo?"

"Naka-engkuwentro ko yung ibang pulis. Wag kang mag-alala. Daplis lang yan. Malayo sa bituka." Kumindat ito sa kanya. "Siyanga pala, hawak na nila si Cynna." Si Cynna ang babaeng kausap kanina ni David sa tapat ng bintana na binayaran ni Enzo.

"Humanda talaga yang David na yan kapag nagkaharap kami ulit."

"I told you. Kaya next time, kailangan nating mag-doble ingat. Lalo ka na. Oras na makita ka ni David, hindi ka na niya makakalimutan."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean hindi na niya ako makakalimutan?"

"David has a photographic memory. It's an ability. Oras na makita niya ang isang bagay kahit ilang segundo lang, matatandaan na niya ito. Kaya karamihan, tinatawag siyang genius."

"Paano mo nalaman ang lahat ng yan?"

"I'm a programmer, remember?" Itinuon nito ang pansin sa daan. "Noon pa lang kilala na si David sa lipunan. May mga nakukuha pa akong impormasyon sa kanya dahil bilib ako sa mga kakayahan niya, then lately, naging komplikado ang mga files niya. Parang sinadyang burahin ang mga personal infos niya. Sa pagkakatanda ko, may nakababata siyang kapatid. Hindi ko lang matandaan ang pangalan."

"Wala ka kasing photographic memory." Aniya.

"Right."

°°°°°

Dalawang araw na ang nakakalipas. Itinutuon na lang muna ni Blair ang atensyon sa mga papeles na hanggang ngayon ay nakatambak pa rin sa opisina niya.

Nakatanggap siya ng tawag mula kay Madame na ipagpaliban muna ang gagawing pagpatay kay David. Kakailanganin daw muna nilang pagplanuhan ng mabuti ang gagawin.

"Come in." Aniya ng makarinig ng katok.

Pumasok ang assistant secretary ni Enzo. Wala ngayon si Enzo dahil nagka-problema ang isang kompanya nila sa Palawan. Ito ang inutusan niyang pumunta roon upang ayusin ang mga dapat ayusin. Kaya naiwan sa kanya si Heather.

"Yes?" Ipinagpatuloy niya ang mga pinipirmahan.

"Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo."

"Sino daw?"

"Si Mr. David Mendoza po."

Napatigil siya sa ginagawa. Ano'ng kailangan sa kanya ng lalaki?

"Let him in." Utos niya.

Yumuko si Heather at nagpaalam.

Napangisi siya ng may namumuong plano sa isipan niya. Sabi nga sa kasabihan, kaibiganin ang kaaway.

___________
D E Y M Y U U

Beauty is the Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon