Nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si David ay napaayos siya ng upo.
"Have a seat." Aniya. Hindi naman siya ganun kawalang modo para hayaan lang itong nakatayo.
Inayos muna nito ang suot na Americana bago umupo sa harapan niya. "Thank you."
"Drinks? Coffee--"
"No thanks." Putol nito. "I don't drink coffee."
Bastos. Hindi man lang siya pinatapos.
"Hindi ako pumunta dito para mag-kape." Dagdag pa nito.
"Ano bang iniinom mo? How about, tea? Juice? Or maybe water?" Nakakaubos siya ng pasensya.
"Gusto mo talagang malaman?" Nakakaloko ang ngisi nito.
Ngumiti siya ng pilit. "Oo. Para magawan ka ng sekretarya ko."
"Gusto ko, ikaw mismo ang magbigay." Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi nito.
Kahit nagtataka ay ngumiti pa rin siya. "Sure. Ano ba yun?"
Tumayo ito. Nagulat pa siya ng naglakad ito palapit sa kanya. Huminto ito sa gilid niya kaya napatingala siya. Akala niya ay hahalikan siya ni David ng bigla na lang itong yumuko.
"Gusto mo talagang malaman kung ano ang iniinom ko?" Bulong nito sa kaliwang tainga niya.
Wala sa sariling napatango siya. Naamoy niya ang panlalaking pabango nito dahil na rin sa sobrang pagkakalapit nila. Buong buhay niya, ito pa lang ang unang lalaking nakalapit sa kanya nang ganun kalapit, maliban kay Enzo.
"Your orgasms, Baby. Maibibigay mo ba?" Pagkasabi niyon ay bumalik ito sa dating pwesto.
Ano daw? Her lips parted when she realized what he said.
"Bastos!" Namumula ang mga pisngi niyang sinamaan ito ng tingin.
"And why? You asked me, right? I just answered you honestly." Isinandal nito ang likod sa upuan at mataman siyang tinitigan.
"Nahiya naman ako sa pagiging honest mo." Aniya. Kinapa niya ang baril na nakatago sa ilalim ng kanyang mesa. "Kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka na lang." Baka dito pa kita mapatay.
"Nagkita na ba tayo noon?" Sa halip ay tanong nito.
Natigilan siya. Nakilala ba siya nito? Fuck! Saka lang niya naalala ang mga sinabi ni Enzo. May photographic memory nga pala ang lalaki. Pero naka-maskara siya noong gabing yun, idagdag pang madilim. Kaya imposibleng makilala siya nito. Maliban na lang kung may x-ray vission din ito.
"Wala akong natatandaan na nagkita na tayo. Isa pa, kung sakali mang nagkita na tayo, hindi ko makakalimutan ang mukha mo. Na napaka-imposible." Pagsisinungaling niya.
"No. I'm sure na nagkita na tayo." Giit pa nito.
Tumawa siya ng mahina. "Well, my bad. Dahil wala akong matandaan."
Hindi ito nagsalita at parang nahulog sa malalim na pag-iisip. Titingin ito sa kanya at mag-iisip ulit. "I remember you."
"What?" Umangat ang isang kilay niya.
"Hindi ako pwedeng magkamali. Nagkita na tayo sa New York which is three years ago, right?"
Seriously? Ganito ba talaga katalas ang memorya nito?
"Really?" Kunwa'y nagulat siya.
"Yes. Ikaw yung babaeng huli kong nakausap bago ako nadisgrasya."
"So ano'ng gusto mong palabasin? Na ako ang dahilan kung bakit ka nadis-grasya?"
"Nah. It's not what you think. I just remember you. That's all. At isa pa, you're too pretty para putulin ang preno ko. Hindi mo naman siguro magagawa yun?"
BINABASA MO ANG
Beauty is the Beast
Mystery / ThrillerA pretty face doesn't mean a pretty heart. Sometimes, looks can be deceiving.