Chapter 3

4K 166 40
                                    

Pinatay ni Blair ang TV matapos mapanood ang balita.

Laman ng balita ang nangyari kagabi sa Casino. Malabo ang kuha sa kanya at natitiyak niyang hindi siya makikilala dahil naka-disguise siya. Idagdag pang walang makukuhang CCTV footage ang mga awtoridad dahil naasikaso na yun ni Enzo.

"Who's our next target?" Sinulyapan niya si Enzo na kanina pa busy sa harap ng laptop nito.

"Wala pang binigay si Madame." Si Madame ang nag-uutos at nagbabayad sa kanya. Ito rin ang tumutulong sa kanya kapag naiipit siya sa mga pulis. Nagpadala din ito noon ng ilang tauhan upang turuan siya sa paggamit ng mga armas. Ngunit maski hibla ng buhok nito ay hindi pa niya nakita. "Mas mabuti sigurong wag ka munang tumanggap ng trabaho. Mainit ka pa sa mata ng mga alagad ng batas. They even gave you an alias."

"Matagal na akong mainit sa mata ng mga alagad ng batas, Enzo." Sa ilang taon niyang pagta-trabaho kay Madame, ni minsan hindi pa siya nahuli ng mga pulis. Palagi siyang nakakalusot.

"Kumusta na pala ang mga gasgas at sugat mo?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Kasalanan mo." Nagamot na niya ang mga natamong gasgas. May daplis din siya ng bala sa kanyang kaliwang braso nang hindi niya namamalayan.

"Kalimutan mo na lang ang nangyari. Hindi naman na bago sa 'yo yan. Labas tayo ngayon." Yaya nito at niligpit ang mga gamit.

Isinandal niya ang likod sa sofa. "Ikaw na lang. Tinatamad ako." Ipinikit niya ang mga mata.

"Palagi na lang." Tumayo ito naglakad patungo sa pinto. "May ipapabili ka?" Tanong pa nito bago buksan ang pintuan.

Umiling siya.

"Okay."

Akala niya ay makakapagpahinga na siya dahil wala na si Enzo, kaso tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa center table.

Wala sana siyang balak sagutin ngunit wala yatang balak tigilan ng kung sino man ang pagtawag.

Inis na dinampot niya iyon at tinignan ang caller. Napaayos siya ng upo nang makitang si Madame ang tumatawag.

"Yes, Madame?"

"I'll send to you the next target next week. Sa ngayon, magpahinga ka muna."

"Copy that, Madame." Yun lang at nawala na ito sa linya.

Minsan hindi rin niya maiwasang magtaka. Napaka-misteryosa ng boss niya. Wala nga yatang nakakakilala dito. Tumatawag lang din ito kung may ipapagawa o may importanteng sasabihin. Matagal na ang thirty seconds kapag ito ang kausap niya sa telepono.

Ang hindi niya lang alam ay kung may alam din ba ito sa nakaraan niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa direksyon ng mini-bar sa loob ng secret hideout nila ni Enzo. Pinsadya nila ang paglalagay niyon doon.

Kumuha siya ng isang bote ng alak at agad na sinalinan ang kopita sabay inisang lagok. Parang tubig na lang niya ang alak. Hindi siya madaling malasing dahil sinanay niya ang sarili.

Malaking advantage yun sa kanya lalo na kung makikipag-inuman siya sa mismong target niya.

Nagsalin ulit siya ng alak sa kanyang kopita. At nang mapagod, sa mismong bote na siya tumungga. Kaya niyang ubusin ang isang bote ng tequila nang hindi siya nalalasing.

Nang maubos niya ang isang bote. Bumalik siya sa sofa at humiga. Nakatitiyak siyang mahimbing ang magiging tulog niya ngayon.

°°°°°°

Isang linggo ang nakalipas. Pagpasok pa lang niya sa loob ng kanyang kompanya ay sunud-sunod na binati siya ng kanyang mga empleyado. Tinangunan lang niya ang mga ito at dere-deretsong naglakad sa kaniyang pribadong elevator. Kung saan siya lang at si Enzo ang pinahintulutan niyang gumamit.

Beauty is the Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon