Chapter 1

40.4K 527 92
                                    

Chapter 1

It's my last year na of being a highschool student. Mamimiss ko ang kalokohan ko, pagtawa ko ng wagas. Basta, mamimiss ko ang pagiging highschooler.

At ang pinaka-mamimiss ko ay ang SECRET ADMIRER ko.

Unfortunately, hindi ko pa rin sya kilala at mukhang wala syang balak magpakilala. Sayang naman. Kasi napakaconsistent nya.

First year ko pa syang secret admirer and as time goes by hanggang ngayong 4th year na kami, nainlove na ako.

Weird lang hind ba? Kasi nainlove ako sa isang taong hindi ko kilala. Pero ewan ko ba, inlove nga ako.

"Aray," sabay nahulog yung mga dala kong libro. Ayan tuloy napala ko, kaka-daydream kasi.

"Sorry," sabi nung guy habang pinupulot yung books ko. "Oh Jasmine, ikaw pala. Haha. Ang lampa mo talaga."

"Thank you ha! Thank you Justin!" 

Si Justin Orbino nga pala. Ang bestfriend kong bakla. Biro lang.

"Welcome!" sabi nya.

"Ewan ko sayo! Ikaw dyan ang hindi tumitingin sa daan!" sigaw ko sa kanya.

"Ano ba yan? Binubulabog mo ang buong school, ang aga aga," 

"Aba. Talagang sumusobra ka na Orbino!" 

"Ikaw kaya dyan nauna, Catapang! Para kang tomboy dyan. Ewan ko ba kung bakit ka may secret admirer eh!" 

"Kasi ako si Jasmine Catapang. Inggit ka lang kasi wala kang secret admirer!"

"Eh di ikaw na meron! Punta ka na ba sa locker?" 

"Oo. Tara. Samahan mo na ako. May kailangan din kasi ako kunin."

"Sus! Kung alam ko lang, gusto mo lang makita ang love letter galing sa secret admirer mo. Ang kapal ah," at tinawana niya pa ako. Aba't.

"Che! Mas makapal ka! Tara na nga. Male-late tayo." 

"Opo, Catapang. Akin na yang libro mo para di ka mabigatan. Kawawa ka kasi. Baka madapa ka pa."

"Napakasama mo talaga sa akin, Orbino! Pasalamat ka bestfriend kita." sabay hampas ko sa kanya.

Naglakad na din kami papunta sa lockers namin. Magkatabi lang naman kasi yung lockers namin. Inasar nya lang ako ng inasar habang naglalakad kami. Ewan ko nga ba kung bakit ko sya bestfriend.

Sa wakas! Nakarating din kami. Excited na ako makita locker ko. Alam nyo na kung bakit. Yieeeeee. Kinikilig ako!

"Hoy, Catapang. Mukha ka na dyang kamatis sa kapulahan mo. Kinikilig ka rin pala."

"Ewan ko sayo, Orbino! Akin na yang books ko. Kailangan ko na kunin yung gagamitin ko for next class," palusot ko.

"Asa. Love letter lang naman gusto mo." 

Well, totoo naman. Love letter din yung habol ko. 

"Nakakarami ka na ha. Che! Bahala ka dyan," tapos hindi ko na sya pinansin at binuksan ko na locker ko.

OMG! May papel! Malamang. Love letter nga e. Saka may blue rose! Alam nya nga talaga ang mga bagay na nagpapangiti sa akin.

Tapos binasa ko na yung nakasulat sa paper.

Dear JASMINE,

"You and I could be like ALADDIN and JASMINE, let's make it happen."

Ikaw ang nauna kong naisip sa kanta na 'to Jasmine. Kamusta na ang babaeng patuloy na nagpapatibok ng puso ko? Sana okay ka lang. Pasensya na kung hindi pa ako nagpapakilala. It's not the right time yet but you'll know me.. soon. I hope you liked the rose. Alam mo ba ang mas magandang pakinggan kaysa dun sa unang line na nasa letter? It's..

"You and I are BETTER than ALADDIN AND JASMINE, WE MADE IT HAPPEN."

I hope we can really make it happen Jasmine cause I am willing to wait for the girl who caught my heart.

-Your Aladdin, "J" <3

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I felt so speechless. Sobrang sweet, sobrang sincere. Napaka-genuine talaga nya. Ayan tuloy, napayakap ako dun sa letter.

"Kilig ka naman dyan? Mukha kang engot," at pinisil pa ni Justin yung pisngi ko.

"Panira ka talaga ng moment! Mas engot ka!"

"Hahaha. Eh ang sarap mo asarin. Oh ano, tapos ka na kiligin? Male-late na tayo, Catapang."

"Oo na. Ang KJ mo talaga, Orbino. Tara na nga." 

Paalis na sana kami ng biglang may sumigaw galing sa likod namin.

"JAS!" sabay tingin ko sa likod.

"Orbino, sino yun? Hindi ko makita ng ayos e," sabi ko habang nakatingin parin. Ugh. Ang hassle talaga na lumalabo yung mata ko lalo.

"Secret admirer mo po," lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni Justin.

Hindi nga? Sya na ba? Sya na ba si Aladdin? Magkikita na ba kami? At paano naman nalaman ni Justin na sya yung admirer ko?

Author's Note: This story is just a result of my boredom. So don't expect much. Sana magustuhan nyo pa rin. Please COMMENT and VOTE!

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon