Chapter 2
"Hindi nga? Wag mo akong pagtripan! Sino nga yun?" tanong ko uli kay Justin.
"Joke lang. Asa ka pang admirer mo yun! Natatakot nga ata magpakita!"
Kahit kailan talaga ang lakas nya mang-asar. Ang sarap din sapakin neto minsan eh.
"Ang sama mo talaga, Orbino! Sino nga kasi?"
"Sorry, Catapang. Si.. James yun."
Sakto namang dumating nga si James. Ang labo na talaga ng mata ko. I need glasses! Sana may mag-donate. Joke.
"Hi Jas. Hi Pare!" nagkamay naman sila at sandaling yumakap sa akin si James.
James Pascual nga pala. Ang bestfriend ni Justin. Puro "J" kami noh? Astig lang! Ahmm, friends naman kami. Close din naman. Kaya lang hindi ko sya nakita ng ayos kanina kasi nga malabo na yung mga mata ko tapos hindi ko rin napansin na boses nya pala yun. Alam nyo naman kapag boses ng mga lalaki, parang halos lahat sila magkakaboses.
"Hello James. Sorry ah. Ikaw pala yun, hindi kita masyadong nakita sa malayo."
"Okay lang. Dapat mag-glasses kana." paalala ni James sa akin.
Kahit kailan talaga, napaka-concerned ni James. Sa totoo lang, sya ang number 1 suspect ko sa pagiging admirer ko. Hahaha. Suspect talaga. Pero syempre, hindi ko sinasabi kay Justin kasi baka sabihin nya ang feeler ako. Sya nga ba? Sa tingin ko sya talaga. Sorry naman kung feeler! Eh ang laki kaya ng possibilty.
Yung letter kasi laging may "J" so pwdeng James hindi ba? Tapos alam din naman ni James yung mga paborito ko at yung mga bagay na kinatutuwaan ko. Tapos may nagsabi sa akin na may crush sya sakin. Kaya medyo sya ang number 1 suspect ko.
"Naks, pre! Concerned na kay Catapang! Nice, James. Damoves ka pa," pangungutya ni Justin kay James.
"Pre naman, syempre eh baka mabulag yan mamaya at hindi makita ang secret admirer. Hahaha," sabe ni James tapos naghigh five pa sila.
"Magbestfriend talaga kayo! Ewan ko nga ba kung bakit nagtyatyaga akong sumama sa inyo."
"GWAPO KASI!" sabay sabi nila pareho.
Naramdaman nyo ba yun? Biglang humangin ata? ANG KAPAL NG DALAWA. Mas makapal pa sa pinakamakapal na libro.
"Asa! Tara na at baka malate pa tayo dahil sa mga imposibleng sinasabe nyo."
"Aminin mo na, gwapo kasi kami Jas," pangungulit ni James
"Oo nga, Catapang! Kung alam ko lang, pareho mo kaming crush!" dagdag pa ni Justin.
"Ha! Asa naman kayo! Excuse me! May secret admirer na ako noh,"
"Jas, nainlove ka na nga talaga sa admirer mo," puna ni James.
Tapos napatingin ako kay Justin na nakangiti lang at ano 'to.. Nagbblush? Anong nangyari dito? Kinikilig ba siya sa amin ni James? Hahaha joke asa.
"Tara na nga," sabay ngiti sa akin ni Justin. Creepy and weird.
Nagpunta na kami sa room at baka mapagalitan pa kami ng teacher namin. Buti na lang at hindi kami nalate.
So nag-start na magklase at as usual, nabobored ako. Katabi ko si Justin at James. Nasa gitna ako. Awkward lang. By threes kasi ang seating arrangement namin.
Tutal, wala din naman masyadong focus ang teacher namin sa amin, nagusap usap lang kami at nagkwentuhan tapos napunta dun sa topic ng secret admirer ko.
"Oy, Catapang. Inlove ka na ba talaga dyan sa secret admirer mo ha?" biglang tanong ni Justin.
"Orbino, sa totoo lang inlove na nga ata ako e. Akalain mo yun? Ang consistent nya sa akin! Simula first year pa tayo at walang araw na wala akong letter galing sa kanya. Sana nga lang makilala ko na sya."
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer
RomanceYung feeling na may secret admirer kana nung first year highschool ka pa lang. Nakakakilig na parang mamatay ako. Pero hanggang ngayong 4th year, hindi pa rin sya nagtatapat. Sana naman magtapat na si secret admirer ko. Yieeeeee. I LOVE HIM. :"> - J...