Chapter 6

25.6K 431 160
                                    

Chapter 6

Umagang umaga, ang dami na agad nangyari. Hindi ko alam kung masaya ba talaga ako o nagsasaya-sayahan lang kasi pinapaniwala ko ang sarili ko na yun yung dapat kong maramdaman dahil lang kaharap at kasama ko ang admirer ko na si James. Bakit ganun? Nasa ibang bagay yung pag-iisip ko. Nasa ibang tao.

"Jas, tara na sa classroom. Male-late na tayo. Ayusin na lang natin 'to mamaya."

"Ah. Oo, sige. Tara."

"Akin na bag mo para di ka mahirapan." 

"Haha, naks. Gentleman ah."

"Syempre. Ako pa. Kaya mo nga ako mahal 'di ba?" nginitian ko na lang siya sa sinabi niya.

Dumating na kami sa classroom. Bakit wala si Justin? Umuwi na ba sya? Galit kaya sya sa akin o kay James kasi hindi nasabi agad sa kanya? 

Buong araw ang lungkot lungkot ko. Hindi ako nakikinig sa teacher. Tapos si James kapag magki-kwento, hindi ko na din napapansin. Pero diba dapat masaya na ako? Kasi andyan na yung admirer ko na nagpakita sakin or should I say, ung admirer na nabuking ko? 

Pero iba ang iniisip ko. Iba ang hinahanap ng puso ko. Si Justin talaga ang hinahabol ng puso ko. Yung totoong mahal ko. Pero pano si James? May parte ng puso ko na nagsasabing hindi si James ang admirer ko. Ngunit paanong hindi? Eh sya na mismo ang nagsabe na sya ung admirer ko. Pero paano kung hindi?

Gulong gulo na ako. Sasabog na ang puso ko. Bakit?! Ganito ba pag nagmamahal ka talaga? Magulo.

Nagring na yung bell. Wala akong natutunan sa araw na yun. Si Justin lang ang iniisip ko buong araw. Kung nasaan sya? Ano kayang ginagawa nya? Kumain na kaya sya? Naiisip nya ba ako?

"Jas, dismissal na. Tara na. Ako na maghahatid sayo."

Sorry James. Pero may mali eh. May mali talaga.

"James, una kana. May gagawin pa kasi ako tapos may club meeting pa kami. Tsaka may Student Council meeting din. Mahalaga kasi yun. Magpapasundo na lang ako sa mom ko. Salamat na lang. Ingat ka paguwi ha."

"Samahan na lang kita para safe ka talaga. Nagaalala kasi ako para sayo." 

"Promise, okay lang ako. I can take care of myself na and ayaw kitang maabala. Ingat ka ha."

"Sige. Ingat ka din. Mahal kita."

"Sige. Ingat. Bye." nginitian ko na lang sya at tumalikod at nagsimulang maglakad. Nung sinabi nya ang mahal kita, ewan ko pero ayaw magrespond nung puso ko e. Para bang hindi tama kung sasabihin kong mahal din kita, kaya ngumiti na lang ako.

Saan na ako pupunta ngayon? Nagpalusot lang naman ako kay James na may mga gagawin ako pero wala naman.

Sa locker! Tama! Hindi ko pa nababasa yung sulat na nilagay ni James kanina. Kailangan ko pa rin yun mabasa. Dumiretso na ako sa locker ko at binuksan sabay kuha dun sa letter at sinimulan kong basahin.

Dear Jasmine,

Mahal ko, kamusta ka na? Miss na miss na miss na miss na kita ng sobra! May ipapagawa ako sayo. As in sa moment na binabasa mo na ang letter na 'to. Pumikit ka pero mabilis lang para mabasa mo din 'tong sunod na sasabihin ko. Nakapikit ka na ba? Oh anong nakita mo? Diba kadiliman? Wala kang makikita kundi dilim? Ganyang ganyan ang buhay ko kapag wala ka. Kaya ngayong araw na 'to, malalaman mo kung sino talaga ako. It's NOW or NEVER. JASMINE BLAY CATAPANG, aaminin ko na kung sino ako. Magpapakilala ako. Iintayin kita sa music room. Magiintay ako hanggang dismissal. Iintayin kita kahit anong mangyari dun lang ako. Sana pumunta ka. Kung ppunta ka man, ingat ka ha! I LOVE YOU JASMINE. Mahal na mahal. Kaya tanga ko na lang kung pinakawalan kita o nakuha ka ng iba. I'm looking forward to meet you my love. :)

- "J" <3

Wala ng tanong tanong pa. Nagpunta ako sa music room. Kasi yun ang sinabi ng puso ko. Nakita ko ang isang lalaki. Nakauniform pa rin sya. At kinakanta nya ang BY CHANCE by JRA. Kita ko ang mga luha nya na tumutulo na. Si Justin, umiiyak. Nasasaktan na din ako. Matapos nyang kantahin, nakita nya ako.

"Dumating ka." sabay ngiti na may kasamang sakit.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nabasa mo yung sulat 'di ba?" -Justin

"Oo. Pero si James ang admirer ko."

"Hindi sya ang admirer mo, Jasmine." 

"Ano? Nalilito na talaga ako. Umamin na sya sa akin kanina na sya talaga ang admirer ko."

"Sinabi nya yun kasi may gusto din sya sayo. Pero hindi sya ang admirer mo." 

Kung hindi si James, ibig sabihin siya ang admirer ko. Si Justin.

"Jasmine, AKO ang secret admirer mo simula nung first year pa tayo." 

Bakit hindi ko man lang napansin sa loob ng apat na taon na sya pala?

"Ikaw? Pero paano?"

Kung ganun bakit si James ang lagi kong nahuhuli na malapit sa locker ko? Nasa kanya ang kopya ng mga sulat na natatanggap ko?

"Nagpatulong lang ako kay James. Ako yung gumagawa nung letter pero sya ung nagpi-print."

"Kaya pala nakita ko sa flash drive nya lahat ng letters na binibigay mo sakin?"

"Oo. Kasi nga sya yung magpi-print at sya din ung naglalagay sa locker mo para safe at para hindi mo malamang ako pero bad idea kasi siya tuloy yung inakala mong admirer mo." 

"So all this time, ikaw? Ikaw talaga? Walang halong biro?" 

"Oo. Ako. I'm your secret admirer Jasmine. Walang halong biro. Pero tanga ko lang kasi dapat ako ang gumawa ng lahat ng yun. Sorry ha." 

"Pero bakit nasabi yun ni James?"

"Kasi nga may gusto sya sayo pero hindi ko akalain na magagwa nya yun. Pero okay lang. Masaya na ako para sa inyo. Masaya kana din kaya masaya na ako. Nandito lang naman ako para magpakilala. So now you know na ako na yung tanga mong admirer. Ang tanga mong bestfriend." 

Nagsimula na akong umiyak kasi hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Masaya?! Ako?! Alam mo bang magdamag na kitang inisip?! Kanina sa klase nagalala ako sayo. Ikaw lang laman ng isip ko. Pati puso ko ikaw lang yung hinahanap." sigaw ko habang umiiyak.

"Tahan na. Hindi ka dapat malungkot. Dapat masaya ka kasi kayo na ni James 'di ba? Masaya na ako kung masaya ka Jasmine. Kasalanan ko din naman kung nasaktan ako e." sabay punas nya sa mga luha ko.

"Hindi kami ni James, Orbino! Kasi ikaw lang ang nilalaman nito!" sabay turo ko sa puso ko.

"Anong ibig mong sabihin?" -Justin

"Di pa ba obvious?! Mahal kita. Sobrang martyr mo! Ipapamigay mo talaga matapos ang apat na taon na pag-eeffort mo?!" nakita kong kuminang yung mga mata niya.

"Sorry.. pero totoo nga? Mahal mo ako? Sige nga i-kiss mo ako?" biro nya.

"Asa ka naman!" at itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin.

"Dali na. Kiss na. Dito lang oh." sabay turo sa lips.

"Ewan ko sayo, Orbino! Ayoko nga."

"Joke lang! Jasmine, salamat. Sa sinabi mo, buong buo na ang apat na taon kong sikretong pag-suyo sayo. Simula ngayon, sisiguraduhin kong sayo lang ako at sana sa akin ka lang din. Will you marry me?"

Tinotoo niya nga ang sinabi niya sa isa sa mga sulat niya na itatanong niya sa akin ang mga katagang yun. Napangiti na lang ako. Alam kong sobrang bata pa naman para sa mga ganitong bagay kaya assurance lang muna ang maibibigay ko sa kanya.

"I can't say yes completely. Pero sa tamang panahon, Justin." 

"Thank you. I love you!"

"I love you too, Justin," 

At natapos ang araw na puno ng ngiti ang mukha naming dalawa.

Author's Note: Epilogue na! Please COMMENT and VOTE! =)

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon