Chapter 4

25.1K 355 76
                                    

Chapter 4

Naihatid na ako nina James at Justin sa bahay namin. Ang caring talaga nila. Baka daw kasi mapahamak pa ako. 

Eto, nakauwi na ako sa aking bahay. Haha joke! Hindi ko 'to bahay. Sa magulang ko 'to. Nga pala, only child lang ako. Kaya my parents give me anything I want, as long as may magandang reason yung paghingi ko ng mga bagay bagay. Saka hindi naman ako yung tipong hihingi na lang ng kung ano ano just for the sake of having it. Ika nga ni Dad, practicality is what you'll need in real life.

"Mom, nandito na po ako." sigaw ko habang hinahanap siya.

"Baby, nandito ako sa kusina. Just preparing dinner," narinig kong tawag ni mommy. Kaya naman dumiretso na ako sa kitchen kung san sya nagluluto. Nabalot ng napaka-bangong amoy ng sinigang at gulay yung bahay namin. Nakakatakam na tuloy!

"Hi mom!" maligayang bati ko kay Mommy at agad yumakap sa kanya.

"Oh anak, kamusta school? May kasabay ka ba pag-uwi? Sorry at hindi kita nasundo ah," sabi ng mom ko habang hinahalo nya yung niluluto nya.

"Ahmm, okay naman po. Sina Justin at James yung naghatid sa akin. Mommy, ang dami nyo naman atang nilutong chopsuey," mukha ngang good for 5 yung niluluto niya.

"Kasi gusto kong kumain ka ng madaming veggies. Ang payat payat mo na."

"Eh kadiri kasi yung lasa nya e. Pero try ko pa din po. Mom, punta na ako sa taas. Gagawin ko na po yung project ko bago ako kumain."

"Sige anak, ipapatawag na lang kita mamaya kung kakain na tayo. Just call me or manang kung may kailangan ka." 

"Sige po," sabay punta ko sa room ko.

Binuksan ko naman agad ang laptop ko at sinimulang gawin yung visual poem ko. Ano kayang magandang theme?

Tapos nakita ko yung pic na nasa side table ko. It's me and Justin. Napangiti ako ng sobra. Ang epic ng mukha namin. Then it hit me. Alam ko na ang gagawin ko: a visual poem about my bestfriend. 

Type lang ako ng type. Hindi ko na pinansin kung lahat ba ng words nagra-rhyme, basta nagme-make sense sya at may depth dapat yung tula.

As I was typing, may narealize ako. Ang lalaking ginagawan ko ng visual poem na ito, ang lalaking simula highschool ay laging nandyan para sa akin, ang lalaking papangitiin ako kapag malungkot, ang lalaking kahit anong asar pa ang gawin sayo tanggap mo pa rin, ang bestfriend ko na si Justin Orbino ay mahal ko pala. Mahal na mahal. Hindi bilang bestfriend kung hindi higit pa dun.

Ngayon ko lang narealize. Ang tanga tanga ko. Manhid ba ako? Hindi naman siguro. Ayoko lang siguro na masira ang friendship namin pero itong feeling na 'to. I'm very sure na iba 'tong nararamdaman ko para sa kanya, pero mahal ko din ang admirer ko eh. Ano ba yan? Nalilito na ako!

Mahal ko sila pareho? Pero ayoko ng ganitong feeling. Para bang ang sama kong tao. Nagmahal ako ng dalawang tao.

Katatapos ko lang gawin yung visual poem ko for him. At ang last slide ay yung picture namin together. Nakakatuwa lang makita kaming ganun kasaya.

Kinuha ko na yung flash drice at isinalpak dun sa laptop ko. Then nung inopen ko ung flash drive may nakita akong folder na ang file name ay: "loveletters"

Nacurious ako. Ano 'to? Gumagawa pala si James ng love letters? Para kanino naman? Then inopen ko ung folder. Sorry James kung hindi ko marerespeto yung privacy mo pero iba yung kutob ko. Pagkabukas ko nung folder, nakita ko lahat ng letters. Starting from the day na ibinigay sa akin yung first letter. But why is it with him? Bakit nasa 'yo 'to James?

So si James nga.. ang admirer ko? Sobrang naguguluhan na ako. Ibig sabihin, mahal ko silang dalawa? Ang landi ko naman tignan. 

Torn between the two of them!  Paano ako makakatulog ng ganito? Hindi na ako kumain, napagod na ako sa kakaisip sa kung ano bang gagawin ko sa nararamdaman ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang makatulog ang sarili ko. Suddenly, bigla na lang akong may nakitang scenes na kasama ko si Justin. Tapos biglang susulpot si James. Nawala na yung scene at bigla na lang nage-echo sa utak ko na...

Justin, mahal kita.

Justin, mahal kita.

Justin, mahal kita.

Justin, mahal kita.

Tapos biglang..

James

James

James

At sa point na yun, nakatulog na ako. Hindi ko alam ang gagawin. Lalo na bukas.

Author's Note: Hello! Kung may nagbabasa man. Sino nga kaya ang admirer ni Jasmine? Please COMMENT and VOTE! =)

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon