Chapter 5

24.7K 344 108
                                    

Chapter 5

Another day for me. Or should I say, another problematic and confusing day. I'm torn between my feelings for Justin and James. Pero si James, sya ang most probable na secret admirer ko. Ang sakit ng ulo ko.. I mean pati yung puso ko.

Paano nga kung si James? Paano na si Justin? Sabagay, bakit ba ako magaalala. Bestfriend lang din naman ang turing sakin ni Justin. Pagtatawanan lang ako nun kung sinabi kong mahal sya.

Ngayong araw na 'to, kailangan kong mapatunayan na si James nga talaga.

Bumangon na ako at nagready for school. Pagkadating ko sa school, nakita ko si Justin na iniintay ako. Sinalubong naman nya ako. Mukhang napansin nya na wala ako sa sarili ko ngayon.

"Catapang, may problema ba sayo?" tanong nya.

"Ah.. Wala naman," nginitian ko na lang sya para di nya talaga mahalata na mayroon.

"May lagnat ka ba o sakit?" sabay lapat ng palad nya sa noo para tignan kung may lagnat ako. Tinanggal ko na rin yung kamay nya sa noo ko.

"Wala nga e. Wala," paulit ulit kong sinabe.

"Baka binasted ka na ng admirer mo noh? Kaya ka mukhang basag at sabog ngayon? Hahaha," biro nya.

"HA. HA. HA. Nakakatawa." 

"Uy, joke lang naman eh. Tara na sa classroom."

"Una kana, may kunin lang ako sa locker. Madali lang naman."

"Sama na ako!"

"Orbino, wag makulit. Una kana sa room. Mabilis lang naman."

"Okay. See you sa room," ngumiti na naman sya sakin. Yung ngiting nakakainlove na ngayon para sa akin. Hay, Jastine. Ang landi mo.

"Oo na," sabay takbo nya papunta sa room namin. Oo, takbo talaga. Ako naman nagdire-diretso na papunta sa locker. Ewan ko nga ba kung bakit ako pupunta dun e. Basta sabi ng instincts ko pumunta dun.

Malapit na ako sa locker at may natatanaw akong isang lalaki na nasa tapat ng locker ko. ANo naman kayang kailangan ng lalaking yun? My kinukuha ba sya sa locker ko? 

Hindi naman nya ako napansin kaya lumapit ako. May blue paper sya at ininsert nya dun sa locker ko. ANG ADMIRER KO! I tried my best to look at the guy, at si James nga!

Lumapit ako hanggang sa napansin nya na ako.

"Jas...." 

"James..." napayakap ako kay James dahil sa tuwa. Ngayon, sure na ako na sya yung admirer ko. Tinanggal ko na din ang pagkakayakap ko sa kanya. Medyo naging awkward kasi.

"James, ikaw. Ikaw ang admirer ko? Bakit hindi mo na lang sinabe?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Jas kasi... uhh.. Ehhh.... ehh, oo ako nga ang admirer mo. Sorry kung napatagal," nauutal nyang sinabe.

"Mas importante, kilala na kita."

"Oo nga e. Nabuking mo ako ah." napakamot naman siya sa ulo niya.

"Catapang? James?" napatingin kami sa likod kung nasaan si Justin. Bakit sya nandito?

"Oh Orbino? Akala ko nasa room ka na?" tanong ko.

"Si James pala yung admirer mo. Nice."

"Hindi ka man lang ba matutuwa para sa akin?" 

Sana hindi ka masaya. Deep down, umaasa ako na may iba ka pang nararamdaman para sa akin.

"Syempre masaya! Sobrang saya nga eh. Congrats ha! Happy ako para sa inyo." at nakita ko ang pag-ngiti niya.

Masaya ka nga. Ano bang pumasok sa isip ko para umasa pa ng mas higit pa sayo.

"Pare.." akmang lalapitan ni James si Justin.

"Oh James! Congrats ha! Ang galing mo. Ang galing galing." sabay pumalakpak sya. "James, ngayon ko lang nalaman ang tunay na meaning ng kaibigan."

Ha? Anong ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi?

"Ano bang sinasabi mo Orbino?"

"Tanungin mo si James. Sige una na ako. Late na kasi." sabay alis nya at naglakad ng mabilis papalayo sa amin.

Humarap ako kay James, "James, anong ibig niyang sabihin na tanungin kita? Ano yung ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi?"

Hindi sumagot si James. 

"Wala yun, wag mong alalahanin yun."

Wala nga ba?

Author's note: Ok. Oh ayan na. Pero di pa po tapos yan! Akala nyo ha. May twist po akong ginawa. Please COMMENT and VOTE! =)

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon