Chapter 3

27.2K 400 130
                                    

Chapter 3

Uwian na and I need to do our project at ise-save ko pa sa flash drive. Kaya ko 'to! Matatapos ko sya. Just a simple visual poem. Hmm? Mamaya na nga ako magiisip ng theme paguwi ko sa bahay.

Sasama na lang ako kina Justin at James para safe at para guluhin ko sila.

"Orbino, James! Pasabay ako ha." 

"Sure, Jas! Wait lang ha. Kay Justin ka muna sumama. May kukunin lang ako sa locker ko," paalam ni James.

"Ano? Iiwan mo ako sa moody na lalakeng 'to?"

"At least gwapo," pagmamayabang ni Justin.

"Eh di ikaw na!"

"Inamin mo rin!"

"Oh sige guys, una na ako ha." at bumalik na si James sa locker niya. May kukunin daw eh.

"So naiwan ako kasama ka. Wow." 

"Swerte mo nga, Catapang! May kasama kang pogi."

"Kahit kailan talaga ang kapal mo!" sabay hampas ko sa kanya.

"Aray! Ang sakit nun ha. Pero okay lang, the more you hurt the person the more you love." 

Ano namang pumasok sa kokote nya at sinabi nya un?

"Saan mo naman yan nahugot? Hahaha!"

"Seryoso ako, Catapang. First year pa lang tayo, crush na kita. Hindi naman nagtagal, nadevelop na yung mga feelings ko into something more.." sobrang seryoso ng pagkakasabi niya. Noon pa man? Since 1st year? Nalilito na ako sa kanila ni James.

Ano 'to? Umaamin ba sya?  Ang gulo ng utak ko! Orbino, wag mong sabihing admirer kita?!

"Ha?" sa dami ng gusto kong sabihin "ha" na lang ang nasabi ko.

"Sabi ko mahal kita. Noon pa Catapang. Hindi ba talaga halata?" 

Nagulat na naman ako sa sinabi nya. Totoo ba talaga? Halata na mahal nya ako? Manhid ba ako at hindi ko yun nakita? Bestfriend ko kasi sya at ayoko namang magfeeling na may gusto sya sa akin. Pero noon, inaakala kong may gusto sya sakin. Para bang boyfriend ko sya kung umasta pero i didn't mind it at kinalimutan na lang yun.

"Justin.. kasi ano ba naman yang sinasabi mo... seryoso ka ba ha? Justin kasi ano.. hindi----" hindi na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lang syang tumawa.

Ha? Bakit naman sya natawa? 

"HAHAHA! Catapang... HAHAHA! Talaga bang... HAHAHA!" tumawa lang ng tumawa si Justin. Ni hindi ko na naintidihan ang sinasabi nya e.

"Orbino! Bakit ka ba tumatawa dyan? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya.

"Patapusin mo muna ako tumawa."

Okay sige lang. Tawa.

"Okay." after kong masabe yun, tumawa na nga sya ng tumawa. As in WAGAS na tawa! Parang walang bukas ah?

Medyo tumigil na sya. "Tapos kana, Orbino?"

"Oo. Eh kasi naman! Did you really think na I was serious with what I told you kanina? Asa ka pa! Hahaha. Tapos hindi mo pa alam kung paano ka magrereact. That proves na I'm a good actor. I'm just handsome, i know."

Acting lang pala nya yun?! Wow ha. Ang galing nya talaga! Akalain mo un, napaniwala ako. Well, sya na talaga! Best actor! Nakakainis lang. Ako pa yung napahiya.

"Ang lakas ng trip mo! Ikaw na yung best actor! Yay woo! Oh ano, masaya kana?" napasigaw pa ko ng hindi oras.

"Uy, Catapang. Joke lang naman yun eh! Hindi kana nasanay sa akin."

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon