Ark - Races

43 3 0
                                    

Humans - "Vanguards"

Isang race na kinabibilangan ng mga mahuhusay na mandirigma.

Paladin- eksperto sa hand to hand combat at pag gamit ng shield, tinatawag din silang "Defense" ng Vanguards.

Nababalutan sila ng mabibigat at matitibay na armor, espada at shield ang kanilang gamit sa pakikipaglaban. may kaunting kaalaman din sila sa mahika na nakakatulong sa kanila sa labanan.

Wizards- eksperto sa mahika, mga taong matatalino at maabilidad sa labanan.

Libro ang tanging sandata nila, binabasa lamang nila ang mga ritwal para makagawa ng isang malakas na mahika,light spells ang mastery nila. ngunit mahina ang kanilang depensa lalo na sa mga melee attackers.

Suin- mga mabibilis kumilos at mga Daggers ang kanilang gamit upang tapusin ang kanilang kalaban sa sobrang bilis na paraan gamit ang kanilang mga teknik.

Tinatawag din silang "Blinker", ni hindi na sila mismo makita sa gabi sapagkat halos anino na lng sila pag nakita mo, yun ay kung makikita mo sila!, poison user din sila kaya't sila ang mga pinapadala sa raid mission. kahinaan nila ang wards sapagkat nakikita dito kung saan sila nagtatago.

Sa Vanguards ay may rank silang tinatawag. dito makikita kung sino ang mga pinakamahuhusay na mandirigma, depende rin sa rank mo ang misyon na ibibigay sayo, Rank 100 lamang ang pinakamababa!, at ang Rank 1-10 ay yaong mga master na halos lahat ng spells at jobs tinatawag din silang mga Elites. sama sama na yun para sa hanay ng Paladin, Wizard at Suin. pede ka irank hanggang lagpas 100, kung yun talaga ang itinalaga sayo.

Raid Mission- iba't ibang misyon para sa mandirigma ng Vanguards na wala pang rank, sinasabi ng iba na mahirap daw mag ka rank kahit lagpas 100 sapagkat minsan ay may mga time limit ito at minsan ay pedeng ikamatay ng humans ang misyon na ito.

Elves - "Sacramenti"

Race na sikat sa kanilang pang-gagamot at mga ritwal na pang depensa, ang itsura nila ay parang humans ngunit mapapansin mo na medyo matulis ang dulo ng kanilang mga tenga, at mas malalaking tao ang mga Elves kesa sa mga Humans.

Elch - eskperto sa medisina at sa mahikang pang depensa, kadalasan ay grupo sila kung gumalaw kasama nila ang Hunters at Rapiers upang ma raid nila ang kanilang mga kalaban.

Orbs ang mga gamit nila para maka gawa rin sila ng nga Illusional spells, mahina sila sa depensa lalo na pag solo lang sila, iilan na lang ang mga Elch sa kanila sapagkat inaabuso ng ibang race ang kapangyarihan nito at yung iba ay nangamatay na sa digmaan at mga raids mission.

Hunters - mga mahuhusay na mandirigma ng mga sacramenti na gumagamit ng "Bow and Arrow".

Sa layo ng distansya ng kalaban nila kaya nila tapusin ito sa isang tira lang at magpakawala ng mga arrows ng sing bilis ng kidlat. gumagawa din sila ng mga traps, mahina ang depensa nila sa combat at mahika lalo na pag malapitan.

Rapier - mga mandirigma na ang gamit sa pakikipaglaban ay Rapier at isang pistola na parehas nilang hawak habang nakikipaglaban.

Kaya nila pantayan ang bilis ng mga Suin at Djinns, sa bilis nila kaya nila magpakawala ng atake ng Rapier at Pistola ng sabay, kaya nila sirain ang mahihinang depensa. mahina sila sa mahika at wards.

Orcs - "Rage"

Isa sa mga race na walang kinakampihan,ang pakay lamang nila ay makuha ang Ark, sapagkat gusto nila itong gamitin para lalo silang lumakas, at para takutin ang ibang race.

ArkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon