Ark - Dreams

34 3 0
                                    

"Aaag-ghhh!"

Bungad ng isang binatang lalaki, na nagising sa tumamang kaldero sa kanyang mukha.

"Anu ba Rufio?! di ka pa ba gigising?!" mag sisimula na ang raid mission, pang labing dalawang bagsak mo na yan!"

*Rufio, isang paladin, simula pagkabata ay hilig na nya talaga ang mga mabibigat na sandata at pinapahawak lagi ng ama nya sa kanya ang shield nito kaya't ng namatay ang tatay nya sa digmaan ay pinangako nya sa sarili nya na magiging paladin sya tulad ng kanyang ama*...

"A-rggh! sakit nun ah! si nanay talaga kelangan pa talaga gumamit ng kaldero pang gising.."

"Oo Nay!, Alam ko! huwag nyu na ulit- ulitin at huwag kayo mag alala dahil paborito ko ang numero 13, isasakto ko yun at dun ako magiging magiting na Paladin ako!" dugtong pa ni Rufio.

"DEFENSE!!!!" sigaw ni Rufio..

Sabay ilag nya sa batok ng nanay nya..

"Hahaha! Kala nyu ah?! mabilis to.."

Sabay nagtawanan ang mag-ina...

Ng biglang may sumulpot na animo'y anino sa upuan nila..

Si Topi!

*Isang Suin, ang matalik nyang kaibigan na sinasamahan lang sya sa di pag pasa sa mga missions, dahil ang gusto nya ay sabay sila pumasa at makuha nila ang Rank ng malaman nila ang matagal na nilang pinagtatalunan na kung sino ba talaga ang mas malakas sa kanila.*

"Oh! Topi, sakto ang dating mo sabay na kayong kumain ni Rufio" sabi ng nanay ni Rufio.

"Di kumakain ang mga malalakas, mga mahihina lamang ang kumakain kaylangan nila yan para tumagal sila sa labanan." sambit ni Topi.

"Mga pinag sasabi mong bata ka!"

Sabay kutos sa dalawa..

"Kumain na kayo at marami pa akong gagawin!!!" inis na sabi ng nanay ni Rufio.

Sabay nagkatinginan si Rufio at Topi, at nagsimula na silang mag unahan sa pagkain..

"Akin yan! Bahay ko to! Tirahan mo ko, may nalalaman ka pang hindi kumakain ang malakas eh, napakalakas mo kumain!"

"Wala akong pakialam sayo! napakabagal mo kumain bagay sau ang Paladin napakabagal mong gumalaw at umatake, kung ako sau mag Suin ka na lng tulad ko."

Nang biglang may sumabog sa kastilyo ng Vanguards.

Biglaang nag unahan ang dalawa papunta sa kastilyo...

"Hoy! intayin mo ako! kukunin ko lang ang espada at shield ko!" pagmamadali ni Rufio.

"Bahala ka jan! Intayin ka? para anu magbitbit ng mga sandata mo? kupad mo talaga..tss" nawala na lang ito bigla na parang usok na inihip ng hangin.

"Badtrip! bilis mo nga kumilos napaka hina mo naman lagot ka sakin, makakabawi din ako sayo".. bulong ni Rufio.

"Anak! pang labingtatlo tandaan mo! mag-iingat ka" paalala ng kanyang ina.

"Hahaha si nanay talaga!". tawa nito sa kanyang sarili at determinado na talaga sya na ngayon sya papasa!".

Nagpaalam na sya sa kanyang nanay sabay takbo sa kagubatan..

Nakatira sila sa gitna ng gubat na malapit sa Vanguards, dito rin sya araw-araw nagsasanay halos maubos na ang mga puno sa paligid ng bahay nila sapagkat ginagawa nya itong praktisan.

Sobrang bilis nya tumakbo ng biglang may mabunggo syang Orc!.

"Huh?, bakit may Orc dito?"

ArkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon