Bwahahaha! paulit ulit na uma-alingasaw ang tawa ni Mortus sa buong kapaligiran.
Hindi makapaniwala si Rufio sa kanyang nakikita, tila takot na takot pa sya sa mga nangyayari.
Ganto rin kase ang pangyayari at sitwasyon kung paano namatay ang kanyang ama, kitang kitang nya kung paano pinaslang ito.
Habang nasa gitna sya ng takot, nakita nya ang kanyang kaibigan na si Topi, na duguan at walang malay.
T-Topi...
Tumingin din sya sa kabila, sa di kalayuan andun ang Elch na tinulungan nila kanina, naka-handusay at walang kamalay-malay.
Nang may biglang tumapik sa kanyang balikat.
Si Valencia.
"Kaylangan kita bata, gamitin mo ang kapangyarihan ko at ang lakas ng loob mo"
"Papano?" tanong ni Rufio na tila hindi maintidihan ang sitwasyon.
"Magtiwala ka lang, at sundin ang mga sasabihin ko"
Si Badort naman ay..
Hindi to maari, hindi ko inakala na sya pa ang ttraydor samin, sya pa... nakaluhod na nagsasalita si Badort.
Ng biglang may tumigil sa kanyang harapan.
Si Mortus!
Sinisipa sya nito habang natawa, ilalabas na sana ni badort ang kanyang dagger ng....
"Swiiiiishhhhhh!"
Pinutol ni mortus ang kanyang dalawang kamay..
"Gwaaaa-ghhh!!" sumambulat sa lupa ang mga kamay nya, habang naagos ang dugo sa kanyang mga putol na kamay.
"Badort!!!!!" sigaw ni Valencia at Rufio.
Sa huling tawa ni mortus, itinaas nya ang kanyang scythe at akmang pupugutan ng ulo si badort.
"Ngaun na bata!!!" sigaw ni Valencia
Dahan dahan lumakad si Rufio, hanggang sa pabilis ng pabilis ang kanyang takbo.
Habang natakbo, hinawakan ni Rufio ang kanyang shield ng dalawang kamay ng biglang may apoy na aura na lumabas sa kanyang likod.
"Raging Phoenix!!!" sigaw ni Valencia
Isang bind spell ang ginawa nya, binigay nya na rito ang kanyang huling spell, kasunod nito ang pag patak ng kanyang mga luha.
"Ikaw na ang bahala bata..."
Ang aura na apoy na lumabas sa likod ni Rufio ay kumorteng bilog na nakapaligid sa kanya para itong barrier.
"Ang init ng pakiramdam ko, para akong masusunog."
..At habang papunta ito sa dereksyon ni Mortus, ang bilog na aura na ito ay naghuhugis phoenix, naglalabasan ang mga pangil nito na parang sabik na sabik sakmalin si Mortus.
"Gwaaaaah!" biglang nagiba ang kulay ng mata ni Rufio, at ang shield nito ay sobrang pula na parang hinihigop ang apoy na nakapaligid dito.
Sapul si mortus! humagis sa ere ang hawak nyang scythe.
Di makontrol ni Rufio ang lakas na bumabalot sa kanya, pataas ang dereksyon nila, tila nagwawala ang phoenix na ito, habang si mortus ay nakahawak sa mga pangil nito.
Tumakbo agad si Valencia kay Badort.
"Tiisin mo lng Badort ang sakit."
Gumawa si Valencia ng maliit na apoy sa kanyang daliri, sinunog nya ang mga dulo na putol na kamay ni badort upang tumigil ang pag durugo, kumuha sya ng potion na kulay berde sa kanyang sinturon at ibinuhos sa sugat sabay pumunit na kapiraso na tela sa kanyang suot at sabay tali sa sugat nito.
"Aaaaaaar-ghhhhhhh!!!!" maputla at pawis na pawis na sigaw ni Badort.
"Magiging okay din ang lahat Badort, magtiwala na lang tayo sa kanya"
Habang nakayakap si Valencia kay Badort na naiyak.
Papunta ang dereksyon ng phoenix sa blackhole.
Maraming gargoyles at creeps na naka palibot malapit sa blackhole ang natusta, na nadaan ng phoenix.
"Bata! sa tingin mo ba matatalo mo ako sa gantong kapangyarihan?"
Tanong ni mortus habang nakahawak padin sa pangil ng phoenix.
"Uo!!"
Sagot ng dalawang tao na pumatong sa ulo ng dragon."
"????"
BINABASA MO ANG
Ark
AdventureSa mundong tinatawag nilang Obleish kinakatawan ito ng mga races ng Humans, Elves, Dwarfs, Orcs at Undead. Isa lang ang pakay nila, ang makuha ang Ark...