"R--a-n--k 1?!!" gulat ni Rufio...
May mga dahon pa na papunta sa direksyon nila badort at rufio ng...
"Hoy bata! anu pa tinutunga-tunganga mo jan?! tumakas kana!" sabay gawa ng barrier na sumalag sa mga dahon.
"B-Bat ganto di ko magalaw ang katawan ko" takot na sabi nya sa kanyang sarili.
Biglang may mga daggers na naliparan papunta kay mortus.
"Rufio!! ok lang ba kayo?!" sabay tapak sa isang parte ng bato.
"T-Topi?" ngatal na sabi ni Topi.
Tumalon sa ere si Topi at naghagis ng isang malaking shuriken...
"Vendetta!" pwersang sabi nya.
Sobrang bilis ng ikot nito, binato nya ito pababa at papunta ito sa direksyon ni mortus.
"Hindi ka dapat naglalaro ng mga ganto bata"
"Bwahahaha" dagdag pa nito habang iniikot ang shuriken sa daliri nya.
"Dami mong alalay na bubuwit badort ah? bwahahahaha!!" dagdag pa ni mortus.
"T-Tumakas na kayo mga vanguards! wala kayong panama sa kanya!"
Nang biglang hinagis ni mortus pabalik ang malaking shuriken kay topi na nilalaro nya kanina.
"Cge lang! kayo ko..n...g"
"Bwa---gghhh!!"
Akala ni topi na malayo pa ang shuriken, ngunit yun ang pagkakamali nya...
...sa sobrang bilis nito ay natamaan na pala ang sya nito.
Bumagsak sa isang bahay si Topi.
"TOPI!!!!" galit na sigaw ni Rufio.
"Gumalaw ka Rufio! kelangan mo silang iligtas..." paulit ulit na bulong nya.
"B-Bata jan ka na lang, ako na bahala dito, isama mo ang kaibigan mo sa ligtas na lugar." sambit ni badort sabay tayo nya dahan dahan.
"Cge makikipag laro muna ako sa inyo at di rin magtatagal ay mamamatay rin naman kayo eh, Bwahahaha!"
"Tumigil ka, kung may mamamatay man ay ikaw yun!"
"Fire Blizzard!!!"
Si Valencia! tinira nya ang kanyang mahika at sabay talon sa tabi ni badort.
"Okay ka lang ba badort?" pag aalalang tanong ni Valencia.
Sinagi lang ng kamay ni Mortus ang mahika ni Valencia, at tumama ito sa isang bakanteng bahay at sumabog.
"Dito lang kayo ah?" sabi ni Valencia.
"Sasama ako."
Hinawakan ni Badort ang kamay ni Valencia..
"Lovebirds?! Bwahahaha!"
"Tumahimik ka Mortus! sa una palang wala na akong tiwala sayo!" sigaw ni Badort.
"Valencia...
...ngaun na."
Biglang Tumalon sa ere si Valencia, at nag laho bigla si Badort.
"Bwahaha, kaya mo pang gumalaw ng ganyan sa kundisyon mo na yan Badort? pinabibilib mo talaga ako, bwahahaha!"
"Ring of Fire!!sigaw ni Valencia na nakalutang sa ere sabay sumulpot si Badort sa likod nya at sinabayan ang mahika nya...
"Meteora!!" sigaw ni Badort..
Nagsama ang kanilang mahika at bumuo ng isang mala dambuhalang apoy sa kalangitan.
Kakatapos lng itira ni Badort ang mahika nya ay bigla syang nawala at ang naiwan sa ere ay si Valencia..
Napatingin sa taas si Mortus...
...ng biglang may sumulpot sa likod nya at sinipa sya pataas!
"!!!" gulat ni Mortus
"Whirlwind Kick!!" sigaw ni Badort.
Tumilapon si Mortus sa ere, papunta doon sa ginawang mahika nila.
Pagkasipa na pagkasipa ni Badort kay Mortus, ay sinabayan nya ito ng kanyang pamatay na teknik...
"Fist of Buddha!!"
Lumabas ang isang malaking kamay na tila may imahe ni buddha na lumabas,at sumalpak at itinulak nito si Mortus para ipitin ito sa malaking apoy na ginawang mahika ni Badort at Valencia.
"B-BOOOOOOM!!!" isang malakas na pagsabog ang nangyari, tumalsik ang mga nasa paligid nito.
Sabay napaluhod si Badort at napahawak sa kanyang dibdib, naibigay nya ang lahat ng kanyang lakas.
Lumikha ng malaking butas sa lupa, na kahit sa ere nangyari ang pagsabog...
...lahat ay naka abang sa ano ang nangyari.
"Tapos n-na b-ba?!" takot pa rin na imik ni Rufio.
Mga ilang segundo nila inaabangan kung anu ang lalabas sa gitna ng pinangyarihan...
...pagkawala ng usok, may nakatayo pa rin!
"Papa-nong?!" sigaw ni Valencia
"....." nakaluhod parin si badort at walang reaction.
Naglalakad ang taong nasa gitna, at ng mawala sya sa parteng may usok lumabas si Mortus...
...ang kalahating katawan nya ay kita na ang buto, at ang kalahati ay katawang tao na duguan at kita na ang laman.
"Bwahahahaha" parang tawa ng baliw na halos tumirik ang mata ni Mortus.
BINABASA MO ANG
Ark
AdventureSa mundong tinatawag nilang Obleish kinakatawan ito ng mga races ng Humans, Elves, Dwarfs, Orcs at Undead. Isa lang ang pakay nila, ang makuha ang Ark...