Ark - New Life

11 3 0
                                    

"Bata! sa tingin mo ba matatalo mo ako sa gantong kapangyarihan?" tanong ni mortus habang nakahawak padin sa pangil ng phoenix.

"Uo sagot ng dalawang tao na pumatong sa ulo ng phoenix."

"????"

Ang Elch at si Topi!

"Bwahahaha, ang lalakas ng apog nyu mga bata, sa pagkakataon na to dudurugin ko na talaga kayo"

Galit na galit na si mortus, nagkakaroon na ng biyak ang hawak nyang mga pangil.

"Boost Fira!" hinawakan ng Elch ang ulo ng phoenix.

Lumawak ang apoy ng phoenix at lalong lumakas ang pagkaka kagat nito kay mortus.

Tumalon naman sa ere si Topi at pumwersang ibato ang kanyang malaking shuriken, balak nya hatiin sa dalawang piraso ang katawan ni mortus.

"Vendetta!!"

Sapul si mortus, halos mahati ang likod nya at naka dikit parin dun ang shuriken na inihagis nya.

~Flashback~

"Kaylangan kita bata, gamitin mo ang kapangyarihan ko at ang lakas ng loob mo"

"Papano?" tanong ni Rufio na tila maintidihan ang sitwasyon.

"Magtiwala ka lang, at sundin ang mga sasabihin ko"

"Tumalikod ka at maglalagay ako sayo ng bind spell" dagdag pa nito sa binata.

Inilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa likod ng dibdib ni Rufio, at binasahan ng mabilis na ritwal.

"Ang init sa pakiramdam, parang dumadaloy ito sa aking mga ugat" Daing ni Rufio.

"Rufio, relax ka lang. idahan dahan mong ilakad ang paa mo at hayaan mo maramdaman ang init dito hanggang sa ma kontrol mo na ito."

"Bibigyan kita ng hudyat" dugtong pa ni Valencia.

Naririnig ni Rufio si Valencia, ngunit wala ito sa ulirat, nag flashback sa kanya ang pagkamatay ng kanyang ama.

Habang nilalabanan ni Rufio ang takot, at pagtanggap sa aura na ibinigay sa kanya...

..Si Valencia ay tumungo sa kinaroroonan ng Elch at Topi, dinala nya ang mga ito sa may ilalim ng puno na medyo may kalapitan lamang kay Rufio.

Kumuha sya ng maliit na potion na dilaw sa kanyang sinturon at pina amoy ito sa Elch.

"Kaylangan ko din ang mga tulong nyo." pagsasalita ni Valencia sa dalawa na walang malay.

Itinapat nya ang potion na kinuha nya sa ilong ng Elch, habang tinitingnan nya ang kinaroroonan ni Rufio, at hinahanap nya rin si badort ng...

"......"

Ng biglang narinig nya ang halakhak ni Mortus,nabitawan nya ang hawak na potion at natapon ito sa suot ng Elch.

Napatayo si Valencia at nakita sa may gilid ng isang bahay na pinag sisipa ni Mortus si Badort...

Nagka-ulirat si Rufio, sa sobrang lakas ng tawa ni Mortus.

"Huh?!" bigla syang napatingin kay Valencia, at tiningnan ang muka nito na maluha luha.

Napatingin si Rufio sa tinitingnan ni Valencia.

...Pagkalingon na pagkalingon ni Rufio ay nasaksihan nya ang pagputol ni Mortus sa mga kamay ni Badort.

"Badort!!!!" sigaw ni Rufio at Valencia.

Sa sigaw nila, unti unting nagkamalay ang Elch, at napa ubo pa ito dahil sa lakas ng amoy ng potion na tumapon sa kanyang suot.

Nakita nya si Topi.

Bigla syang lumapit dito, alam nya isa sya sa nagligtas sa kanya sa kamay ng mga Orcs.

"Rejuvenation!!" hinawakan nya lang ang parteng may sugat ni Topi at..

Unti-unting naglalaho ang sugat at pasa na nakalibot sa buong katawan ni Topi.

Mga ilang minuto ang lumipas at hinintay ng Elch na magkamalay si Topi ng biglang..

...May dambuhalang apoy na may pakpak ang sumambulat sa paningin ni Topi pagkadilat na pagkadilat nya, at bigla syang napatingin sa Elch.

"Si Badort ba yun?!" pagkagulat nya, sabay hawak sa kanyang katawan.

"Nawala ang mga sugat ko, papanong..."

Sabay tingin sa ulit sa Elch.

"Ako nga pala si Ursula, salamat sa pagligtas sakin kanina"

"Yung kaibigan mo ang may kagagawan ng apoy na yun"

"Rufio?!"

"Ahh, Rufio pala ang pangalan nya, teka mamaya na tayo magusap sa tingin ko kelangan ng suporta ng kaibigan mo tila hindi nya pa kontrolado ang dambuhalang apoy na yun."

Inaninag ni Topi ang dambuhalang phoenix.

"Si Rufio nga, at si Mortus?!...tara tama ka kaylangan na nya tayo."

"Kumapit ka sakin Ursula, tutungo tayo sa mismong ulo ng dambuhalang apoy na yun."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ArkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon