Thirteen

14.5K 239 5
                                    

Dark Seduction Series #1- Possessive
©ElleNerdGirl 2021

Chapter Thirteen

••••••••••••••

"Mama, miss na kita. Anong ginagawa mo ngayon? Kamusta ka na diyan? Gusto na kitang makita. " lungkot kong sabi sa phone ko habang kausap ko si mama. Sikat na ang araw ng magising ako pero wala sa tabi ko si Edward nung pagmulat ko ng aking mata.

"Okay lang ako dito, anak. May kasama naman ako dito. Yung kaibigan mo? Si Owen? Siya ang palagi kong kasama dito. " sabi niya at tumaas ang kilay ko.

"Bakit siya nandiyan, mama? Eh may bahay naman yun. " sabi ko at tumingin sa aking pagkain sa lamesa. Ako lang kasi ang nandito sa penthouse. Umalis daw si Edward.

"Okay lang yun, anak. Nagdra-drama kasi kaya wag nalang natin guluhin. Tsaka kailan ka bibisita dito? " tanong niya at ngumiti ako.

"Two days lang kami dito kaya baka bukas ay dadalawin ka namin. " sabi ko at narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Mahal mo talaga yang lalaking yan, anak? Baka iiwan ka niyan sa huli. "  sabi niya na may halong seryoso sa boses niya.

Napahinto ako sa sinabi niya.

Mahal mo talaga yang lalaking yan, anak?

Baka iiwan ka niyan sa huli.

"Sana naman hindi mama kasi mahal ko siya. "  sabi ko at huminga ng malalim.

"Basta ba, may problema diyan eh dito ka pumunta anak ha. Miss ka na ni mama. " bulong niya at hindi ko pala namalayan natumulo ang luha ko.

Pinunas ko ito at sinabi na dadalawin ko siya kapag nagkakataon sabay patay ng linya.

"Nasaan na kaya si Edward? Iniwan naman ba ako sa isang mala-palasyong luhar nato. " sabi ko sa aking sarili at nag-explore sa bahay na ito.



Napadpad ako sa sala nito na may flat screen t.v na parang isang movie size screen na t.v. Nakita ko ang ibat-ibang dvd sa gilid nito.

Pornographic DVD.

Umiling ako tsaka ininon ang t.v baka may magandang palabas ngayon oras nato.

Pero mali pala ang ginawa ko.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Breaking News: The most notorious handsome young CEO was spotted with the daughter of the most famous casinos of the country, Alice Green, in the La Latte Coffee Shop two minutes ago. Are they dating? Is this real?

Bakit sila magkasama? Nakatutok lang ang aking mata sa screen nang may nag-off nun. I blinked as I stared at the t.v. Nag black-out ba?

Lumingon ako sa likod ko at nakita ang lalaking kanina ko lang pinapanood.

"You're watching a nonsense station. " sabi niya at nilagay ang remote sa mesa.

Nakatingin parin ako sa kanya ng bigla niya akong hinila papunta sa kanya kaya nagkayakap kami.

"You're thinking a wrong view, my love. We just passed by and talk to each other. Wala kaming ginawa. She was apologizing about her actions. " sabi niya habang niyayakap pa rin ako.

I sighed.

Niyakap ko siya pabalik and I can felt him smiling.

"I trust you, Ed. Just dont break it. " sabi ko at naramdaman kong tumango ito.

Dark Seduction Series#1: Possessive(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon