Dark Seduction Series #1- Possessive
©ElleNerdGirl 2021Chapter Nine
••••••••••••••
Ito ang araw na dadating yung palaka-- este yung babaeng papakasalan ni Edward. Gusto ko itong makita kung sino ba itong Alice na ito. Baka kilala ko lang o mas maganda pa sa akin. Hmm, talking about beauty. It's Alyanna.Feeler mo naman.
Ikaw na naman?
Kuto mo'to!
Hayst. Nandito kami ngayon sa sala. Alas-syete ng umaga ay nakabukas na ang aming mata. Hinanda namin ang almusal sa dining room. Nag-usap din kami ng mama ni Edward at ang kanyang sinabi ay,
"I-tetext kita kapag cue mo na lumabas at gawin ang sinabi ko sa'yo."
Pero hindi ko pa sasabihin dahil malalaman niyo so wala ng thrill sa storya na ito. Narinig namin ang tunog ng kotse at tumakbo ako papunta sa taas para magtago. Nasa taas lang ako pero makikita ko pa rin sila dahil may curve ang angle nito.
Nakita ko si Edward na may nakapalupot na braso sa kanyang katawan. May unggoy yatang alaga ang bisita nito.
"Ay mare--ay este balae, nandito na kami. Good morning. " sabi ng isang babae na nasa edad 30's. Nakita ko na yumakap ito sa mama ni Ed pero hindi naman ito niyakap pabalik.
"Ah, mare, kain na ta'yo. Dun ta'yo sa dining room. " sabi nito at agad naman sila pumunta dun.
Nakita ko pa rin na nakapulupot ang mga braso ng unggoy sa katawan ni Ed. Wala naman itong emosyon kaya parang wala lang ito sa kanya. Inisip ko na bakit hindi siya umuwi kahapon. Hayst.
Hindi ko pa rin nakita ang mukha ng babae pero alam kong pangit yun. Nung nawala na sila sa paningin ko ay para na ding sumakit ang baga ko.
Baga mo ba o puso mo, Aly?
Kinurot ko ang aking pisngi at umiling na parang baliw. Hindi ako nagseselos! Hayst.
Mga ilang minuto akong naghintay ng may narinig akong sigaw sa baba sabay vibrate ng cellphone.
Nabasa ko ang text ng mama ni Ed at naghanda sa aking sarili. Tumingin ako sa salamin na malapit sa hagdan.
"Ready ka na ba, Aly? " tanong ko sa sarili sabay pagpag ng aking damit.
Bumaba ako ng hagdan ng dahan-dahan. Naka-heels kasi ako eh.
Fineel ko ang moment sa pagbaba ng hagdan. Hindi ko akalain na nandito ako para na agpanggap na maging fiancee ni Ed. Yan, nasabi ko na yung role ko.
Papunta na ako sa dining room at lumakad sa kinaroroonan nila. Habang naglalakad ako ay sabay din ang tunog ng heels ko. Napalingon sila sa akin pati na rin si Edward.
Hah! Maganda ako, Ed kaya sa akin ka lang. Teka... Hindi yan ang sasabihin ko ah.
Nakita ko na rin ang babae na sinabing palaka daw at totoo nga. Hindi yata ang tamang salita na palaka siya dahil dugong ang tamang salita na nararapat sa kanya.
I walked towards Edward na nakatulala pa ring nakatingin sa akin. Dapat lang. Sayang kasi yung robe na pinahiram sa'kin ng mama niya. Talking about her sexy gray robe. Sexy walk ko na parang nagseseduce kay Edward? Check. Simple make-up pero parang sineduce pa rin si Ed? Check.
"Hi fiance, " sabi ko kay Edward at humalik sa lips niya. Nakita ko din ang paglaki ng mga mata ng bisita namin except ng mama ni Ed.
Ngumiti ito sa'kin at pumalakpak. Tumingin naman ang lahat sa kanya at tumayo naman ito.
BINABASA MO ANG
Dark Seduction Series#1: Possessive(COMPLETED)
Aksi"𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐬𝐮𝐢𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐚𝐠𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐨𝐫 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐚𝐫𝐞 𝐧𝐨𝐭 𝐨𝐩𝐞𝐧-𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐝." Highest # 2 - Action Highest # 1 - Edward "Don't be a fool, young woman... You cannot escape from me beca...