Kabanata 6

1.9K 43 0
                                    

Meet the 3 Portales

"Mukhang masaya ka ata ngayon..." ani ng best friend kong si Justin, ka video call ko kasi sila ni Jess pero nakatulog na si Jess.

"Huh?" patay malisya ko.

Actually hindi naman ako masaya, excited lang sa mangyayari mamayang gabi. This plan should work. No it must work!

"Hindi naman masyado prend." sabi ko

He gave me a 'weh?' look.

"Hay nako prend, ewan ko sayo! By the way, miss na kita, infairness. Nakakamiss pala ang kakulitan mo sa madaling araw. Wala ng nangungulit sakin ng 2:00 am para lang mag McDo."

Natawa naman kami pareho. Naalala ko nanaman ang mga kabaliwan ko pag kasama sila ni Jess.

Gosh, I miss them. I miss New York.

After the laughter bigla niya naitanong ang bagay na ayokong pag usapan sana namin. "Mukhang tuloy na tuloy na ang pagpapakasal sayo nila tita doon sa Kol Portales ah."

Hindi ako sumagot. Ano bang dapat kong isagot? Sasabihin ko ba ang plano ko?

Well, tsaka na siguro. Kapag gumana na.

"Nagkausap naba kayo?" tanong niya.

Tumango naman ako. "I talked to him nicely to help me stop our engagement pero hind ko siya nakuha doon. He's jackass. I hate him." sabi ko. Stating the fact.

"Nakakainis siya prend, akala ko kasi gusto niyang ikasal sa taong mahal niya man lang at hindi sa fixed marriage lang. Pero alam mo ang sagot? I would rather marry for business sake than marry for that thing baby... tss! Letche talaga!" inis kong sinabi at ginaya ang sinabi saakin nung jackass nayon nung una kaming nagka-usap.

Justin chuckled. Pinagtatawanan bako ng best friend ko?

"You're so cute prend!" anito. I'll take that as a compliment friend!

"I just really hate him! So. Much!" panggigigil ko.

"Nako ingat ka din friend ha. Dyan nag sisimula lahat, hate... tapos magiging love. Diba nga the more you hate the more you love."

"Psych ako, I know better." sabi ko.

"Hay nako basta. Sinasabi ko lang na ingat ka. Tandaan mo walang babaeng hindi naakit sa magwapong mukha at hot na katawan. Sabihin na nating mas importante ang ugali pero sinasabi lang nila yan... bakit ang dami paring single na pangit at bakit ang dami paring mga babaeng nag papakatanga sa pogi kahit alam na manloloko? Oh diba..."

May point ka prend. Pero hindi naman ako katulad nila. Tsss.

"Ah basta! I. Know. Better!"

"Sabi mo e... let's see." aniya at may panunuksong mga tingin. Gosh! Is he doubting me?

"Please don't let Jess know..." I don't want her to worry.

"Of course. I won't tell her. Basta ikaw, susuportahan kita kahit saan."

I smiled at him. At least I have this kind of friend right? After all pains and heartbreaks from this life at least I have Justin and Jess.

Seducing My Lesbian WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon