Kabanata 11

1.7K 46 0
                                    

Comfortable in your arms

Pagkatapos ng photoshoot ay tumawag sakin si daddy.

"Staff nalang ng mommy mo ang uuwi, ikaw at si Kol pati ang mga pinsan niya ay mag s-stay muna kayo dyan."

"What dad? Alam ba nila to? E diba may trabaho sila?" tanong ko.

"Ang magkapatid — (Ian, Niklaus) Sei at Lucien ay babalik pa sa Manila. Busy pa sila. Sa kasal mo nalang sila babalik. Si Kol, ikaw, si Zach at Wesley ay maiiwan dyan. Kami ng mommy mo ang pupunta dyan day before your wedding tsaka tayo pupuntang Aklan. Sila Kol sasabay kila Leonardo. Hindi pweding mag kasama kayo bago kayo ikasal."

Parang finale ang mga sinabi ni daddy. Pagkatapos non hindi nako nakapag tanong pa o nakaalma. Binabaan niya ko agad.

"Damn sayang! Wala kayo sa stag party ni Kai!" narinig kong sabi ni Zach, mukhang nag uusap-usap ang mag pipinsan sa may tent. Lumabas kasi ako.

"Don't be a gay Zachary..." si Niklaus at humalakhak.

"Eff you Nik! Sinasabi ko lang na last party na 'to Kai na single. Mababawasan na tayo sa pambababae!"

The fu-

"Who said?" parang natatawang tanong ni Wesley.

"Anong who said? Syempre he will be loyal to Venus! Damn you Wes ala ka talagang alam, tsk tsk." sagot ni Zach

"Loyal? Really? Portales si Kai, ikaw ba? Sige nga! Kaya mo bang maging loyal sa isa? I bet my balls Zachary you can't! Once a womanizer, always a womanizer." rinig kong sabi ni Wes. Para kong kinurot ng nail cutter sa hindi malamang rason.

"People change Wesley. I'm not like you..." rinig kong si Kol naiyon.

"Cause you're worst than me bro, remember you're the badboy plus the womanizer."

"Dati yon." iyun nalang ang narinig ko dahil mukhang tumahimik na ang lahat. Hindi muna ko papasok, baka malaman pa nilang nakikinig ako.

Nag punta kung nasaan sila Bella, mukhang nag liligpit na sila ng gamit.

"Ms, may kailangan pa po ba kayo?" tanong sakin ni Bella.

Umiling naman ako agad. "Wala wala. May susundo naman sainyo diba?"

"Opo, wag na kayong mag alala." she smiled at me.

"Mag iingat kayo ha. Pasensya na hindi muna ko makakapasok sa trabaho." sabi ko sakanilang lahat.

"Nako Ms. Venus! Okay lang 'yon! Dapat i-enjoy mo 'to at ang nalalapit mong kasal. Wag mo kami intindihin." si Tara.

Ngumiti ako sakanila. Biglang tumunog ang aking cellphone kaya lumayo muna ko ng konti para masagot iyon.

"Excuse me..."

It's Justin.

I answered him.

"Hello Just?"

"Vee!"

"Oh?"

"Where are you??" kumunot ang noo ko sa tanong niya.

Seducing My Lesbian WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon