Kabanata 18

1.6K 48 8
                                    

First day

Dahan-dahan kong inalis ang mabigat na kamay na nakadagan sa aking tiyan. Tiningnan ko muna siyang payapang natutulog, wearing his white v neck and a comforter on his lower body. He's looking so hot even he is calmly sleeping. Damn! Paano pa kung half naked siya?

Shit! Ano batong iniisip mo Venus?

Pagtayo ko ay siyang pag laylay ng aking malaking damit. It is his shirt, wala pa naman kasi kong gamit at maisusuot kaya pinasuot niya muna sakin pantulog yung damit niya. Narealize ko tuloy kung gaano siya kalaki at kung gaano ko kaliit kumpara sa built ng kanyang katawan.

Nag lakad ako ng dahan-dahan at dahan-dahang sinara rin ang pinto. Dito kami natulog sa maliit na bahay, sobrang nacutan kasi ko dito kaya pinili kong dito matulog, si Kol din naman. Feeling ko nga mas matitirhan ko 'to kesa sa malakig bahay sa unahan.

Nakahanap ako ng pweding pang-ipit kaya itinaas ko ang aking buhok at nag tungo sa kusina. May mga cabinet doon ngunit pag bukas ko, gaya ng inaasaha'y walang laman pati ang maliit na refrigerator.

Mukhang kailangan ko mag punta ng supermarket para bumili ng makakain namin. I might be married to him for business sake but I am still his wife. Hindi naman pweding gutumin ko 'to at hindi man lang pag silbihan kahit papaano, napaka sama ko namang asawa kapag ganoon.

Pero paano ko lalabas ng naka mahabang white tshirt at panty lang? Shit!

Siguro'y kakailanganin ko ng tulong. Pero kanino naman? Alas syete palang ng umaga. Sinubukan ko ulit mag hanap ng pagkain sa bawat cabinet pero wala talaga. Paano na 'to? Ano ipapakain ko kay Kol pag nagising? Ni tubig nga ata wala dito.

"Venus?"

"Venus?"

Narinig kong sunod-sunod na sigaw ni Kol. Tunog siyang nag papanic. Lalabas na sana kong kusina para puntahan siya pero sumalubong na siya saakin, magulo ang buhok ngunit dikat na dilat na at mukhang natataranta.

"Bakit?" tanong ko naman. Nanaginip ba siya?

Mariin siyang pumikit at nag igting ang panga bago sumagot. "Nothing..." aniya

Wala akong nagawa kundi tumango nalang. "Bakit ang aga mong bumangon?" tanong niya

"K-kasi dapat ipagluluto kitang breakfast kaso wala palang kahit ano man lang dito..." dahilan kong totoo naman.

Humakbang siya papalapit saakin. "Bakit moko ipagluluto?" tanong niya

"Kasi asawa kita..." wala sa pag iisip kong nasabi. And then I realized how careless I am to say that words. Shit!

I saw his lips curved. "Nasa kabilang bahay ang mga pagkain. Umupo ka nalang dyan at kukuha ko."

"H-hindi! Ako na!" mabilis kong sinabi

"Sit. And. Wait. Here." wala nakong magawa dahil sa sinabi niya, para akong tutang napasunod ng amo. Pero dapat ako naman talaga ang kumuha non, hindi siya.

Ilang sandali pa bumukas ang pinto. I saw him walking while there's a paper bag on his hand. Nilapag niya iyon sa may sink at nag labas ng mangkok, kutsara, hiwaan, kutsilyo at ang kaldero pang lutuan.

Seducing My Lesbian WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon