Kabanata 25

1.5K 48 8
                                    

All my fault

Third person's point of view

Hindi makagalaw si Venus. Wala paring pumapasok sa isip niya. Tulala at tahimik. Wala naring tumutulong luha sakaniyang mga mata, tila naubos na.

"Vee..." tawag sakaniya ng kaibigan niyang si Justin sabay lapit.

She's here in her old condominium in New York. Ito ang paborito niyang lugar, ang parte ng condo niya kung saan uupo ka lang at makikita mo ang mga nag tataasang buildings sa paligid at ang nakakaakit na city lights.

Nilagok niya ang bourbon. Bitterness spread on her system, but it doesn't matter. For her... it feels... nothing. It taste... nothing. Kahit alam niyang mapait iyon wala siyang pakialam dahil hindi naman niya nalalasahan.

"I killed her..." aniya sa kaibigan si Justin.

"Vee-" sinubukang mag salita ni Justin pero inunahan na siya ni Venus.

"Kasalan ko Just! Wala akong kwenta!" sigaw ni Venus at humagulhol na, hawak ang baso ng mahigpit habang yakap ang dalawang tuhod dahil sa panlalamig at sakit.

"Wala kang kasalanan Venus! Hindi na kaya ni Jessica, she's been fighting that Leukemia for almost two years! It wasn't your fault!" sinabi ng kaibigan niyang si Justin para gumaan ang pakiramdamn ni Venus. Ngunit walang talab iyon. Venus knew... that deep inside it was all her fault.

She thinks she killed her bestfriend, Jessica. The only person who ever loved her, who ever stayed with her when no one was.

"N-no... it was my fault..." hinang-hinang sinabi ni Venus habang nanginginig ang boses dahil sa mga luha.

Venus point of view

Morning, when I wake up from the pain of last night I received a voice message from Jessica saying 'I love you' noong marinig ko iyon, kumalabog na agad ang puso ko. Walang pag aatubili kong dinial ang number niya pero nagri-ring lang iyon. Hindi niya sinasagot.

Mas lalong kumalabog ang aking puso sa kaba at takot. I tried to call her three times but I didn't get any answer from her. When I tried the fourth time, I succeed. Sinagot niya iyon.

"Hello, Jess, bakit ngayon ka lang sumagot?" nag aalala kong tanong. Ngunit halos mabitawan ko aking telepono sa narinig.

"Time of death 8:30 am"

Hindi ko iyon pinansin. Baka mamaya'y mali lang ako ng rinig.

"H-hello? Jess?" I called her again, but I got an answer from a different person.

Singhot at hagulhol, iyun ang naging sagot ni Justin saakin.

Binaba ko agad ang tawag. Walang pag iisip, pag papaalam I bought a ticket to go to New York. Mabuti nalang at merong available ticker para bukas ng umagang-umaga.

Wala akong tinawagan. Hindi ako humawak ng cellphone, kumain, natulog o kahit ano kundi matulala hanggang sa mag umaga. Dire-diretso kong nag puntang airport para makaalis na.

I'm sorry Kol. Alam kong may problema kong maiiwan dito at magagalit ng matindi si daddy kapag nalaman niya ang pag alis ko ng walang paalam pero hindi ko naiyon inintindi. My bestfriend needs me.

Seducing My Lesbian WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon