[[Geah's POV]]
Pa pasok ako ng school...
Masyadong maraming estudyante sa paligid at kahit isa man lang. Wala akong kakilala masyado rito.
Kung tutuusin, kakatransfer ko lang mula sa dati kong pinapasukang school dahil sa isang taong kinababaliwan ko ng bonggang-bongga.
Si Drei Rodriguez.
Anak ng isa sa pinakagalanteng bilyunaryo sa mundo at-
Ang hearthrob ng campus na 'to
Matangkad. Maputi. Matalino at astig na astig ang dating. At sa isang tingin niya pa lang sayo ay nakakapanlaglag na ng bra't panty. Pero siya? Titingin sakin? Sus. Asa pa. Baka mangisay sa takot. Mapaaga pa burol niya. Mahirap na.
"Who is she?" Sabi nung babaeng maikli ang buhok na nakatingin sa akin at parang diring-diri na ewan habang naglalakad ako.
"I dont know girl pero gosh... Nakakapanindig balahibo siya." Sabi nung babaeng kasama niya na halos tadtad na ng make-up yung mukha niya. "Ughh..... She is something like....ummmm..." Tapos nilagay niya yung daliri niya sa chin niya na para bang nag-iisip.
"A ghost? Hahahaha..... A ghost!" Tapos sabay-sabay na silang nagsitawanan kaya nilagpasan ko na sila.
Great.
Unang-una pa lang alam ko ng ganyan ang magiging reaksyon ng mga taong makakasalamuha ko. Pero kung ganun, pano na si Drei maylabs? Haayyyy.... Bahala na si Batman.
Nakarating na rin ako sa ako sa pintuan ng classroom namin kaya halos lahat ng estudyante nagsitinginan sakin. Iba talaga ang beauty ko. Pangpatay.
Pumunta ako sa dulong-dulo na seat at umupo. Wala miski isa ang gustong umupo sa tabi kong seat kaya hayahay ang buhay ko dito.
Nagbell na at dumating yung teacher sa room namin.
"Goodmorning class."
Pero walang pumansin sakanya pero napatingin siya sa side ko.
"So we have a transfer student today. Can you introduce yours-" Naputol yung sasabihin niya ng biglang nagsihiyawan ang buong klase sa kung sino man ang dumating ngayon.
Ay! Bastusan? May nagsasalita pa nga sa unahan eh. Pero ano meron?
"Hi Drei! Ba't pawis na pawis ka ngayon?!" Sigaw nung babae tapos tumili siya. Sakit sa tenga eh.
T-tsaka ano raw? D-Drei?!
Lumingon ako sa pintuan at nakakita ako ng isang hot na nilalang sa buong mundo. Shems. Ang hothot niya. Di ko keri.
"Ba't ganun? Pag si Drei pinagpawisan mas lalong gumagwapo tapos pag ako pinagpawisan mas lalong bumabaho. Asan lang hustisya?!" Sabi nung lalaking nasa bandang unahan.
Binaling ko lang ang tingin ko kay Drei sa pintuan at biglang nagslow-mo ang mundo ko.
Grabeh ang hot hot niya talaga. Nakakapanlaglag ng bra't panty. Hotness overload.
BINABASA MO ANG
He Is The Campus' Heir [[On-going]]
Teen FictionCreepy. Weirdo. Mukhang multo. Perfect description sa babaeng nagngangalang Geah Tan. Isang lapit mo palang. Paninindigan ka na ng balahibo. Pero ano pa ba? Eh sa head-over-heels dead na dead siya sa Campus Hearthrob na nagngangalang Drei Rodriguez...