☆Chapter 10: Oh No

229 13 2
                                    

[[Geah's POV]]

Nasa kotse ako ngayon at hinahatid kami ni Kuyang Drayber sa sarili naming school.

Naghazzard naman yung kotse namin sa err... Sa P*rking lot ng Campus. Bumaba naman ako ng kotse at dire-diretsong naglakad.

"Bye Ate Geah!" Di ko pinansin si Renzo kundi tuloy-tuloy lang akong naglakad.

Hindi ko parin talaga makalimutan yung nangyari kahapon T__T

Ganon niya ba talaga ka-gusto yung babaitang yun?! Napakaloyal niya naman yata.

Napansin ko namang may bagong balita nanaman yata. Nagtutumpukan nanaman kasi yung mga estudyante lalo na sa may bulletin board.

"Waaaaaaaahhhhhhh!! Ang g-gwapings nila!"

"Owemji! Bet ko yung isang guy na kasama nila!"

Ang tanong. Bet ka rin ba niya?

Naglakad ako papunta dun. Yung mga estudyante nagsitinginan nanaman sakin. Ang ganda ko talaga.

"Excuse me po."

"Annggg creeppyy tara alis." Nagsi-alisan naman sila.

"Advantages talaga ng pagiging isang creepy weirdo." At ngumiti naman ako. Solong-solo ko kasi yung bulletin board.

'Catastrophe Era is on Chan-Park University!' nakita ko sa headline ng Newspaper na nakapaskil dun.

Pshhh..... Yan lang naman pala kala ko kung ano nanaman yung meron. For sure gwapo nanaman yan.

Umalis ako dun at naglakad.

Pagkapasok ko ng room umupo agad ako sa pwesto ko. Buti wala si Drei. For sure, di ko nanaman alam ang gagawin ko.


Buong klase akong lutang. Yung isip ko kung saang lupalop na ng kalangitan yata nalipad. Or should I say naiwan sakanya ang isip ko T___T. Absent kasi siya ngayon. Joke. Geah. Huwag umasa. Walang poreber may Cindy na siya.

Feeling ko nga napakaraming nangyari kahapon. First time kong masolo si Drei. First time kong nakitang tumawa si Drei. At first time kong makausap ng matagalan si Drei at take note hinawakan niya pa ko sa balikat ah! Sa Balikat!

Pero first time ko rin masaktan ng napakatagos sa puso T____T huhuhu.... Puso tagos to the bones ang sakkitt!

Natapos na yung tatlong subject at nagbell na. Tumayo ako at nakita ko naman sa peripheral view ko si Clyde na tumayo rin.

Habang naglalakad ako. Napansin ko namang nakasunod siya sakin, "Pssst!"

Ba't ba ang hilig niyang manitsit?!

Lakad....

"Pssstt!" Wala. Wala akong naririnig.

Lakad...

"Pssssssttt!!" Wala talaga akong naririnig.

"Woi Sadako!" Lumingon naman ako sa likuran ko.

"Pwede ba? Hindi Sadako ang pangalan ko!"

"Eh sa kamukha mo si Sadako eh." At ngumisi naman siya sakin.

He Is The Campus' Heir [[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon