☆Chapter 4: Playboy, huh?

232 15 19
                                    

[[Geah's POV]]

Maya-maya may tumawag sakanyang babae. Halos malaglag naman ang panga ko nang makita ko ang mukha niya ng inangat niya ang ulo niya.

Seriously?!

Not again..

S-siya yung-

Kasama nung mayabang na asungot na nakabangga sakin sa mall -____-

Yung nagsabing 'Pre. Babae yan'

Pinagmasdan ko lamang sila.

Tumingin ako dun sa babae at halos maluwa ko yung sundae na kinakain ko nung makita ko yung babae.

Babaeng maputi, matangkad..... Ang kinis niya sobra at witwew- Legs. Nakahigh-heels at nakafit-red-dress na above the knee at may pagkablonde ang buhok.

Yun nga lang nung humarap siya parang mas mukha pa siyang lalaki kaysa dun sa guy XD.... Pffftt...... HIPON!

Tumingin naman ako dun sa guy. Inakbayan niya naman yung..... Urghhh.... Girl? Or should I say Boy?

What am I looking at?

Pogi sana yung guy kaso nga lang. Mukhang playboy.

Pinagmasdan ko lamang sila sa pwesto ko. Kinuha ko yung librong dala-dala ko at binuklat. Ipinatong ko ito sa mesa para kunyari nagbabasa ako ng libro para hindi halata.

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sakanila.

Di talaga ako mapakali sa hipong yun! Dagdagan mo pang para siyang tarsier na kanina pa nakasabit sa braso nung lalake. Yung guy naman tuwang-tuwa.

Aba. Nakakacurious na talaga sila ah.

Maya-maya tumayo sila at naglakad. Mga ilang segundo na rin. Tumayo narin ako sa pwesto ko para sundan sila.

Pumasok sila sa isang mamahaling restaurant. Shems. Mayayaman ata 'tong mga 'to eh. At masyado akong ma-ala-poor para rito pero pwede na rin. Sabihan ko na lang si mama na gumastos ako ngayon.

Umupo sila sa unahang seat. Syempre yung pang-poreber kasi mag-d-date sila. Tapos umupo naman ako dun sa pang-walang-poreber na seat. Yung tipong may space pa sa tapat mong upuan at nakareserve pa yun sa taong hinihintay mo naalam mo namang di dadating pero umaasa ka.

-Si Drei. Charot

Hinarang ko sa mukha ko yung menu book pero nakikinig parin ako sa pinag-uusapan nila. Bigla namang may dumating na waiter aa gilid ko.

"Hello Miss-" Tapos binaba ko yung menu book at tumingin sakanya. "Uhhhh.... Beautiful?" Sus, di pa siya sure dun sa Beautiful eh. "What is your order?" Pinili ko na lang yung pinakamura at konti lang since panandalian lang naman ako dito.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sakanila. Bigla namang ngumiti yung hipon dun sa guy.

"Uhmmmmm..... Hon? Pwede ba akong humingi ng favor sayo. Tonight?"

"Sure anything for you my dear. What is it?" Tapos lumapit naman sakanya yung hipon at may binulong sakanya.

Ngumisi naman ng nakakaloko yung guy dun sa hipon, "Why not honey. Its going to be exciting."

What! O___________O

Lam na dis.

Maya-maya tumayo na sila. Yung hipon, todo naman yung kapit dun sa braso nung guy. Hybrid yata 'to. Hipong tarsier na tuko. Hybrid.

Naglakad lang sila hanggang makarating sila sa isang malaking-bahay-este- Mansion pala. Ito ata yung bahay ng hipon eh. At dito ata magaganap ang isang. Lam niyo na.

Pumunta naman sila sa harap ng pintuan ng mansion. Dali-dali naman akong nagtago sa may halaman sa may mga damuhan malapit sa mansiong yun.

Linapit nung hipon yung mukha niya sa guy tsaka kinulong niya ito sa pagitan ng mga bisig niya. Akma niya na sanang halikan yung guy pero umiwas yung guy. Anyare lang eh?

Nagalit yata yung hipon sakanya kaya padabog itong pumasok sa loob ng mansion at binagsak yung pinto.

Yung guy naman nagsimula nang maglakad habang nakapamulsa siya. Mukhang wala siyang pake dun sa hipon na yun eh. Kung sabagay ba naman.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maglakad siya papunta sa dereksyon ko.

Tokwa. Tofu. Tae. Tae. Tae.

Dug-dug. Dug-dug.

Nakahinga naman ako ng maluwang nung nilampasan niya ako dito pero bigla siyang huminto habang naglalakad.

"Sa susunod. Pagsinundan mo ang isang taong hindi mo naman kakilala. Make sure na hindi ka niya mahahalata." Sabi niya sa seryosong tono.

Tokwang tae.

So meaning, kanina niya pa napapansin na sinusundan ko siya?

Tae naman Geah. Kahit kailan talaga palpak ka.

*facepalm

"Tumayo ka diyan."

H-huh?

Tumayo naman ako ng matuwid at inayos ang sarili ko.

"Alam mo ang creepy mo tingnan lalo na kung mags-stalk ka ng tao." Tapos nilagay niya yung daliri niya sa chin niya at tiningnan ako ng mabuti. "Hmmm.... Pero kung tutuusin. May itsura ka naman. Mga konting ayos lang." Tapos ngumiti siya sakin.

May itsura? Chos.

"Hindi ka na lang ba magsasalita diyan?" Sabi niya.

"Uhmmmm..... S-sorry talaga."

"Okay lang yan. Unless you tell me what's your intension in following us." Tapos ngumiti siya ng nakakaloko sakin at unti-unti siyang lumapit hanggang sa mapasandal ako sa pader. Nilapit niya naman ang mukha niya at kinorner niya ko. Titig na titig siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

Ughhhh! Those eyes!

Im melting!

Wait-Rape! Rape!

Mas lalo namang lumawak yung ngiti niya. "Don't worry. Masyado akong gwapo para maging rapist at asa ka pa. Now. Just tell me." Di niya parin iniiwas yung tingin niya sakin.

"U-uhhhh-uhmmm....A-ano. Ano kasi." Pautal-utal kong sabi habang di ako makatingin sa mga mata niya. "I-I just wanna know you?"

"Di ka pa sure dun ah. Wanna know me?" Then he chuckled at kumawalas na siya sakin. "This." May binigay naman siyang calling card na maliit sakin pero hindi number niya ang nakalagay dun.

'Clyde's cousin. Call me yours.'

-Blake Ivan Montereal.

Tumingin ako ulit sa paligid pero wala na yung Blake na yun. Parang ninja lang.

Blake. As in. Blake Ivan Montereal. As in pinsan nung asungot na yun.

So. Blake. Playboy huh?

*smirk

-continue

He Is The Campus' Heir [[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon