★Chapter 13: Contract?

277 15 4
                                    

[[Geah's POV]]

Pauwi ako ngayon at naisipan ko munang pumunta ng mall para bumili muna ng libro.

Natapos ko na kasing basahin yung last na binili ko.

I like collecting books and reading books. Pero hindi ibig sabibin nun genius na ako =___= sadyang napakahopeless romantic lang ako.

Pumipili ako ng libro sa bookshelves ng makarinig ako ng nagchi-chismisan sa kabilang bookshelf.

"Iya, sila na ba?"

"I dont think so. Drei is just courting her."

D-drei? A-aba! Taga Chan-Park Univ din yata 'tong mga esfudyanteng 'to.

Nacurious ako bigla kaya dumikit ako sa bookshelf para marinig ng mabuti sa kabilang bookshelf yung pinaguusapan nila.

"—Wala na nga yata siyang pag-asa dun eh."

"Awww... Kawawa naman si Fafa Drei."

"Yes girl. At alam mo kung bakit? May kinababaliwan kasi yung haliparot na Cindy na yun sa campus."

Kinababaliwan??? Kawawa naman si Drei kung ganun. Eh kung meron. Sino?

"S-sino?"

"Outside the campus yata. Im not sure eh."

Oh my ghosh. Kawawa si Fafi Drei!

H-hindi p-puwede 'to. Masasaktan lang siya.

"Hi Ate!" Napatalon naman ako sa gulat ng makita ang isang junior student sa harapan ko.

Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo.

"Grabeh ka naman Ate. Hinead-to-Toe mo ako." usal niya sakin.

W-wait. Tiningnan ko kasi siya mula sa paa hanggang ulo. Diba Toe-to-Head yun?

Ng makita ko yung pagmumukha niya, "I-ikaw!"

"Yes. Me!"

"UwemJi! Knight-In-Shing-Skirt!" Napayakap naman ako sakanya.

Okay ako na feeling close.

"Ahhh... Ate. Napipisat na po ako."

Kumalas naman ako sa pag-yakap, "Uy sorry. Naging feeling close na ako masyado."

"Okay lang po yan." At ngumiti siya sakin.

Awww... Ang kyut kyut niya!

"At by the way thank you narin."

"Walang anuman. Ahhh... Ate. Mahilig pala kayo sa libro?" Tapos tiningnan niya yung librong hawak ko.

"Hindi ba halata?"

"Hindi naman po masyado—" Nanlaki naman ang mga mata niya. "—O. Em. Gi! Percy Jackson!" Tapos hinablot niya yung librong dala ko.

He Is The Campus' Heir [[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon