[[Geah's POV]]
Pauwi na ako ng bahay ngayon.
Di parin ako mapakali dun sa Blake ba yun? Kasi, nakakatunaw masyado ang mga mata niya. Well, mas nakakatunaw yung mga mata niya kaysa kay Clyde. Masyadong singkit kasi yung asungot na yun *_____*
Wait. Kung magagawa nila sakin yun. Ibig sabihin gagawin rin ni Drei sakin yun?
Ay, ambisyosang froglet.
Hindi-hindi Geah. Hindi ka naman dyosa eh. Umaasa ka lang. Tsaka yung Blake na yun. Playboy yun *____*
Well, ang lakas ng charms niya. Natamaan ang isang weirdong tulad ko.
Nagulat naman ako ng biglang nagtext ang kapatid kong loko.
From: Renzong-Pogi
Te, wahahahahaha XD. Na-detention ka raw?! Well, Happy Sermon Day :D magcelebrate na lang tayo pag di ka pinagalitan ni mama. Mehehehehehe. Goodluck XD
Ay shems. Nga pala. Nawala talaga sa isip kong nadetention ako ngayong araw. Panigurado nakaabot na yun kay mama. Si tita pa naman.
Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa machine gun-sermon ni mama sakin mamaya.
At pati ang -ratatatat- na pang-aasar sakin ng loko kong kapatid na nagngangalang Renzo-loko-loko. =__=
Wait. Pano ba naging Renzong Pogi yung pangalan niya sa contacts ko? Haist. Pinalitan ng loko. Loko-loko talaga eh.
Nakauwi na ako ng bahay. Pagkabukas ko ng pintuan may mga maleta't plastic ng mga Savemore sa salas. Hala! Sinong aalis?!
Tumakbo ako sa kwarto ni mama pero wala siya dun. Ano na ang nangyayari sa nanay ko? T__T may nagawa pa naman akong kabalbalan ngayong araw tapos maglalayas siua ngayon? Mama naman eh.
Tsaka ano naman ang nangyari?
Lumapit ako ulit ng salas pero ang nakita ko si-Kuya Jake!
Namiss ko 'tong basagulerong playboy kong kuya galing Korea. Pagkagraduate niya kasi ng college dinala na siya ni Papa sa Korea dahil sa business namin sa company lalo't umuusbong na yung company nila.
Hindi sinama naman ni Papa si Mama dahil may sakit sa ovary si Mama, baka mapano pa kasi si mama dun lalo't ang kukulit kasi ng mga kliyente nila. Pero hanggang ngayon, tuloy-tuloy parin ang indication ni mama sa pag-iinom ng gamot.
Dali-dali kong yinakap si Kuya at yinakap niya rin ako.
"Kuya. I miss you."
"Miss you too panget. Ay wait." Tapos kumawalas siya ng pagkayakap sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. "Sabi ni Tita Joy may ginawa ka rawng kabalbalan ngayon."
Eto na nga ba ang sina-sabi ko eh.
"Eh kuya-"
"Op-Op-ops. Huwag ka ng mag-explain kasi sa wakas nakagawa ka narin ng-" Tapos dumating si mama ng nakapamewang samin. "Mabuti. Yun. Mabuti. Sa kabaliktaran."
Lumapit si kuya kay mama, "Annyeong haseyo Umma!" Tapos nagbow siya kay Mama.
"Heh! Pumunta ka lang sa Korea tapos ganyan ka na. Tsaka ano yan ha? Anong kabutihang este kabalbalang ginawa yan ha?" Tapos tumingin si mama sakin. "Ikaw. Geah. Ano bang ginawa mo sa school at suspended ka ngayon sabi ni Joy?"
BINABASA MO ANG
He Is The Campus' Heir [[On-going]]
Teen FictionCreepy. Weirdo. Mukhang multo. Perfect description sa babaeng nagngangalang Geah Tan. Isang lapit mo palang. Paninindigan ka na ng balahibo. Pero ano pa ba? Eh sa head-over-heels dead na dead siya sa Campus Hearthrob na nagngangalang Drei Rodriguez...