☆Chapter 6: Tutor

248 16 3
                                    

[[Geah's POV]]

Yoko.

Ayoko.

AYOKO.

Ayokong pumasok ng school ngayon. Wasted ako. Huhuhu.

Di kasi ako makatulog kagabi ng dahil sa kakaisip sakanila eh.

Bumangon ako sa kama at pumunta ng cr sa kwarto ko para tingnan kung gano na kalaki yung eyebags ko.

"Infairness. Napaka-lusog niya." Tsaka naghilamos ako ng mukha.

"Huwag ka mag-alala eyebags. Ngayon ka lang naging malusog. Pakalusog ka ha. Huwaahhh!T____T" Napahilamos ako ulit ng tubig. Kasi Drei eh! Epal eh! Waaaahhhh! T___T mukha na akong si Sadako.

Mukha naman talaga akong si Sadako eh. Baka yung sa babaeng multo na lang sa The Grudge, ganun. Nagevolve lang ng konti yung mukha ko. Mas lalong naging creepy. Tss...

Kinuha ko yung toothbrush atsaka nagtoothbrush na. Naligo naman ako sunod pagkatapos nagbihis narin ng uniform.

Bumaba ako at umupo sa table. Amoy na amoy ko pa yung luto ni mama na Adobo.

Mmmm. Ma peborit!

Napansin ko namang bumaba narin ng hagdan yung kapatid ko at umupo na ng mesa. Linapag naman ni mama yung adobo sa mesa.

"Mmm.... Ambango ma." Sabi ni Renzo kay mama.

"Naku. Naku. Tikman niyo yung luto ko masarap yan." Tapos bumalik na ng kusina si mama para iprepare yung sandwich namin.

"M-mmm. Adobo sa umaga. Mehehehe." Kukunin na sana ng kapatid ko yung kanin kaso bigla siyang napahinto.

"jasgsjddbdkdh. Geah!"

"Gajsbdksjkaahs. Geah!"

"Jwhdjdbdkshsk. ATE GEAH!" Natauhan naman ako bigla. Ako pala yung tinatawag niya.

"Ano?" Tanong ko sakanya.

"Kanin. Paabot ng kanin. Pleeeeaaaasssee." Di niya pala abot yung kanin. Inemphasize pa niya talaga yung 'Please' na word ha. Palibhasa kasi. Ngayon lang siya nagPlease eh.

Inabot ko naman yung kanin. Ito namang mokong na 'to, di man lang nagThank-you. Tss..

Inirapan ko na lang siya.

Drei. Drei. Bakit ba Drei? Pagkatapos nating mag-ibigan ng halos tatlong-taon. Tapos iiwan mo ko? Ganun ganun na lang?!

Ganyan naman ang mga lalaki eh. Pagkatapos kang gamitin. Itatapon ka na lang.

As if naman na may KAMI. Chos.

Natauhan naman ako ulit ng makita ko yung palad ng kapatid ko na lumanding sa noo ko.

*pak(ganern)

"Aray!"

"Uy ba't ka ba tulala?! Tsaka kumain ka na o! Ansarap kaya ng luto ni mama." Inirapan ko naman siya tapos kumuha na ng ulam at kumain.

Yung totoo? Mas bata 'to sakin pero tinotorture ako?! Yang tataa?! Grade 9 na siya pero di niya parin alam yung Good Manners and Right Conduct na tinuro nung Elementary. Tapos Edukasyon sa Pagpapakatao ngayong Highschool.

Tapos ako?! Ako mismong mas matanda pa sakanya. Tinotorture niya?!

Tss. Kaya aso't pusa kami dito sa bahay eh -___-

Maya-maya narinig na naming bumusena si Kuyang Drayber. Siya kasi yung naghahatid samin papuntang school or san man namin gustong pumunta.

"Hayan na pala si Kuya. Eto na yung baon niyo." Sabi ni Mama. Kinuha ko naman yung baon ko at nilagay sa bag.

He Is The Campus' Heir [[On-going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon