Chapter 5: Ipis na feeling butterfly

404 8 0
                                    

Queen's pov:

Pagkalabas namin sa cafeteria ay dumiretso kami dito sa garden para magpahangin.

Ang ganda nga dito eh! Maraming bulaklak, maraming halaman.. Ah basta! Maganda dito!

"Haay.. Ang ganda naman dito."
"Sinabi mo pa!"
"Nakakamiss satin."
"Yung Korea lang ba namiss mo o pati boyfriendsssss mo?"
"Aba! Nagsalita ang walang boyfriendsssssss!"

Sino pa ba ang dalawang pasaway sa Fallen Angels?

"Tumigil na kayo Venice, Louiz! Hanggang dito ba naman iisipin nyo pa rin yang mga boyfriendssssss nyo?" rinig kong pagsuway sa kanila ni Kirsten.

"Blah blah blah.. Bitter ka lang eh!" pang aasar sa kanya ni Dhepriz

"Nagsalita ang hindi bitter!"

'Parehas lang silang bitter!' nais kong sabihin ngunit hindi ko na tinuloy pa. Baka mamaya san pa mapunta ang usapan..

Naglakad lakad na lamang ako dito sa garden at hinayaan na silang mag asaran. Hindi pa ba ako masasanay sa kanila? Palagi naman silang ganyan eh!

Sa paglilibot ko ay may nakita akong rosas! Isang napakagandang white rose! Pipitasin ko na sana pero napatigil ako sa narinig kong ungol. Hindi tuloy sinasadyang natusok ang hintuturo ko dito.

Hindi ko na lang ito ininda pa at tinungo ko na lang ang lugar kung saan nanggaling ang ungol.

Pagkarating ko doon ay nais ko sanang takpan ang mukha ko at tumalikod o kaya naman ay umalis na sa lugar na yun dahil sa nakikita ko.

"Go on babe!"
"Yes Steffi baby!"

Siguro naman alam nyo na kung ano yun! Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko upang umalis na doon dahik hindi ko gusto ang nakita ko! At kahit kailan ay hindi ko magugustuhan!

"Nag-enjoy ka ba sa napanood mo?"

Tila bumalik ang tinig nya sa utak ko kaya naman iniling iling ko na lang ang ulo ko. Baka sakaling mawala ang tinig na yun sa utak ko pati na rin ang eksenang nakita ko kanina.

Hindi siguro tama na pumunta kami dito sa garden. Maganda nga ang paligid pero hindi magandang gawin itong motel!

"Queen! Nandyan ka na pala! Tara na pumasok na tayo sa next class natin!" sabi sakin ni Louiz nang makabalik ako sa pwesto namin kanina. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"May problema ba, Queen?" tanong sakin ni Kirsten.

"Nabo-bother ka ba dahil sa kanya?" tanong naman ni Venice.

"Ayos lang ako! Huwag na kayong mag alala pa." tanging nasagot ko sa mga tanong nila.

----------------

"Asan sila? Bakit wala tayong classmates?" tanong ni Dhepriz pagkarating namin sa classroom namin.

Tinignan ko ang room number ng napuntahan naming room. Parehas naman sa room number na nakalagay sa schedule namin ngayon araw.

"Baka naman may something sa labas kaya walang katao tao dito maliban satin." konklusyon ni Venice.

"Ano naman kaya yun?" tanong sa kanya ni Louiz

"Malay ko! Mabuti pa lumabas na tayo." suhestyon ni Venice saka kami naglakad papalabas ng room pero hindi kami makalabas dahil may naglock ng pinto!

"Hey! Buksan nyo to!" sigaw ni Dhepriz sa mga tao sa labas. Nakarinig naman kami ng tawanan sa labas kaya lalong naiinis ang aming maknae.

"Hindi kayo makakalabas dyan! Tuturuan lang namin kayo ng leksyon lalo na yung Freak nyong kasama dyan!" sigaw rin ng isang pamilyar na tinig mula sa labas.

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon