Chapter 6: It's PE time!

331 9 3
                                    

Its our second week here in Royalty University. So far, wala naman kaming nakaaway o kaya naman ay nakagawa ng gulo.

Dalawang linggo na rin mula nang mangyari ang pangho-hostage sakin ni Mr. Cortesano. Sa katunayan ay nasa police station na sya at nakakulong.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang aming fans sa pangungumusta sakin. Hindi pa kasi ako in-interview tungkol sa nangyari kaya wala silang idea kung ano nang lagay ko ngayon.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang gym, its P.E. time!

"Queen!" rinig kong pagtawag sakin ni Kirsten.

Pagtingin ko sa gawi nya ay nandoon na silang lahat maging ang mga bago naming classmates.

Yes, bago. Dahil sa nangyaring gulo ay minabuti naming lumipat ng kurso at ang Fashion and Arts ang napili naming lima. Idea yan ni mommy. Mas maganda daw kung malalayo na kami sa dati naming classmates.

Speaking of, lahat ng mga babaeng estudyante ni Mr. Cortesano na napabalitaang may sikretong relasyon sa kanya ay naexpelled sa University. Lahat sila ay hindi na pwede pang makapag aral dito maliban sa isa.

"Nandyan ka na pala! Kanina ka pa namin hinihintay!" sigaw ng babaeng tinutukoy ko.

"Ms. Steffi Fernandez! She's just in time so stop shouting!" sigaw rin sa kanya ng aming P.E. professor.

Nanahimik naman sya. Hindi ko alam kung bakit hindi sya na-expelled eh balita namang nakarelasyon na rin sya ni Mr. Cortesano. Tss!

"So kumpleto na tayong lahat. Good day class! I am Grace Torres and I'm your professor in PE for the whole semester." pagpapakilala ng aming propesor.

"Nakikita nyo naman na nandito rin ang Tourism students, class. I decided na pagsamahin na lang kayo, my Fashion and Arts students, sa kanilang kurso. But don't worry dahil dito lang naman sa PE class kayo magkakasama. Let's start!" pagpapaliwanag nya.

Unfortunately ay Tourism student si Steffi maging ang kanyang apat na kaibigan. Sa isang buong sem ay makakasama namin sila sa PE class.

"Most of you class are ladies kaya I decided na volleyball ang unang sport na pag aaralan natin. Who among you are good at playing it? Please raise your hands." pag uumpisa ng aming klase.

Nagtaasan naman ng kamay ang ilang classmates namin samantalang sa Tourism ay sina Steffi lang ang nagtaas ng kamay.

"I almost forgot. Most of the volleyball team are here. Miss Fernandez, Miss Santos, Miss Sanchez, and the Lopez sisters. Great!" wika ng aming propesor.

"Volleyball team?"

"Correction Miss Torres, we are not just great, we are greatest among all. Right guys?" mayabang na sabi ni Steffi na sinang ayunan naman ng kanyang mga kaklase.

"Tss yabang!"
"Greatest greatest hindi naman magaling!"
"Dinaan lang sa ganda kaya nakapasok sa team!"
"Si Mr. Cortesano ang nagpasok sa kanya!"

Bulungan ng mga kaklase namin sa tabi. Grabe, hindi naman halatang ayaw nila kay Steffi no?

"Whatever! So, let's now play! Tourism vs Fashion and Arts. Goodluck guys." sabi ni Ms. Torres at nagsimula na kaming mag-meeting. Pinag usapan lang namin kung anong plano at kung sinu-sino ang mga maglalaro samin.

Nag-umpisa na ang laro. Fashion and Arts department has 30 students ganun din sa Tourism.

----------------

Natapos na ang pang-apat na round at medyo malayo na ang score. Masasabing madaya dahil puro sila Steffi lamang ang naglaro. Merong iilan silang nilalagay pero kada round ay pinapalitan. Hinayaan lang din naman ni Ms. Torres.

Halos malungkot na ang aming mga classmates dahil sa nangyari. Marami na kaming narinig na reklamo mula sa kanila. Kesyo daw bakit sila palagi. Kesyo daw magagaling ang mga kalaban. Haay.. Its just a game for pete's sake!

"For the fifth and final round, Steffi and other members of volleyball team vs Fallen Angels. The game starts now!" pag aanunsyo ni Ms. Torres.

Agad kaming bumaba mula sa bleachers at pumwesto sa court. Agad namang naghiyawan ang mga tao sa paligid lalo na ang boys. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong maraming ibang students ang nanonood sa game.

"Handa na ba kayong umiyak, Fallen Angels?" pang aasar ni Steffi.

"Wait, you look familiar." sabi nya sakin.

"Really?" baka naman naalala nya ang nangyaring gulo sa pagitan namin noon sa Fallen Angels Boutique?

"Ahh.. Not sure." sabi nya.

'Mahina nga pala ang memorya nya.'

"Ready ladies? Remember, this is just a friendly game okay?" sabi ni Ms. Torres bago nagsimula ang game.

First half. Masasabi mong magaling talaga sila. Syempre kasama sila sa volleyball team ng school kaya naging mahusay sila.

"Ano Fallen Angels, suko na?" mapang asar na tanong ni Steffi.

"Never!" sabay sabay naming sigaw ng mga kaibigan ko.

Dahil napanood namin kung paano sila maglaro kanina ay alam na namin kung paano sila matatalo. Napag aralan na namin ang bawat kilos at pag atake nila.

"Second half starts now!" sigaw ni Ms. Torres at nagsimula na ang laro.

Unti unti ay nahahabol na namin ang score nila. Naririnig naman namin ang sigawan ng mga kaklase namin pati na rin ang ibang students na nanonood.

Maririnig mo rin ang malulutong na mura ni Steffi nang sa wakas ay nalamangan na namin sila. Hanggang sa matapos ang laro ay inis na inis sya. Malamang dahil natalo namin sila.

Tuwang-tuwa ang mga kaklase namin. Ang sabi pa nila ay ito ang unang beses na natalo sa laro ang grupo ni Steffi kaya hindi na daw kataka-taka kung magwawala man sya.

"Congratulations Fallen Angels! That was a great fight. Para kaming nanood ng official fight laban sa ibang universities." pagpuri sa amin ni Ms. Torres.

"Thank you, Ms. Torres." pagpapasalamat namin sa kanya.

"Job well done students! Dahil sa naging laban, napagdesisyunan ko na kung sinu-sino ang nararapat na mapasali sa volleyball team ng school. And it includes Fallen Angels." anunsyo ni Ms. Torres na naging dahilan ng pagsabog ng bulkan. Joke!

"WHAT?! NO! NEVER!" sigaw ng ating Sigaw Princess.

"Stop shouting Ms. Fernandez! Hindi ikaw ang may hawak ng desisyon kung sino ang makakapasok sa team. Ako ang may hawak sa volleyball team kaya may karapatan ako kung sino ang isasali ko. Besides, nakita naman ng lahat kung gaano sila kagaling. Nararapat lang na makasali sila sa team." panenermon ni Ms. Torres. Nanahimik naman si Steffi dahil tama ang sinabi ng aming propesor.

Ibinaling naman nya ang atensyon nya sa amin. "So, are you willing to join the team?" tanong nya samin.

"Yes! Magagaling kayo kesa sa kanila!"
"Oo na! Di hamak na mas magaling kayo sa kanila!"

Sabi ng mga classmates namin na naging dahilan ng muli nyang pagsigaw. "SHUT UP!" Tumahimik naman sila.

"I'm sorry Ms. Torres but volleyball is not our thing. We are more focus on our studies. Besides, that's our main reason why we're here." magalang na pagsagot ko sa kanya.

"I understand, Queen." malungkot nyang wika.

"Don't be sad ma'am. Steffi and her friends are good at playing volleyball. You know that!" sabi ko sa kanya.

"I know Queen." She said before she smiles. "Its all for today, class. You're dismissed." Sabi nya bago namin nilisan ang gym.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon