Chapter 24: Mary Ann

234 8 0
                                    

QUEEN'S POV:

May pagmamadali sa paglalakad ang aking ina na para bang late na sya sa dapat nyang puntahan. Dapat magsasama-sama kami sa pagkain ng almusal na nakagawain na ng pamilya ay hindi natuloy sapagkat nagmamadaling umalis si mommy.

Humalik lang sya sa mga noo namin bago sya nagpaalam paalis. Ni hindi ko naitanong kung saan sya pupunta. Sabado ngayon kaya siguro ay marami syang dapat asikasuhin sa kumpanya.

"Mukhang may importanteng meeting ang mommy, anak," sabi ni nanay Fe.

"Siguro nga po," sabi ko saka ko ipinapatuloy ang pagkain ko ng almusal.

"Queen pwede ba tayong lumabas?" Tanong ni Dhepriz maya maya.

"You mean, mamamasyal?" Tanong ko naman na sinagot nya ng pagtango.

"I think kailangan nating mag-unwind pagkatapos ng stress na naranasan natin nung nakaraang linggo," sabi nya pa.

Tumingin ako sa iba pang kasama namin sa mesa bago ako nagsalita. "Sure! Where do you guys want to go?"

"I want us to go to EK!" Sagot ni Venice.

"EK? Ayoko dun! Sa Star City na lang!" Pangongontra naman ni Louiz.

"Ayoko dun! Sa EK tayo." Sagot naman sa kanya ni Venice.

"Hindi! Star City tayo."

"EK nga eh!"

"Star City!

" Enchanted kingdom!"

Hanggang sa nagkainisan na silang dalawa. Hindi na nga nila napansin ang pagkain nila. Maya maya naman ay nagsalita si Dhepriz. "Haay naku, sa mall na lang tayo. Ako nag-aya kaya ako masusunod."

Wala naman nagawa ang dalawa ng umalis na sa hapag si Dhepriz. "Mag-ayos na kayo dahil aalis na tayo.." Bilin nya bago sya umakyat papunta sa kwarto nya.

Tumingin naman ang dalawa sa akin na tila hinihintay nila na kumontra ako ngunit nanlumo sila nang sumagot ako. "Ubusin nyo na ang pagkain nyo at mag-ayos na kayo. Aalis tayo dito exactly 10am papunta sa mall."

Umalis na ako doon saka umakyat papunta sa kwarto ko. Kasabay ko namang umakyat si Kirsten na tinawanan ang dalawa dahil sa itsura nila. Mukha daw naagawan ng candy.

----------------

Habang naglalakad kami lima sa mall ay napapatingin ang mga tao sa amin. Ang iba ay iniirapan kami, ang iba naman ay ningingitian kami. Imposible namang makilala kami dahil naka-disguise kami ngayon.

"Queen doon tayo sa Blue Magic." Tumakbo si Dhepriz doon sa store na sinabi nya. Sumunod naman kami sa kanya at nakita syang may yakap yakap na malaking teddy bear.

"Miss, bibilhin mo ba? Pwede bang pakibayaran na? Naabala kasi ang ibang customers." Magalang na pagsabi ng staff kay Dhepriz. Nakaharang kasi sya sa daanan at hindi makadaan ang iba.

Tumingin sa staff si Dhepriz bago nya iyon ningitian. "Okay, I'll get this." Sagot nya roon at pinapunta naman sya ng staff sa counter upang bayaran na ang teddy bear.

Pagkabayad nya ay lumapit na sya sa amin nang nakangiti. Mukhang natuwa sya sa teddy bear, favorite nya kasi yun.

Lumabas kami sa store at nag-window shopping. Kapag may nagustuhan sila ay binibili nila. Ganoon lang ang ginawa namin bago kami mag-desisyon na mananghalian. Hindi namin napansin ang oras, nalaman na lang namin na kailangan nang kumain dahil nakaramdam na kami ng gutom.

Habang naglalakad ay may nakita kaming batang babae na umiiyak. Nilapitan ko sya at tinanong kung bakit sya umiiyak. Nung una ay hindi sya sumasagot at patuloy lang sya sa pag-iyak. Akala tuloy ng mga tao ay pinaiyak ko ang bata.

"Shh. Stop crying. Are you lost?" Tanong ko sa kanya habang pinapatahan sya.

Maya maya ay sinagot nya na rin ang tanong ko. "Opo, I can't find my daddy. I'm lost po, please help me find my daddy." Sabi nya habang patuloy pa rin ang pag-iyak nya.

"Okay, lets find your daddy." Dahil sa sinabi ko ay tumigil sya sa pag-iyak at ngumiti sa akin. "Thank you po mommy ganda." Pagpapasalamat nya sa akin. Natawa naman ako sa itinawag nya sa akin.

"Tara na baby." Sabi ko na lang bago ko nilahad ang kamay ko sa harap nya. Hindi naman sya nagdalawang-isip na hawakan rin ang kamay ko.

Habang hinahanap namin ang ama ng bata ay napansin ko ang pananahimik ni Kirsten at panay din ang tingin nya sa bata.

"Why?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako nang makita kong may mga luha sa pisngi nya kaya lalo akong nagtaka.

"Wala Queen. I just remember someone." Sagot nya kasabay nang pagpunas nya sa pisngi nya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tinatanong ko ang bata kung anong pangalan nya, kung anong itsura ng daddy nya.

She's Mary Ann and she's five years old. Ang sabi nya ay katamtaman ang tangkad ng daddy nya, matipuno, maputi at gwapo. Sa totoo lang ay may nagiging kahawig si Mary Ann pero hindi ko maalala kung sino.

Nagulat kami nang makitang may lalaking tumatakbo sa direksyon namin habang sinasabi ang pangalan ng batang kasama namin. Nakumpirma lang namin na iyon ang ama ni Mary Ann nang banggitin nya rin ang daddy.

"Baby!" Sabi ng lalaki habang yakap yakap si Mary Ann. Nagpasalamat sya sa amin bago sya umayos ng tayo at humarap sa amin.

Mas nagulat kami nang mapagsino ang lalaking tinawag na daddy ni Mary Ann. "Tristan?" Pagbigkas ko sa pangalan nya.

Hindi ako makapaniwalang mayroon na syang anak. Sa pagkakaalam ko ay wala syang anak at wala rin syang karelasyon.

Maging si Tristan ay nagulat nang mapagsino kami. Tumingin sya kay Kirsten na umiwas ng tingin sa kanya. "Kirsten.." Bigkas nya sa pangalan ng kaibigan ko.

Hinawakan ni Kirsten ang kamay ko bagi nya kami niyayang umali doon. "Tara na. Nagugutom na ako." Sabi nya saka ako hinila paalis. Sumunod naman sa amin ang iba pa naming kaibigan.

"Mommy ganda!" Lumingon ako kala Tristan nang marinig kong tinawag ako ni Mary Ann. Huminto ako sa paglalakad at sinalubong ang tumatakbong bata papunta sa akin.

Niyakap nya ako bago sya nagsalita, "Thank you mommy ganda. Hanggang sa muli." Hinalikan nya ang pisngi ko bago sya tumakbo pabalik sa daddy nya.

Muling hinawakan ni Kirsten ang kamay ko at hinila ako paalis. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nagmamadali at hindi ko rin alam kung anong problema nya.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon