Chapter 22: Steffi's punishment

240 6 0
                                    

QUEEN'S POV:

Nang dahil sa ginawang pambabastos ni Steffi kay Dean Natalie ay agad ring tinapos ang awarding ceremony. Tutal napangaralan na ang lahat ng nanalo.

Nadismaya naman ang ilan sa mga estudyante dahil hindi nila napanood ang ilang performance na inihanda para sa awarding ceremony.

Karamihan sa kanila ay sinisisi si Steffi dahil dito. Kung hindi daw nambastos si Steffi ay sana raw mas magtatagal ang programa. Ang sabi pa nila ay may pagkabastos si Steffi. Pero para sa akin? Hindi sya ganoon noon.

Habang naglalakad papunta sa parking lot ay nakasalubong namin ang Five Seasons. Katulad ng nakasanayan ay nagpalitan kami ng matatamis na ngiti ni Dylan.

Pagpapaalam na sana kami na mauuna na kami ngunit hindi natuloy dahil sa sinabi ni Nicolli. "Queen, can we talk.. Privately?" He asked me.

Half of me wants to talk to him but the other half does not. 50/50 and desisyon ko. Mabuti na lamang ay nandito ang mga kaibigan ko upang sumagot.

"No! I mean.. Hindi pwede! Aalis kami." Pagsagot ni Kirsten bago hawakan ang braso ko at hilahin paalis doon.

Hinawakan naman ni Nicolli ang kabila kong braso. Naglalaro ba sila ng tag of war at ako ang nagsisilbing tubid? Pinilit kong hilahin pabalik ang braso ko na hawak ni Nicolli but does not let go.

"Bitawan mo na sya! Can't you see? Nasasaktan na sya." Sabi ni Kirsten kaya napilitan si Nicolli na bitawan ang braso ko.

"Kirsten.." Pagtawag ni Tristan sa kaibigan ko. I looked at him and asked him, "You know my friend? How?" Agad syang nag-iwas ng tingin na para bang may itinatago sya.

Humarap naman ako kay Kirsten to ask her pero naunahan nya na ako. "Hindi ko sya kilala, Queen. Can we just go?" Halatang naiirita na sya kaya hindi ko na binanggit pa ang isa pang bagay na nais kong itanong.

Tumango ako sa kanya at agad naman nya akong hinila paalis. Naiwan namang tulala si Tristan samantalang naiinis naman si Nicolli.

HIS POV:

"That girl!" Naiinis kong bigkas. Nakakainis na yung kaibigan ni Macey ah! Hindi naman sya yung kinakausap eh!

Napalingon kami ng mga kaibigan ko kay Dylan nang magsalita sya. "She's Mary Kirsten Lee, the most protective member of Fallen Angels. Mahal na mahal nya si Queen higit pa sa pagmamahal ng ibang member." Sabi nya.

"You know her real name? Paano?" Tanong ko sa kanya. Noong ibinahagi nya ang nalalaman nya tungkol sa Fallen Angels ay hindi nya nabanggit ang tunay na pangalan ng mga members nito.

"Nag-search ako tungkol sa kanila. Try mo din boss if you want to know more about them." Sagot nya sabay tapik pa sa balikat ko.

Sinamaan ko naman sya ng tingin ngunit tinawanan nya lang ako. Naagaw naman ang atensyon namin sa taong nagsalita.

"She doesn't know me?! As in, me?! Paano nangyari yun?" Pagmo-monologue ni Tristan. Tinapik naman sya ni Zimmer at napasigaw naman sya dahil sa gulat.

"Ano ba?!" Sigaw nya kay Zimmer.

Nagtaas naman ng mga kamay si Zimmer na para bang sumusuko sya. "Easy dude! Tulala ka kasi. Problema mo?" Sabi nya pa.

"Wala!" Sigaw ni Tristan bago sya naglakad papunta sa sasakyan nya at pinaharurot ito nang makapasok sya roon.

Nagkatinginan kaming apat saka kami napatawa. "Mukhang may problema sa babae ah." Komento ni Skyleigh.

"Sino naman? Eh wala ngang babae yun!" Sabi naman ni Zimmer sa kapatid.

"Wala nga, pero ex-girlfriend? Meron!" Sagot ni Sky.

"Sino naman? Yung dati? Bro nakamove on na sya dun!" Sagot naman ni Zimmer.

"Malay nyo hindi pa." Sabi ko naman.

"A man who can't be moved? Parang ikaw boss! Kanang-kamay mo talaga yun no? Parehas na parehas kayo." Wika naman ni Dylan at sinamaan ko sya ng tingin.

"Parehas na parehas nga pareng Dylan!" Komento naman ni Skyleigh at nag-apir pa sila ni Dylan.

"Una na ko!" Sabi ko sa kanila bago ako sumakay sa kotse ko at pinaandar na ito.

"Walk out kings!" Rinig kong sigaw ni Zimmer. Napailing na lang ako.

Tinignan ko naman ang phone ko nang tumunog ito. "Dad." Pagsagot ko sa tawag.

"Where are you?" Pagbungad na tanong nya.

"I'm driving. Kakaalis ko lang sa university. Why?" Sagot ko sa tanong nya.

"Where's your sister? How is she?" Tanong nya pa.

Nakakapang-init ng ulo ang ginawa ni Steffi kanina. Hindi na sya nahiya! Ang lakas ng loob nyang bastusin si Dean Natalie!

"She's not my sister, dad. My parents did not adopt her, remember dad?" Sarcastic kong sagot sa kanya.

Narinig kong bumuntong-hininga sya bago nagsalita, "She is! Go back to university. We'll have a talk with your dean." Sabi nya bago nya pinatay ang tawag kaya hindi ako nakapagreklamo pa.

Naghanap ako ng U-turn slot upang bumalik sa university. Pagdating ko doon ay dumiretso ako sa office ni Dean Natalie para hintayin si dad. Alam ko ring nandoon na si Steffi at kasama ang mga loyal nyang kaibigan.

"Mr. Nicolli. What are you doing here?" Bungad sa akin ni dean. Tumingin naman ako kay Steffi saka tumingin ulit sa kanya. Tumango naman sya dahil naintindihan nya ang nais kong isagot sa tanong nya kanina.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nandito nga ang mga kaibigan ni Steffi. Magkakatabi sila sa isang mahabang sofa. Sinenyasan ako ni Steffi na tumabi sa kanila pero ayoko makatabi ang grupo nya dahil naiinis pa ako sa kanya.

Naagaw ang atensyon naming lahat dahil sa bumukas na pinto. Niluwa nito ang ama ko na masama ang timpla ng mukha. Maaaring binalita na sa kanya ni dean kung anong nangyari.

"Everyone's here? Let us start!" Panimula ni dean bago sya tumingin kay dad.

"I already told you Mr. Reyes about the issue and how your daughter behaves while she's here." Sabi ni Dean Natalie kay dad.

Tumango si dad bago sya nagsalita, "Yes, Dean Natalie."

"I want to tell you that she is no longer a student here. According to the board of directors, she will be kicked out from this university Mr. Reyes." Pagbabalita ni dean at dahil dito ay napasigaw si Steffi.

"WHAT?! NO WAY!" Sigaw nya.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon