Chapter 33: The past

255 4 0
                                    

QUEEN'S POV:

Isang haplos sa ulo ko ang nagpagising sa akin. Alam na alam ko kung sino ang gumagawa nito sa akin. Imbes na dumilat ako ay mas pinili kong panatilihing nakapikit ang mga mata ko at magpanggap na tulog.

Maya-maya ay narinig ko ang pag-iyak nya. Sa bawat hikbi nya ay nararamdaman ko ang sakit at pagsisisi nya. Habang humihikbi ay nagsalita sya.

"Macey.." Pagtawag nya sa pangalan ko.

Hindi ako dumilat kahit na binigkas nya ang pangalan ko. Sa tingin ko ay inakala nyang tulog pa ako kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Macey I'm sorry. I'm so sorry sa lahat ng ginawa ko sayo lalo na pananaksak ko sayo. Patawarin mo ako kung nagpadala ako sa emosyon ko." Pagpapatuloy nya.

"Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal, Macey. Pero kahit mahal mo ang isang tao, makakaramdam ka rin pala ng inggit at sakit. Macey.. Matagal ko ng alam na anak ka ni daddy sa ibang babae. Nung una masaya ako, kasi sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na maging totoong magkapatid tayo." Muli kong narinig ang paghikbi nya.

"Pero Macey.. Nung nalaman kong ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo ang mga magulang ko. Ikaw ang dahilan kung bakit palaging umiiyak ang mommy ko. Macey doon ako nagalit sayo! Hindi ko matanggap na nasasaktan ang mga taong mahal ko dahil sayo! Nagalit ako sayo kasi anak ka ni daddy sa labas."

'Anak sa labas? Ako?'

"Mahal kita Macey bilang kapatid kaya pinalagpas ko yun. Pinalagpas ko yun Macey kahit na pakiramdam ko inagaw mo si daddy sa akin! Inagaw mo ang atensyon na dapat ay sa akin lang! Pinalagpas ko yun pero yung malaman ko yung sa inyo ni Nicolli? Iba yun eh! Tagos hanggang sa buto yung sakit, Macey. Akala ko, naglalaro lang sya. Akala ko hindi sya seryoso sayo! Alam mo, masaya ako nung pinagpanggap nya kong girlfriend nya para hiwalayan mo sya. Nawala rin yung sayang naramdaman ko nung malaman ko ang dahilan nya."

"Nakipaghiwalay lang sya sayo kasi ang alam nya magkapatid kayo sa ama. Pinilit lang sya ni mommy na makipaghiwalay sayo kahit na ayaw nya. Kahit na alam nyang bawal kayo." Huminga sya nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sorry. Dapat si Nicolli ang magsabi sayo nyan at hindi ako." Muli nyang hinaplos ang ulo ko katulad ng ginagawa nya sa akin noon.

"Macey sana magising ka na. Alam kong marami kaming maling ginawa sayo mula noon kaya sana kapag nagising ka, makabawi kami sayo. Ako, si Nicolli at si daddy." Hinalikan nya ang noo ko bago sya nagpaalam sa akin at lumabas ng kwarto ko.

Nang masiguro kong wala na sya ay minulat ko ang mga mata ko at nakipagtitigan sa pintong nilabasan nya. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa napaiyak na lang ako. Kasabay niyon ay ang pagbalik ko sa nakaraan.

=====Flashback=====

"Nicole? Wake up please!" I pleaded her. Wala akong magawa kundi ang umiyak!

Kahit na maingay sa labas ng mansyon ay rinig na rinig ko pa rin ang pag iyak ko.

It's her 7th birthday, pero..

"Macey what happened? Where's Nicole?" tanong ng isang tinig mula sa aking likuran.

"Nicolli.. She's.. She's.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may dumapong palad sa magkabila kong pisngi.

"T-tita?" bigkas ko.

"Killer! You killed my daughter! I saw you! Tinulak mo sya sa hagdan! Mamamatay tao ka!" she shouted right on my face.

"No! Hindi.. Wala akong ginawa!" pagkasabi ko nun ay napatingin ako sa kanya. "Steffi! Magkasama tayong pumunta dito! Sabihin mo sa kanilang hindi ako! Kundi ikaw! Ikaw ang tumulak sa kanya! Steffi, please.."

"Anong sinasabi mo? Ako? Nag-stay lang ako sa labas. Ni hindi ako pumasok dito. Kahit tanungin mo pa sila." pagtukoy nya sa apat pa naming kaibigan.

"Ladies, nakita nyo bang pumasok ang anak kong si Steffi dito?" tanong ni Tito Miguel-- Nicole's dad. 'Also MY dad.'

"Hindi po, tito."

"Hindi po, tito."

"Hindi po, tito."

Tila isang sirang plaka, paulit ulit sa utak ko ang mga katagang sinabi nila.

"Sinasabi ko na nga ba! Killer! Pinatay mo anak ko!" sigaw sakin ni Tita Michelle-- Nicole's mom.

"Hindi! Hindi ko yun magagawa sa kanya! Hindi!" pilit kong pinapaliwanag ang sarili ko ngunit hindi sya nakikinig. Hindi SILA nakikinig!

"Tama na!" sa wakas ay narinig ko rin ang tinig nya.

"My sister is NOT DEAD! Mike call an ambulance!" agad namang tumawag ng ambulansya ang tinawag nyang Mike.

Agad syang tumingin sakin nang malamig. Galit sya? Pero alam nyang hindi ko kayang saktan ang kapatid nya!

"And call police. Don't let her run away." yun lang ang sinabi nya saka sya tumalikod sakin at iniwan ako. Maging ang mga inakala kong kaibigan ay iniwan rin ako.

Lahat sila, tinalikuran ako. Lahat sila, tinapon ang maraming taon na pinagsamahan namin.

------------------

"Laya ka na." sabi sakin ng isa sa police officers na hinuli ako kanina.

Tila hindi naman pumasok sa magkabila kong tainga ang mga sinabi nya kaya inulit nya ulit ito saka ako hinila palabas ng kulungan.

"Macey.." agad akong napatingin sa taong tumawag sa pangalan ko. Nang makita ko sya ay parang gusto kong umiyak sa mga balikat nya. Pakiramdam ko ay para akong bata na inagawan ng candy.

"Mommy.." sabi ko saka ako tumakbo para sa yakap nya. Ilang taon na ba mula nang mayakap ko ang aking ina? Anim? Pitong taon? Hindi ko na alam!

Iyak ako nang iyak hanggang sa maubos ang lahat ng mga luha ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi sila maubos ubos. Para silang nakabukas na gripo, patuloy lang sa pag agos.

Sobrang sakit nang ginawa nila sakin. Pinagbintangan nila ako sa isang bagay na malabo kong nagawa! I love that kid, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na saktan sya.

Hanggang sa pag uwi ay bitbit ko pa rin ang sakit na ibinigay NILA. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pagbibintang na ginawa nila, akala ko lang pala. Dahil wala nang sasakit pa kapag ang mga taong lubusan mong pinagkatiwalaan ay sya pang mananakit sayo. Mahal ko sila pero sakit lang ang ibinigay nila!

~beep~

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino.

###

He, who broke ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon