ETO na!
______________________________________________
Daniel's POV
Habang nasa kwarto kaming apat binabantayan si Kath na magising. May tumunog na cellphone. Akala ko kay Kath, baka pinapauwi na siya. Gabi na rin kasi.
Kay Julia pala...
Lumabas muna siya ng kwarto kasi may tumawag kay Julia. Mama niya siguro..
Pagbalik niyaa....
"Sino yun labs?" -- Diego.
"Si Mama. Pinapauwi na kasi ako. May importante daw siyang sasabihin." --Julia.
"Hatid na kita?" -- Diego.
"Wag na! Samahan mo nalang si DJ dyan. Bantayan nyo muna si Kath." -- Julia
"Hindi sge. Okay lang. Ihatid mo na siya Bro. Baka mapano pa yan. Kaya ko naman na Si Kath" Sabi ko. Anu daw?? Eh hindi ko nga alam gagawin ko kay Kath eh. Nako!
"Sige bro. Una na kami ha!" -- Diego
"Hoy DJ! Bantayan mo yang BestFriend ko ha!" Bilin ni Julia.
Nag-nod lang naman ako tapos umalis na sila.
Maalala ko lang. Basa pa nga pala si Kath! Nako! Pano ko siya papalitan neto. Ehhhh? Lalaki ako. Hindi pwedeng ako yung magpalit sa kanya ng damit. >/////<
Nakaupo lang ako sa tabi niya. Wala naman akong ibang pwedeng gawin eh.
* Ding Dong *
Si Mama. Nandito na! Buti nalang. May kasama na akong magbabantay kay Kath. Di ko talaga kaya to eh.
"Ma.. Si Kath nga pala nasa kwarto ko. Nilalagnat kasi siya eh. Di ko naman alam kung anu gagawin ko dun." Sabi ko. Worried ako shempre!
"Ay ganun ba? Osige. Ako na bahala sa kanya. Ayusin mo na muna tong mga pinamili ko." Sabi ni Mama at paakyat na siya sa kwarto.
"Ay Ma! Basa pa pala siya. Di ko kasi pwedeng palitan ng damit eh." Pahabol ko.
"OO na. Ako na bahala! Mag-ayos ka lang diyan. Wag ka na mag-alala." Sabi ni Mama. Tas umakyat na nga.
Naasikaso na ni Mama si Kath. Nagising na din siya. Hayy buti naman! Pinainom na siya ng gamot at pinalitan ng damit. Haha suot nya yung batman shirt ko. Ang CUTTEEEEE nya!
Lumabas na si Mama sa kwarto. Kami nalang dun ni Kath. Pero tulog ulit siya. Nakaupo ako sa glid ng kama. Sa bandang paa ni Kath.
"Awwwwwww!" Biglang sumigaw si Kath. Nagpanic naman ako! Halatang masakit yung nararamdamn nya eh.
"Oh Kath! Ano masakit sayo?" Grabee. Bumibilis tibok ng dibdib ko. Kabadong kabado.
*dubdubdubdubdubdub*
"Masakit yung ulo ko! d-DJ! Sobrang sakit talaga." Sabi niya. Hala ka! Kung anu-ano na pumasok sa isip ko. Pinipilit kong kalmahin yung sarili ko kaso di ko magawa.
Namumula na siya ng sobraa. Tapos ang taas ng temperature ng katawan niya.
"Inom ka munang tubig." Sabi ko. Tas inalalayan ko siyang umupos sa kama at pinainom ng tubig. Ayoko ng itsura niya ngayon. Kala mo mamamatay na siya na ewan.
Mga after 5 minutes nakatulog na ulit siya.
Chineck ko yung orass. 8:30 na!!!! Hindi pa pala alam ng Mama ni Kath at ng mga Kuya niya.
Tinwagan ko si MamaKaren.
*Kring kring*
Tunog lang ng tunog. Wala namang sumasagot. Baka nasa meeting yun.
Tinawagan ko naman si Kuya Albie. Ayun at sinagot naman! Buti nalang. Kabado na ako eh.
On Phone:
DJ: Kuya Albie. Si DJ po ito. Kaibigan ni Kath.
Kuya Albie: O buti napatawag ka? May problema ba?
DJ: Si Kath po kasi. Nilalagnat siya.
Kuya Albie: Sorry DJ. Pwede Diyan muna si Kath. Walang magbabantay sa kanya eh. Wala kami sa bahay ni Kuya Sam tapos si Mama naman nasa work. Hindi yata siya makakauwi ngayon.
DJ: Okay lang po kuya. Sige ho. Ako na mag-aalaga kay Kath.
* Call Ended *
Anu ba yan? Wala bang pakelam pamilya niya sa kanya? De jokes. Baka busy lang talaga sila ngayon. To naman kasi si Kath! Masyadong sakitin eh.
***************
10:40 PM.
Binabantayan ko pa din si Kath. Naglatag na ako ng blankte sa gilid ng kama, sa sahig. Ayoko kasing tabihan siya. Parang naiilang ako. Tsaka magalit pa to sakin? Ayoko nga! Tinittigan ko lang siya. Hanggang sa makaramdam na rin ako ng antok. Sobrang pagod ko na kaya nakatulog na ako.
Kathryn's POV
Midnight na siguro nun. Nagising lang ako bigla. Inikot ko yung mata ko. Hinanap ko si DJ at nakita ko siyang natutulog sa sahig.
"Huy! DJ!" Ginising ko siya.
"Oh bakit? May masakit ba sayo?" Tanong niya.
"Bakit nandiyan ka?" --ako
"Saan mo naman ako gustong matulog? Alangan namang tabihan kita dyan?" -- DJ. Bat naman ayaw noyang tumabi sakin? Para namang hindi ko siya BBF (Boy BestFriend)
"OO. Dito ka sa tabi ko. Laki kaya ng kama mo." -- yaya ko. Halatang medyo naiilang siya.
Tumabi na siya sakin. Pero lumayo siya ng konti. Halatang naiilang. Naiilang din naman ako. Nakatulog na ulit ako. Masama kasi talaga yung pakiramdam ko.
Daniel's POV
Likot matulog ng babaeng to. Kanina halos hindi kami magkadikit pero ngayon halos magkalapit na yung ilong namin. Usog kasi siya ng usog sakin eh. Ang lapit na ng mukha namin sa isa'-isa. Bumibilis lang tuloy yung tibok ng puso ko
*dubdubdubdub*
Gusto kong lumayo sa kaniya pero parang ayaw ng katawan ko. Parang hindi ako makakilos. Lalong lumalapi yung mukha ko sa kanya! Tssshhhhhhhh!
DJ! DJ! DJ! Get back to your sense! Pero wala talaga akong magawa. Hanggang sa dumikit na yung labi ko sa labi niya.
Bigla akong natauhan!!!
Tumayo ako at pumunta sa CR. Di ko kinaya yun! Tagal kong nakatunganga sa salamin sa loob pa rin ng CR. Then chineck ko yung oras. 1:OO am na!
Bumalik ako sa tabi nii Kath. Hindi man lang siya nagising. Pero kabado ako! Sobra. Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya? Parang lalo akong na-iinlove. Huh?? Ako? HINDI AKO INLOVE. Hindi pwede to!
Sa kakatitig ko sa kaniya ay nakatulog na ako..
**********************
Kinabukasan.
Paggising ko wala na si Kath! Hala ka? Asan na yun? Bumaba ako para hanapin siya. Pumunta ako sa kusina. Meron akong nakitang note na nakalagay sa lamesa.
-- "DJ, Tita Karla. Umuwi na po ako. Kaya ko naman na po. Salamat po sa alaga. Okay na po ako. Salamat po ulit."
Haaaaaaaaa????????? Baliw talaga yung babaeng yung babaeng yun. May sakit siya at ang lakas lakas ng ulan. Bakit siya umuwi? Weird nya/
_______________________________
ABANGAN!!!!!!! Hahahaha. Plug niyo naman tong story ko. Thankyou. :D
BINABASA MO ANG
Forever And Always. (KathNiel Version)
Teen FictionHello Fellas! Im new here at wattpad. This is my first story. Hope ya like it! :))))))) What if ma-inlove ka sa kaibigan mo? Sobrang close kayo na para na kayong magbestfriend. Pero natatakot kang sabihin kasi baka mawala yung friendship ninyo. Anun...