VOTE NAMAN KAYOOOOOOO =))))))))))
_______________________________________________________
Daniel's POV
Text Message
To: Kathryn <3
Kath. Punta ako dyan sa inyo.
* END *
Hindi nagreply si Kath. Nagmamadali na ako kasi naaalala kong wala nga pa lang kasama si Kath sa bahay. Wala pa sila MamaKaren tsaka mga kuya niya. Napanu na kaya yun? Bakit kasi bigla na lang aalis eh. Di man lang magpaalam ng maayos.
Pagdating ko kila Kath...
Bukas yung pinto. Patay lahat ng ilaw. Parang walang tao. Kinakabahan ako lalo! Hayy nako Kathryn! Asan ka na ba?
Dumiretso na ako sa kwarto niya. Ayun. Nakita ko siya!
"Hoy Kathryn!" Sabi ko. Medyo naiinis na ako.
"Bakit umalis ka na lang kanina? Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos. Tsaka may sakit ka di ba? Ang lakas lakas ng ulan. Ano bang nakain mo at bigla kang umuwi? Hindi mo ba alam na nag aalala ako sayo! Nakakainis ka! Bakit mo ko pinag-aalala ng ganito? Pano kung magkasakit ka nalang ulit. Ikaw lang mag-isa dito! Sino mag-aalaga sayo? Ha? Ha?" -- Sabi ko sa kanya habang hawak ko sya sa braso niya ng mahigpit. Di ko talaga mapigilan sarili ko. Nagagalit na ako sa kaniya! Sinisigawan ko na siya.
Bigla ko nalang napansin na tumulo yung luha niya. Binitawan ko na siya. Nako DJ! Katanga mo! Nasaktan mo ko na yata siya?
"Eh bakit mo ba ako sinisigawan? Akala mo kung sino ka ah! Kaibigan lang naman kita! Bat ka ba ganyan? Hindi mo ba alam na nasasaktan na ako! Ang OA mo kung mag-alala sa akin! Bakit ba ha?" -- Sabi niya sakin habang hinahampas yung dibdib ko. Sobrang lakas! Ang bigat ng kamay niya. Feeling ko naiinis na siya sakin sa pagiging OA ko sa pag-aalala ko sa kaniya.
"EH KASI NGA MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! Di mo ba naiintindihan yun? Ha? Ha? -- Sabi ko habang hawak ko siya sa wrist.
Umiyak ng umiyak si Kath! Napahinto ako. Napaupo siya sa kama. Napansin ko na umiyak na din ako. Nahihiya na ako sa kaniya! Wala akong ibang ma-isip na gawin kundi lumabas na lang,
Lumabas ako. Naguluhan na yung isip ko! Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi yung pag-iyak ni Kkathryn kanina! Inis na inis ako sa sarili ko. Bat ko nagawa yun!!
Umuwi na ako. Naduwag akong balikan si Kath sa kwarto. Wala akong magawa! Natatakot akong magalit siya sa akin...
----------------------------------------------------
Kathryn's POV
Nagulat ako sa mga sinabi ni DJ kanina. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako dahil sa nangyari. Naiinis ako na ewan. Mahal niya daw ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anung dapat kong maging reaksyon. Magugulat ba? Matutuwa? Matatakot? ANO? Mixed emotions.
Siya pa rin kaya yung BBF ko? Mabalik pa kaya kami sa dati? Siguro dito na magsisimula yung iwasan. ilangan. Hay nako! EWAN KO SAYO DANIEL JOHN PADILLA.
Pero sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na same feelings pala kami sa isa't-isa. Ayoko lang talaga yung masyadong possesive. Nako.
___________________________________
Short update lang. :))))))))))))))
BINABASA MO ANG
Forever And Always. (KathNiel Version)
Teen FictionHello Fellas! Im new here at wattpad. This is my first story. Hope ya like it! :))))))) What if ma-inlove ka sa kaibigan mo? Sobrang close kayo na para na kayong magbestfriend. Pero natatakot kang sabihin kasi baka mawala yung friendship ninyo. Anun...