Chapter 9.

351 2 0
                                    

MALAPIT NG MATAPOS YUNG STORY KO. :(

SALAMAT SA MGA MINAMAHAL KONG READERS.

GAGAWA ULIT AKO NG KATHNIEL STORY PARA SA INYO.

PERO MAS MAGANDA. HAHAH

FOR THE MEAN TIME. TATAPUSIN KO MUNA ITO. SALAMAT :)

________________________________________

Kathryn's POV

Sa School ....

Papunta na ako sa classroom namin. Nasa hallway ako naglalakad. Then I saw DJ. Medyo malayo pa naman siya. Nagulo yung isip ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko nga alam kung nakita nya na ba ako eh. Masyado akong kabado ngayon.

*Dubdubdubdubdubdub*

Ayan na! Malapit na siya sakin. Ugh

Malapit na!!!!!!

Di ko siya tinignan. Yumuko lang ako ng onti at dumiretso sa paglalakad na parang walang nakita. Pero feeling ko ay tumingin na siya sakin.

Hayyy KATH! Anu bang naisip mo at hindi mo siya pinansin. 

BBF ko pa din ba siya? =(

DJ's POV

Nasa room na ako kanina pa. Ang aga ko nga eh! Kaso bigla akong nagutom. Di rin kasi ako nakapag breakfast. Kaya naisip kong pumunta sa cafeteria.

On my way to cafeteria, dumaan ako sa hallway. Malamang. Nakita ko si Kath. Papasok palang siguro. Malayo pa siya. Di ko pinahalatang nakita ko na siya. Hindi siya tumitingin sa akin. Halata naman sa mukha niya yung pagka-ilang. Ganun din naman kasi ako. Naramdaman kong tumingin na siya sa akin ng pasimple. Pero yung emosyon ng mukha niya? BLANGKO.

Kala mo nga nakakita siya ng multo ng kahapon. :/

Papalapit na kami ng papalapit sa isa't-isa. Hanggang sa naagpasan ko na siya. Di niya akoo pinansin. Napanu yun? Hayy. Gaano katanga Daniel John! Malamang eh naiilang yun. 

BBF niya pa kaya ako? :(

**************

Kath's POV

2 weeks na kaming hindi nagpapansinan ng BBF ko. Pertaining to DJ. Ang weird nga eh. Hindi ko na rin siya nakikita sa school. Napano na kaya siya?

Nakaupo lang ako sa favorite bench namin. Habang umiinom ng iced tea. Init kasi eh. 

Nang biglang lumapit si Julia at Diego...

"Bes?" Bati ni Julia sabay uposa tabi ko. Bat parang may problema?

"Bakit bes?" Tanong ko. Curious eh.

"Si DJ.. " Sabi niya. Hah??? Napano si BBF?

"Umalis na siya Kath." Sabi ni Diego. "Bumalik na siya ng states." Dagdag niya pa.

Nagulat ako!!!! Bigla ko nalang naramdaman na pumatak na yung luha ko.

"Kelan pa?" Sabi ko habang humihikbi.

"Kanina lang." Sabi ni Julia. Tapos niyakap ako at hinihimas yung likod ko. Ako naman ay iyak lang ng iyak.

"Pinapabigay niya nga pala." Sabi ni Diego sabay abot ng papel. Letter siguro.

Di ko kinaya yun! Bigla akong umalis at tumakbo. Umiiyak pa din ako. Pumunta akong CR. Pinagtitinginan na ako kasi habang tumtakbo ako ay umiiyak pa din. Alam kong ukha na akong tanga pero wala akong pakelam sa kanila. Ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak!

*********************

Julia's POV

Science Time na namin. Tapos na yung Recess time. Wala pa yung teacher namin. Buti na lang at wala pa dahil wala padin si BestFriend. Asan na kaya yun? Sure ako umiiyak pa rin yun. Kahit alam kong matapang na tao si Kath, iiyak pa rin yun. BBF niya kasi si DJ eh. Kapag wala ako ay yun lagi yung kasama niya. Matagal tagal din yung pinagsamahan nila kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang yung reaksyon ni Kath sa pag-alis ni DJ.

"Oh ayan na pala si Kath eh!" Sabi ni Diego.

Maga yung mata niya. Halatang umiyak. Hindi ko na siya tinanong kung okay lang sya kasi halata namang hindi eh. Tsaka hindi niya din aaminin yung nararamdaman niya ngayon.

30 minutes a yung nakalipas... Puro discussion. Nakakatamad nanaman.

Yun si Kath! Halatang wala sa sarili nakatulala lang eh. Kawawa naman yung bestfriend ko.

____________

Kathryn's POV

 Uwian na! Hinatid na ako ni Julia at Dieggo. Medyo masakit ulo ko kakaiyak kanina sa CR. 30 minutes ako umiiyak. Buong break time ay ginugol ko sa pag-iyak..

Pag-uwi ko diretso agad ako sa kwarto. Magpapalit na ako ng uniform ng bigla kong makapa sa bulsa ko yung letter ni DJ.

Humiga muna ako sa kama habang binabasa yung sulat ni DJ.

Dear Kath,

     Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo. Halata naman kasing ilang na ilang ka sakin simula ng mag-confess ako sayo about sa nararamdaman ko sayo. Di na ako nagtataka sa reaksyon mo kasi alam kong nabigla kita. Siguro ngayong binabasa mo tong letter na to ay nasa eroplano na ako. Pupunta na akong states. Nagdecide kasi si Papa na dun nalang kami tumira ulit. Di ko alam kung babalik pa ako ng pilipinas. Pero pipilitin kong bumalik para sayo. Kath, Mahal na mahal kita. At kahit malayo na ako ay mamahalin pa rin kita. Wag kang mag-alala. Hindi naman kita pinipilit na mahalin mo rin ako dahil alam kong hanggang BBF lang talaga ang tingin mo sakin. No more, No less. Hanggang dito nalang Kathryn. Hanggang sa susunod nating pagkikita.

       I LOVE YOU FOREVER. FOREVER AND ALWAYS.

                                                                                                               LOVE,

                                                                                                                 Daniel..

 Pagkabasa ko ng sulat ni DJ ay hindi ko napapansin na basang basa na ako ng luha. Di ko namalayan. Pero wala akong pakelam. WAla na akong magagawa kasi wala na si DJ. Wala na yung BBF ko. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na Mahal ko din siya. :(

Its 6:00 pm nang mag-start akong basahin yung letter ang 6:45 na! Umiiyak pa din ako. =((((((((

Umaasa akong babalik pa si DJ kahit alam kong malabo na. Pero LIFE MUST GO ON! Ganyan talaga yung buhay. May umaalis pero may bago naman sigurong dadating.

Sa sobrang pagod ko ngayong araw ay nakatulog na ako. Hindi na ako nakapag dinner...

____________________________

OKAY. Masyadong madrama yung Chapter na to. 

ABANGAN yung susunod. :)))

VOTE AND COMMENT.

Forever And Always. (KathNiel Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon