Meeting The Grim Reaper

27 0 0
                                    

Grim Reaper

The Grim Reaper is Death with a capital D. He is perhaps the most recognized entity of all time, neither ghost nor god; the Grim Reaper is a psychopomp who’s job is to conduct the souls of the recently dead into the afterlife.

Kapag sinabing Grim Reaper lagi nating naiisip na nakakatakot sila. Na baka pag tulog mo sa gabi bigla siyang darating para sunduin ka.
Pero hindi natin naisip na hindi naman talaga siya yung masama. Actually napakabait nga niya e. Kasi pag namatay tayo susunduin niya tayo at ihahatid sa huling hantungan.
Isipin mo kung ikaw lang magisa at wala kang kasama papunta dun. Diba mas nakakatakot yun?

Keira: "Sino kayo? Bakit ako nandito?"
       
   
     : "Narito kami para sunduin ka."

Keira: "Ibig sabihin ba nito, patay na'ko?"

         : "Ano pa nga ba?"

Sila ba yung tinatawag nilang Grim Reaper? Yung taga sundo ng kaluluwa at tagahatid sa huling hantungan nila?
Akala ko hindi sila totoo. Kaso nga lang parang hindi naman sila gaya nung nasa mga movies. Yung parang skeleton? Tas nakaitim lahat.
Ito mukha namang desente. Ang gugwapo pa.

"Sige na Miss Dela Cruz. Pumasok ka na. Oras mo na."

Kaharap ko ang isang antigong pintuan. Sobrang dilim, wala akong maaninag. Hindi ko makita kung ano yung nasa kabilang dulo.

Habang papalapit ako, unti-unting bumibigat yung mga paa ko. At sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot.
Takot na mawala sa mundong ibabaw, takot na mamatay.
E hindi nga ba't ito nga ang gusto ko? Ang mawala na sa mundo. Ng hindi ko na maramdaman ang lahat ng sakit na idinulot nila sa pagkatao ko.

"Miss Dela Cruz, marami pa kaming dapat sunduin. Ano na? Kelan ka pa ba tatawid? Gusto mo ba ihatid pa kita dun sa kabila?"

Pinikit ko ang mga mata ko at papasok na sana ng may biglang sumigaw.

"Sir sandali lang."

"Oh? Ano ba! Kita mong may trabaho ako diba?"

"Sir importanteng importante."

"Ano ba kasi yun?"

"Hindi po pwedeng tumawid sa kabilang buhay si Miss Dela Cruz."

"Ano? Bakit?"

Ano? Anong sabi niya?

"May natanggap akog mensahe galing kay senior sabi gumising daw ho yung katawan ni Miss Dela Cruz"

"Ha? Ibig bang sabihin nun. Nabuhay ulit siya?"

What in the world is happening? 😮

"Comatose siya sa ngayon at parang gusto pang mabuhay ng katawan niya."

"Hoy Miss Dela Cruz! Akala ko ba gusto mo ng mamatay ha? Alam mo ikaw pinapahirapan mo kami sa trabaho namin e. Ngayon kami pa oobligahin mo."

Anong pinagsasasabi nito? Bakit ko naman sila maoobliga kung mabubuhay na nga ulit ako?

"E kasi Miss Dela Cruz habang natutulog pa ang katawan mo. Magliliwaliw muna sa mundo yang kaluluwa mo. At dahil kami ang naatasang sumundo sayo. Kami muna ang sasama sayo hanggat hindi pa napagdedesisyonan kung ibabalik ka ba sa mundong to o papasok ka na ng tuluyan sa pintuan na yan."

Pano niya nalaman ang iniisip ko?

"Nababasa namin ang nasa isipan mo kaya wag kang magkakamali. Tara na nga.!"

Keira: "Teka! Asan tayo pupunta?"

"Sumunod ka nalang!"

Sumunod na nga lang ako sa kanilang dalawa. Aba wala akong choice hindi ko din naman alam kung anong dapat kong gawin e.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay. Sobrang ganda niya pero mukhang luma na.
Kaya nga lang walang pintuan?

"Pumasok ka na, sa ngayon dito ka muna titira sa bahay namin. Wala kang ibang gagalawin kundi ang mga gamit lang na nakalaan para sayo."

Teka! Dito ako titira kasama ang mga gwapong to? Ayy! Jackpot ka ira. 😂

"Sabi ng nababasa ko yang iniisip mo e. Pervert! Pumasok ka na nga!"

Keira: "teka! Saan ako dadaan? Wala namang pintuan e"

"Baliw ka ba? Diba ngat kaluluwa ka lang. Kelangan mo pa ba ng pintuan para makapasok jan?"

"Ay. Sige master. Eto na. Papasok na nga."

Yun nga at pumasok na ako at naupo nalang sa isang malaking sofa.
Napagisip isp ko. Kung bakit ba nagising pa yung katawan ko.
Dahil ba nakaramdam ako ng takot kanina o sadyang di ko pa talaga oras?
Either way okay naman ako dito. Gwapo ng mga kasama ko e. 😂

Grim Reaper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon