The unexpected

7 0 0
                                    

Keira: "Good morning Dino, Good morning master. 😁"

Hindi ko alam pero parang na relax din ang katawan ko nung natulog ako.
Ganun pala yun nuh? Kahit yung kaluluwa mo nakakaramdam din pala ng pagod.
Hay. Ano na kaya ang nagyayari sa katawan ko.
Pwede ko bang dalawin yung katawan ko sa ospital?

"Hindi. Hanggat maaari, hindi ka pwedeng lumapit sa katawan mo. Maliban sa hindi pag bura ng mga alaala mo, at ang hindi paglapit sa katawan mo ang isa sa pinakamabigat na parusa sayo."

Keira: "Master pwede ba wag kang basta basta nalang sasabat. Kaya nga iniisip ko lang kasi ayukong marinig ng iba e."

Tumaas yung kilay niya at umupo sa sofa.

"Kasalanan ko bang nababasa ko ang iniisip mo?"

Keira: "psh. Pero master, pano naging mabigat na parusa ang hindi pagbura sa mga alaala ko?"

"Para kahit kaluluwa ka na ramdam mo parin yung sakit na nararamdaman ng katawan mo. At maalala mo ang lahat ng sakit na idinulot sayo ng mga tao nung nabubuhay ka pa."

Keira: "hmmm. Siya nga pala, ngayong andito ako. Anong gagawin ko? Magliliwaliw lang ako? Wala ba akong gagawin para makabalik sa katawan ko?"

"Wala, pero kung may gusto kang gawin. Pwede."

Keira: "talaga? Pano?"

"Pwedeng kang maglinis, magluto, at maglaba."

Keira: "ano? Gagawin mo kong katulong? No! Hindi pwede."

"Ofcourse aayaw ka. Ang isang sikat na popstar maglalaba, maglilinis at magluluto para sa isang Grim Reaper? No you wont."

Buti alam mo!

Dino: "Pero pwedeng ikaw na pumalit sakin."

Keira: "Ha? Bakit naman Dino?"

Dino: "Kasi aalis nako. Oras ko na e."

"Ano? Wala akong natanggap na mensahe para sunduin ka. Anong sinasabi mo Dino? Hindi ba dapat magiging ganap ka ng Grim Reaper kapag pumanaw ka na?"

Dino: "kasi Sir mas malaki na ang kasalanan ko ngayon kaya mas mabigat na parusa ang ibigay sakin ni Senior. Hindi ko alam kung ano pero nakahanda ako."

"Naiintindihan ko. Ihahanda ko na ang mga gamit mo."

Dino: "salamat sir."

---
Nagpunta kaming tatlo dun sa lugar kung saan tatawid ang mga kaluluwa sa kabilang buhay.
Dala dala ni Master ang mga gamit ni Dino, mga listahan ng mga kalukuwa na nasundo niya at ang Glass Jar yung may Rose sa loob.
Sabi nila yun daw ang magsasabi kung ano ang magiging kapalaran ng kaluluwa mo.
Kapag natanggalan ng petals ibig sabihin nadagdagan ang kasalan mo.
Kapag naman unti unti siyang nalalanta ibig sabihin nun hindi ka na pwedeng bumalik sa pagiging tao.

Dino: "Sir, pwede ko bang makausap saglit si number 7?"

"Sige Dino, sa labas nalang ako maghihintay."

At yun nga lumabas si Master dala-dala ang glass jar ni Dino.

Keira: "bakit Dino? May sasabihin ka ba?"

Dino: "may ipagbibilin lang ako sayo."

Keira: "sige, ano yun?"

Dino: "yung sinabi ko kagabi. Yung tungkol sa Missing souls.
Si number 2 matagal na namin siyang hinahanap, siya ang unang naging misyon namin nung naging Tagasundo kami. Pero hanggang ngayon hindi parin namin siya nakikita. Maski itsura niya o pangalan niya hindi namin alam."

Grim Reaper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon