Number 7

7 0 0
                                    

Tatlong oras narin ako naghihintay sa kanila. Naidlip narin ako saglit.
Asan na ba yung mga yun?
Sobrang dami ba talaga ng namamatay kada araw?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin nalang sa paligid.
Lahat ng mga gamit sobrang luma na, tho malinis naman siya. At hindi rin nakakatakot tingnan.
Umakyat ako sa Second floor para tingnan yung mga kwarto.
Napansin kong bukas yung pintuan ng kwartong nasa kanan ko kaya pumasok ako.

Una kong napansin yung pulang rosas na umiilaw sa loob ng isang glass jar na may tubig.
Sobrang pula, kakulay siya ng dugo ng tao.

Ano kaya to.

"Walang kang ibang gagalawin kundi ang mga gamit lang na nakalaan para sayo."

Ira! Naku! Yan ka na naman sa kalikutan ng kamay mo e.

Pero hahawakan ko lang naman.
Nilapit ko yung kamay ko. Nanginginig sa sobrang kaba.

Hinawakan ko yung Jar, nagulat ako ng biglang naging yelo yung tubig sa loob.
Hala anong ginawa mo Ira.

"Sabi ng hindi mo pwedeng galawin ang mga gamit na hindi sayo e!"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Siya yung Grim Reaper na masungit

"Masungit ba kamo? Miss alam mo ba na may trabaho akong ginagawa ha? May sinusundo ako. At dahil sa kalikutan ng kamay mo, napunta ako dito sa kalagitnaan ng trabaho!"

Napapikit nalang habang pinapagalitan niya. Sus! Nakakatakot pala to.

"Sabi ng alam ko yung iniisip mo e!"

Keira: "Teka, bat napunta ka dito nung hinawakan ko yung Jar?"

"It's how u summon me number 7 missing soul. Which you shouldn't have done kasi nga may trabaho pa ako!"

Keira: " Okay, okay! Sorry na. Sorry."

Lumapit siya dun sa Jar at hinawakan yun. Tas yung Jar nagbalik na ulit sa dati. Naging tubig na ulit yung nasa loob.
Kaya lang may natanggal na petal.

"What is happening? Hoy number 7 anong ginawa mo? Bakit natanggal yung isang petal?"

Keira: "wala akong ginawa. Hinawakan ko lang naman yan."

Sasagot na sana siya ng biglang may nag ring.
Cellphone? Cellphone niya? May cellphone pala sila?
Astig!

"Pwede ba! Pagpahingahin mo yang utak mo number 7! Kanina ka pa e!"

Ay. Oo nga nababasa pala niya yung iniisip ko.

Hinugot niya sa bulsa niya yung cellphone at sinagot yung tawag.

"Yes Senior?"

Tinitingnan ko lang siya, at hindi na halos maipinta yung mukha niya.
Galit na galit siya na ewan.
Naku! Patay ka na naman ngayon Ira. 😭

Nung natapos na siya sa tawag niya, tumayo ako ng matuwid at pinikit yung mga mata ko.

Handa nakong mapagalitan.

"Dapat lang. Kasi alam mo bang nadadagan ang kasalanan ko ng dahil lang sa kasalanan mo? Ha? Imbes na 9 na buwan nalang ang hihintayin ko para matapos na yung trabaho. Ngayon may tatlong buwan na penalty na naman ako!!!! You know what? U r the most reckless, careless stupidest Missing Soul I have ever handled in my entire existence!"

Keira: " hindi ka na naman nag eexist e. Patay ka na diba?"

"Hindi! Sumasagot ka pa talaga ah!"

Grim Reaper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon