Bunoy(Sean)

4 0 0
                                    

Sasagot na sana ako ng biglang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
Nakaramdam ako ng kakaiba, yung parang nagliliyab yung puso ko. Tapos nanlalamig yung batok ko. At kahit napapikit ako. Ramdam ko na umilaw yung number sa batok ko.

Keira: "hmmm."

"Wag kang gagalaw."

Very superior yung boses niya kaya hindi nalang ako umangal.
Natatakot kasi ako e.

Tumagal din ng halos isang minuto yung halik na yun.
Hindi ko alam kung matatawag ba siyang halik? Kasi nakalapat lang talaga yung labi niya sa labi ko.
Hindi gumagalaw.
Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang hiya at galit.

"Ang likot talaga ng utak mo."

Keira: "Ang galing mo rin e nuh? Yan lang talaga yung sasabihin mo pagkatapos mo kong nakawan ng halik? Seryoso ka ba?"

"Bakit? Ano ba gusto mong sabihin ko 7. Gusto mo tanungin kita kung masarap ba?"

Heol!
Grabe tong taong to! Wala siyang puso! Walang hiya!

"Kelan ka ba matuto? Wag mo kong tino talk shit sa utak mo."

Keira: "bakit mo ba kasi ginawa yun? Andito ba si 2?"

Napapikit siya na para bang sumakit yung ulo niya.

Keira: "Master. Okay ka lang?"

"Oo. Okay lang ako. At oo andito si 2. Naramdaman ko siya. Ginawa ko yun para hindi niya maramdaman ang presensya mo. Sa pamamagitan ng halik na yun."

Keira: "So, dapat ba kong magpasalamat sayo?"

"Hindi na kelangan. Umuwi na tayo bago pa siya bumalik."

--
Sa takot ko nauna pakong maglakad sa kanya pauwi ng bahay.
Hindi pa natakot ng ganto sa tanang buhay ko.
Oo at nakatanggap ako ng death threats noon. Pero iba to e.

Nanginginig nalang lage yung tuhod ko pag naririnig ko yung number 2 na yan.

"Kelan mo balak maghanap ng trabaho.?"

Keira: "e master bigyan mo nalang kasi ako ng trabaho. Please?"

"Ayuko."

Keira: "E bakit nga?"

"Ayuko nga lagi kang nakikita. Nakakaumay."

Keira: "grabe ka talaga! Ang sama sama mo!"

--
Keira: " Thank you sa pagsama sakin maghanap ng trabaho Master ah. The best ka talaga"

"Psh. Kahapon lang kung laitin moko parang katapusan na ng mundo."

Keira: "eeh. Joke lang naman yung master e."

Nakahanap agad ako ng trabaho sa isang fast food chain. Buti nalang at gwapo yung kasama ko. At malandi tong amo ko.
Nginitian lang siya ni Master binigyan agad ako ng trabaho.
Higad. 😂

Natigil ako sa panlalait ko ng pinitik ni Master yung noo ko.

"Ang sama mo."

Keira: " hehe. Nagsasabi lang po ng totoo."

"Ito."

May binigay sakin si Master. Isa siyang kwentas na may gem. I think it's Rhodonite.

Grim Reaper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon