The Parallel Relationship

15 0 0
                                    

Prologue

Naranasan mo na ba ang magmahal? Kung oo, tiyak na maiintindihan mo ang nararamdaman ko. Hindi naman masama ang magmahal, hindi ba? Hindi naman naimbento ang pag ibig para magdulot ng hinanakit at sama ng loob. Natural lang na masaktan ka sa pag ibig. Sabi nga nila, LOVE is experiencing both pain and pleasure. Pero papaanu kung sa maling pagkakataon mo pa nahanap ang pagmamahal? Papaano kung sa maling tao mo pa naramdaman ang pag ibig na kinasasabikan mo nang maranasan? Ipagpapatuloy mo pa ba ito? Ipaglalaban mo pa kaya ito kung sa simula't simula pa lang, alam mo ng wala ka namang dapat ipaglaban? Hahayaan mo na lang ba na mawala sayo ang taong minsa'y naiparamdam sayo kung paano magmahal?

Start…

Chapter 1

Haay.. February na nga pala. Five months na lang at mag dadalawang taon na rin pala mula nang mangyari ang pinakamalagim na part ng buhay ko. Akalain mong halos 5 days akong tulog dahil sa isang car accident na kinasangkutan ko at ni Therese. Himala nga na nabuhay pa ako. Dapat ako na lang ang namatay hindi si Therese. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami naaksidente. Napakawalang kwenta ko. Hinayaan ko lang na mawala siya sakin, ang pinakaimportanteng babae para sa akin. Sana lang ay napatawad nya na ako. Pati na rin nag family ni Therese. Matapos kasi nang nangyaring aksidente ay hindi na ako pinalapit pa ng mga magulang ni Therese sa pamilya nila. Kaya tuloy maging nung burol ay hindi ako nakadalo. Hindi ko na rin sila nakita pa mula nun. Sana lang ay napatawad na nila ako, ni Therese. Sana lang ay hindi sya umiiyak kung nasaan man sya ngayon.. Ayoko pa namang makakita ng babaeng umiiyak. Haaay... Naalala ko tuloy si Cass..

 "Hoy!"

"Bwitre! Ano ba naman yan tol nang gugulalat ka naman."

 "Ano baks? Tulaley ka na naman? Anu ba kasi yang inisip mo, ha? O baka nagkakamali ako. SINO dapat ang tanong ko. Dont tell me si Cassandra, your sweetie pie, honeybunch, love of your life na naman yang iniisip mo?"

"Siya nga."

"Haay naku Gab ! Ewan ko sayo! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wala kang pag- asa kay Cassandra. Pustahan tayo, ni kahit ngiti hindi sayo nun ibibigay. Ipusta ko pa yung pinakamamahal kong bike."

"Huwag na tol.. Hindi naman ako marunong magbike, remember."

 "Ay, oo nga pala.. Teka nga muna nalimutan mo na rin ba na ayaw kong tinatawag akong TOL.. Anu ba naman Gab sabi ng hindi ako katulad mo. "

 "Pasensya na Marie."

Iyan ang bestfriend kong si Marie Barrameda. Bata pa lang ay magkaibigan na kami. Business partners kasi ang mga magulang namin kaya naman naging malapit na rin kami ni Marie sa isat isa, magkapatid na nga ang turingan namin dahil na rin sa pareho kaming ONLY DAUGHTER. Tama! Babae po ako. Akala niyo lalaki noh? Nagkakamali kayo, Babes ata to. So, to formally introduce myself, Im Chynna Gabrielle Santillan, 24 years old. Girl but boy in heart.. So, siguro alam niyo na rin kung ano talaga ako. Ako po'y isang lesbian.

Teka nga, back to reality muna. Ayon nga, may gusto akong babae. Ngunit nahihiya naman akong magpakilala sa kanya noon. Cassandra ang pangalan nya, nakita ko yun sa ID na suot nya. Nakilala ko siya nang ako'y pumunta ng rest room sa isang restaurant. Akalain mo yun sa restroom ko pa talaga sya nakilala. Umiiyak sya ng mga sandaling iyon sa hindi ko alam na dahilan. Gusto ko sana syang icomfort kaso naduwag ako. Natakot ako na baka itaboy nya lang ako dahil nga sa lesbian ako. Pinanghinaan ako ng loob. Kaya naman pinangako ko sa sarili ko na sa susunod na pagkikita namin ay kakausapin ko na sya at magpapakilala na ako. Ngunit tila yata mailap ang tadhana para sa aming dalawa. Dalawang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin kami muling nagkikita. Halos araw araw na nga akong pumupunta sa restaurant kung saan una ko syang nakita ngunit kahit anino nya ay hindi ko maaninag. Nalungkot ako nang sobra noon. Inakala ko pa naman na magkakaroon na ako ng bagong kaibigan maliban sa aking bestfriend na si Marie ngunit umasa lang ako.

"Hoy! Babae, kinakausap kita!"

 "Ano ba naman Marie, nakita mo nang may iniisip ako dito distorbo ka naman."

 "Haay naku Cyn--"

 "Gab sabi.."

 " Eh di Gab. Basta ang sinasabi ko sayo, mag ingat ka lang. Hindi mo pa naman lubusang kilala iyang si Cassandra. Ayaw ko lang naman na masaktan ka na naman. Ayoko kong maulit yung nangyari kay There--"

"Tama na Marie, ayoko na munang pag usapan ang bagay na yan."

 "Sorry."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na si Therese. Masakit pa rin. Kung hindi ko lang sana ginawa ang bagay na iyon hindi mawawala sakin si Therese, hindi mawawala ang mahal ko. Napakatanga ko. Bakit ko hinayaang kainin ako ng selos ko! Kung hindi ako nagpadala sa galit buhay pa sana ngayon si Therese. Hindi sana ako nagkaganito. Pati tuloy pamilya ni Therese kinamumuhian na rin ako ngayon. Ang gago ko talaga.

 --End of Chapter 1

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon