Chapter 2

7 0 0
                                    

Chapter 2

Nagtatrabaho na nga pala ako sa company namin. Nagtapos naman ako ng business course kaya may alam naman ako sa pasikot sikot sa kompanya. At heto na nga papasok na naman ako sa trabaho. Sa totoo lang, ayaw ko talaga ng trabaho ko. Noon pa man, pinanagarap ko na ang maging sikat na broadcaster. Kaso wala naman akong magagawa kaya sinunod ko na lang ang gusto ni daddy. Kahit papano nasurvive ko naman ang Business Management na course ko. Tama na nga nang pagmomonologue, malelate na pala ako.

"Manong diretso na po tayo."

 "Ok po maam."

 Mula ng maaksidente ako, hindi na pumayag si Daddy na ako ang magdrive. Sayang nga eh, astig pa naman tong kotse na bigay sakin nila mommy.

"Sa wakas nakarating din. Salamat Manong Ernie."

"Wala yun maam Chynna. Ingat po kayo."

 "Sus, Gab na lang Manong Ernie, nakakailang naman po ang Chynna. Sige po, ingat din kayo."

Pinaandar na ni manong ang makina ng kotse at saka umalis. Kalbaryo na naman ang aabutin ko sa opisina. Kahit naman kami ang may ari nitong kompanya ay hindi rin naman ako nagsimula agad sa mataas na posisyon. Kaya naman ako'y empleyado rin sa sarili naming kompanya. Ayos lang sana ang kaso ang magtrabaho ka under ng isang suplado at tahimik na boss, hindi ko kaya. Mababaliw talaga ako nito.

"Good morning sir Patrick."

 "Hmm.."

Ay bastos talaga to. 'Hmm' lang ang sinagot sakin. Yan si sir Patrick Lee. Ang boring siguro ng buhay nito pati na rin ang lovelife. Teka nga, may lovelife nga ba si sir? Bilib naman ako sa girlfriend nya, napagtyatyagaan ang kasupladuhan nya pero yun ay kung meron nga syang girlfriend. Sayang naman ang gandang lalaki nya kung wala syang gf. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang naman si sir. Ay ano ba yan, lesbian ba talaga ako o babae? Tama na nga muna nyan at magsisimula na ako sa aking trabaho.. Baka ano pang masabi ng boss ko sakin.

"Chynna!!"

"Yes sir?"

Dito sa office, si sir Patrick lang ang tumatawag sakin ng Chynna. Yung mga office mates ko lahat sila Gab ang tawag sakin..

"Ipagtimpla mo nga ako ng coffee.. Black"

 "Ano ba yan, nagtatrabaho ako bilang assistant account executive hindi bilang taga timpla ng kape.."

 "May sinasabi ka Ms. Santillan?"

 "Wala po sir."

"Good."

Nakakairita hindi ba? Ginawa pa akong utusan sa aming kompanya. Kung bakit naman kasi hindi pa ako binigyan ni daddy ng mataas na posisyon, hindi sana ako nahihirapan ngayon. Nakakainis. Papasok na sana ako ng office nang marinig ko na may kausap si Sir Patrick sa telepono. Mukhang galit pa nga ata.

"Ano ba naman Cj. Hwag mo namang gawin sakin to. I thought you undetstand me.!"

 "-------"

"Busy lang talaga ako ngayong week. Please, dont---"

(tooot.tooot.tooot..)

 "Arrrgghhh!!! Bwisit! Chynna!"

 "Yes sir?"

 "Yung kape ko?"

 "Ito na po."

"Kanina ka pa dyan?"

 "Ahh..Eh.. Hindi po, kakarating ko lang po"

 "Ok."

"-----"

"Oh ano pang hinihintay mo? Labas na."

"O-opo"

Ano ba yan, nakakatakot naman si sir magalit. Sino kaya yung kausap nya? Kawawa naman si sir.

--End of Chapter 2

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon