Chapter 3 and 4

4 0 0
                                    

Chapter 3

 At ngayon papasok na ulit ako sa opisina. Wala namang nangyaring kakaiba kahapon maliban sa nagalit si sir Patrick. Sana lang ay hindi na galit ngayon si sir. "Goodmorning Chynna."

"Go-good morning sir Patrick."

 "Oh bakit parang nakakita ka nang multo?"

"Ah, wala..Wala po."

"Ok...Sabay na tayo sa elevator."

 "Ahh. Ok po."

Ano ba yan, nakakailang naman. Ang tahimik pa. Bakit parang ang tagal naman makaabot sa 5th floor. Antagal..

 "Ok ka lang ba Ms. Chynna?"

 "Hindi po. I mean opo, ok lang ako."

 "Namumula ka ata. Ok ka lang ba talaga. Baka naiinitan ka."

"Hindi po."

"Sigurado ka? Bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Di ka ba naiinitan nyan? Patong patong na nga tapos longsleeve pa. Pwede ka namang mag skirt di-"

 "NO WAY!!"

"Relax, nagsasuggest lang naman. Bakit ba kasi naging lesbian ka pa? Ang ganda mo pa naman."

Biglang bumukas ang elevator..

"Mauna ka na Chynna sa office. May ibibigay lang ako sa daddy mo."

Bago pa man ako makasagot ay tinalikuran nya na ako.

 "Si sir ba talaga yun?"

Naglakad na ako papuntang office nang may tumawag sakin.

 "Gab!"

 "Oh ano yun Rhea?"

 "May babae sa office ni sir Patrick, hinahanap nga si sir eh. Nakita mo na ba si sir?"

 "Pumunta lang sya kay daddy. May ibibigay daw."

 "Ganun ba? Ikaw na lang bahala doon sa bisita ni sir Patrick."

"Ahh. Sige."

Naglakad na ako papunta ng office. Pagbukas ko ng pinto isang pamilyar na bulto ang aking nakita.

Chapter 4

 "Therese?"

 "Excuse me?"

"Ahh. Wala po. Si sir Patrick po may pinuntahan pa. Madali lang po yun. May kailangan po ba kayo? Juice? Coffee?"

"Water na lang."

 "Ok po."

Nagkamali ako. Akala ko si Therese. Tanga lang, paano naman mangyayari iyon eh wala na nga sya. Pero teka nga muna parang pamilyar talaga sakin ang babaeng iyon. Parang nakita ko na sya.

"Saan ko nga ba sya nakita.. Sandali lang. Hindi ko talaga maalala."

 "Hoy! Nagmomonologue ka na naman diyan."

 "Ay butiki! Sir Patrick ikaw pala yan. Ano pong ginagawa nyo rito?"

 "Magtitimpla ng kape ko."

 "Ganun po ba? May naghahanap po kasi sainyo na babae."

"Huh? Sino raw sya? Asan na?" "Di ko po kilala. Nasa office nyo na po sya---."

--End of Chapter 3 & 4

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon