Chapter 8 and 9

4 0 0
                                    

Chapter 8

Nakabalik na pala si Sir Patrick from his business meeting in Singapore. Hindi na naman kami magsasama ni Cassandra. Minsan tuloy naiisip ko sana pala lagi na lang nasa business meeting si Sir Patrick para ako ang nakakasama ni Cassandra. Dahil sa kanya muli kong naramdaman ang pagmamahal ng isang kaibigan, ng isang babaeng aking minamahal. Pero one sided love lang naman ito. Ako lang naman ang may pagtingin sa kanya, sya wala. Kaibigan lang naman ang tingin nya sakin. Wala akong panama kay sir Patrick, sa halos 2 years nilang relationship. Hanggang kaibigan na lang talaga ang role ko sa buhay ni Cassandra.

"Good morning Chynna."

"Good morning Sir Patrick."

Maaliwalas ata ang panahon. Good mood si Sir.

 "By the way, invited ka pala sa kasal namin ni Cassandra. Be there, okay"

 "Ka--kasal?! I mean, kailan? "

“July 24."

"July 24?!"

"Yeah. Bakit? Hindi ka pwede? Dont tell me tatanggihan mo ako."

 "Hindi naman. Sige, I'll be there."

 Talaga bang mapaglaro ang tadhana? Si Cassandra ikakasal na? Pano na ako? Lalong hindi na ako makakalapit pa sa kanya. At talagang July 24 pa, ang araw kung saan nawala ang babaeng pinakamamahal ko. At ngayon, sa mismong araw ding iyon, isang babae na naman ang mawawala saakin.

 "Marie.. Huhuhu.."

 "Haaay, bessy. Wala ka namang magagawa. Natural lang na ikasal si Cassandra kay Patrick. Alangan namang ikasal sya sayo. Baks, hindi pa pinatutupad ang same sex marriage dito sa Pilipinas."

"Salamat talaga Marie. Nakatulong ka ng marami na. Salamat talaga."

 "Welcome bessy.."

"Marie naman eh.."

 "Alam mo, kesa magmukmok ka dyan, umattend ka na lang ng kasal nila. Be happy na lang for them, for Cassandra."

 "Haaay... Sige na nga. Basta samahan mo ako ha. Ayoko namang mag isa dun. Nagdadalamhati na ako dun, mag isa pa. Hanep! Double pain yun."

"Oo naman friend. Maasahan mo ako. Okay na ha? Wag ka nang magmukmok dyan."

 "Okay."

Chapter 9

Kahit masakit, pinilit kong intindihin. Kahit masakit, pinilit kong tanggapin. Kahit masakit, pinilit kong maging masaya para kay Cassandra. Tama naman si Marie, wala na rin naman akong magagawa pa. Kung nabubuhay lang sana si Therese hindi sana ako nagkakaganito ngayon. Napakatanga ko talaga. Hinayaan ko lang na mawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko. Napakawalanghiya ko. Tama lang na pagdaanan ko ito ngayon. Hindi naman ako marunong magpahalaga sa taong nagbibigay importansya sakin.

"Gab, thank you sa lahat. Thanks for being with me pagwala si Patrick."

 "Wala yun. Congratulations pala."

"Thanks."

"Sige, baba ka na. Hinihintay ka na ni Sir Patrick sa loob."

 "Sige, salamat."

Napakaganda talaga ni Cassandra. Ngayon na pala ang araw ng kasal niya. Hindi ko ata kaya na makita syang ikinakasal kay Sir Patrick. Pero kailangan kong pumasok. Kailangan kong umattend ng kasal. Masakit man ay pumasok na ako ng simbahan. Nagsisimula na ang seremonya nang pumasok ako. Wala nga akong naiintindihan sa sinasabi ng pari. Tulala lang ako buong seremonya. Mabuti na lang at nariyan si Marie para alalayan ako. Hindi naman talaga ako nakikinig sa pari pero parang nagpantig ang aking mga tainga nang marinig ko ang sinabi ng pari.

 " You may now kiss the bride."

Hindi ko na kinaya. Lumabas na ako ng simbahan at pinaharurot ang sasakyan. Wala naman si Manong Ernie kaya naitakas ko ang kotse. Sobra akong nalungkot. Bakit ganun na lamang ang aking kapalaran sa pag ibig? Sadya nga bang malas ako pagdating sa pag ibig o talagang itinadhana na sakin ang hindi pagkakaroon ng tunay na pag ibig? Wala ako sa aking sarili habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Arrrgghhhh!!!! Bakit ba nangyayari sakin ang lahat ng ito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito? Diyos ko! Ano bang nagawa kong pagkakamali? Bakit Niyo to ginagawa sakin? Bakit?!"

(Beeeep!!! Beeeeep!!!)

"Hoy! Itabi mo nga yang sasakyan mo! Hwag kang magpark sa gitna ng kalsada."

 Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Masama ang loob ko ngayon.

 "Una si Therese ngayon naman si Cassandra. Ganun na lang ba ako kawalang kwentang tao para pahirapan ng ganito? Kung wala na rin lang namang saysay ang buhay ko mabuti pang tapusin ko na ito."

Wala sa sariling pinaharurut ko ang kotseng minamaneho ko. Kung ano man ang mangyari sakin wala na akong pakialam. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang masama ang loob ko, alam ko lang na ikinasal na si Cassandra, na ngayon namatay si Therese. Nanlalabo na ang mata ko. Hindi ko na maaninag ang dinaraanan ko dahil sa luha ko. Naririnig ko na lamang ang busina ng mga sasakyang nadaraanan ko. Ang sigaw ng mga driver na nagmumura na dahil sa bilis kong magmaneho at pag oover take.

 "Wala kang pakialam. Mag overtake ka rin kung gusto mo!!"

 "Tingnan mo Miiiiissssss--!!!!!"

 Boooggssssshhh......

Eeeeeekkkkkk......

--End of Chapter 8 & 9

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon