Chapter 7

7 0 0
                                    

Chapter 7

Nagpatuloy ang mga araw nang di ko namamalayan. June na pala. Halos apat na buwan na rin pala mula nung formal meeting namin ni Cassandra. Mula nang araw ding yun, madalas na kaming magkita. Sakin na rin kasi binilin ni Sir Patrick si Cassandra sa tuwing may out of the country-appointments sya. Mukha ngang pinag-iigihang mabuti ni Sir Patrick sa trabaho nya para di na tangkain pang makipagbreak ni Cassandra sa kanya. Nagkakaroon na rin sya ng time kay Cass. Bihira na lang sila mag away, kung meron man, tampohan lang naman. Hiling ko na magtuloy tuloy na ang pag ayos ng kanilang relasyon. Aaminin ko masakit. Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin. Nahuli na ako. Wala na akong magagawa. Sana lang ay maging masaya sya sa piling ni Patrick. At saka hindi na ako aasa pa. Malamang ay hanggang kaibigan lang naman ang tingin sakin ni Cassandra, hindi na yun sosobra pa dun. Kahit na sinabi sakin ni Cassandra na malapit sya sa mga tulad ko na lesbian, iba pa rin ang treatment na ipinapakita nya sakin. Kahit na pinapakitaan nya ako ng pagmamahal na hinahanap hanap ko, hindi na ako umaasa pa na ang pagkalinga at pagmamahal na ipinadarama nya ay pagmamahal ng isang babae sa kanyang kasintahan. Naalala ko tuloy nung nagkasakit ako. Alagang alaga ako nun ni Cassandra. Pumunta pa talaga sya sa bahay para alagaan ako. Nag away pa nga sila nun ni Sir Patrick nun. Dapat ay magdidinner date sila nang gabing yun ngunit hindi natuloy dahil tinanggihan sya ni Cassandra.

"Sorry Patrick. Pwedeng ipagpaliban muna natin ang date na yan. Makapaghihintay naman yan diba? Ang kalagayan dito ni Gab hindi ito pwedeng ipagpaliban lalo na't walang magbabantay sa kanya dito sa bahay. Sorry."

Tuwang tuwa ako dahil lubos ang pagmamalasakit sakin ni Cassandra. Akalain mong kinansel nya ang date nya with sir Patrick para alagaan ako. Tuwang tuwa ako nang mga sandaling iyon. Hindi ko inakalang magagawa yun ni Cassandra.

 "Cass baka magalit si Sir Patrick nyan. Puntahan mo na lang sya. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko. "Hindi. Dito lang ako. Aalagaan kita saka hindi naman to magagalit. Mauunawaan nya naman ako. Di ba Patrick?"

 "------"

"Yes. Tomorrow na lang tayo magdate. Hindi ka galit diba? Saka kailangan kong alagaan si Gab. Sige ka, wala ng magbabantay sakin pag nasa abroad ka. Sige. Bye. I love you hon."

Napawi ang aking saya nang marinig ko yun. Inakala ko kasi na kaya nya ako inaalagaan ay dahil talagang nag aalala sya sakin. Pero iba naman pala ang reason nya kung bakit nya ako inalagaan, para may magbantay sa kanya pag wala si sir Patrick. Pero tanggap ko naman yun. Alam ko naman na pagmamahal ng isang kaibigan ang ipinadarama nya sakin. Tanging si Therese lang naman ata ang magkakainteres sakin. Ang gugustuhing maging kasintahan ang isang tulad ko.

"Gab may problema ka ba?"

 "Ahh, wala wala."

 "Sigurado ka? Kanina ka pa kasi walang imik dyan."

 "Naisip ko lang kasi yung girlfriend ko, si Therese."

"(cough) Ahheem.. Sorry. Anyways, asan na ba sya?"

 "Wala na sya. Namatay sya sa isang car accident at kasalanan ko yun."

"Im sorry."

 "Okay lang. Naalala ko lang kasi sya sayo. Sa restaurant ding ito kasi kami kumakain. Favorite place din nya yang kinauupuan mo ngayon. 2 years na pala mula nang mamatay sya. Hmm.."

 "Sorry talaga Gab."

 Iba ang dating sakin ng sorry nya. Para bang may ibang meaning. Hindi ko na lang pinansin. Matapos naming kumain ay nagyaya na agad si Cassandra na umuwi. Nakakapanibago nga. Hindi naman sya ganun. Magyaya pa yan na magshopping o manood ng sine pero ngayon ay nag iba ata ang ihip ng hangin. Natakot ata nang sinabihan kong naaalala ko sa kanya si Therese. Pero kakaiba talaga sya. Hindi ko na lang sya tinanong pa at nagpahatid na lang kami kay Manong Ernie since hindi naman dala ni Cass yung car nya.

--End of Chapter 7

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon