Chapter 10.. Epilogue(?)

6 0 0
                                    

Chapter 10

"Huhuhuhuhu!!!!! Bakit mo kami iniwan?! Ang daya daya mo naman!!"--babae

"Anaaaakkk!! Huhuhu"--lalaki

"Tito tama na yan."--dalaga

Nag iiyakang tao ang nakikita ko. Lubha silang nangungulila. Lubos silang nalulungkot. Pighati ang nangingibabaw sa kanilang lahat.

"Patawad sa ginawa ko."

 "Bakit ka naman humihingi ng sorry?"

"Cassandra, ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?"

"Sinundan ka."

 "Bakit naman?"

 "Wala lang. Bakit ka nga humihingi ng sorry sa kanila?"

"Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit namatay yung binatang yun."

"Hindi mo naman kasalan. Hindi ba't sya yung may kasalanan. Sya ang nag overtake sayo kaya sya nabangga. Hindi mo yun kasalanan."

 "Pero---"

 "Hindi mo kasalanan, okay? Halika na nga. Pumupunta ka ng sementeryo nang mag isa mamaya nyan mapagtripan ka pa ng mga lasenggo dyan."

 "Sorry naman. Hinding-hindi nila ako magagalaw. Maton kaya to."

 "Sus!"

Pumunta ako ng sementeryo para silipin ang libing ng lalaking namatay nang araw na nagmukmuk ako at muntik nang magpakamatay. Akala ko nga matutuluyan na ako nun. Akala ko makakasama ko na nun si Therese. Pasalamat na lang ako sa Diyos at binigyan nya pa ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Nung araw na iyon ninais ko na talagang tapusin ang buhay ko. Akala ko nga ako yung mabubunggo ng bus mabuti na lang at nakapagpreno ako.

"Natahimik ka dyan."

"Wala naman. Iniisip ko lang kasi, papaano kaya kung ako yung naaksidente, ako yung namatay. Magkakasama na kaya kami ni Therese?"

Eeeekkk....

"Oh, anong nangyari Cassandra? Okay ka lang ba?"

 "Oo, okay lang ako. Bakit ba kasi gusto mo ng mamatay?"

"So--sorry.."

 "Hwag mo ng mabababanggit yan, okay?"

 "Okay, sorry."

 Minsan kailangan lang talaga nating tanggapin na may mga mga bagay na hindi naman talaga para sa atin. Kailangan matuto tayong tanggapin kung ano ang meron tayo at kung ano wala tayo. Gayundin, kailangan din nating matutuhan kung pano igive up ang isang bagay na talaga namang hindi para sa atin. Malay mo mayroon pang mga bagay na mas deserving mapasayo kaysa sa bagay na kailangan mo na talagang igive up. Ganyan na man talaga ang buhay dito sa mundo. Hindi lahat ng meron ang iba kailangang meron ka rin. Atleast naman naransan ko ang magmahal at mahalin sa piling ni Therese. Yung feelings ko naman kay Cassandra, makakalimutan ko na lang yun. Kung baga sa Mathematics, ang tadhana namin ay maituturing na PARALLEL. Kahit na nga naging magkaibigan kami, hanggang dun na lang yun. Hinding-hindi na kami mag-IINTERSECT pa. Hindi na magiging mutual ang feelings naming dalawa.

Nagpatuloy ang buhay ko. Balik na naman ako sa trabaho. Hindi na talaga ako tuluyan pang pinagmaneho ni daddy. Pangatlong pagkakataon ko na raw ito para mabuhay kaya hindi nya na hahayaan pang masayang ito. Dalawang buwan na rin mula nang ikasal si Cassandra kay Sir Patrick. Dalawang buwan na rin mula nang mangyari ang muntikan kong pagkamatay.

 "Good morning Maam Chynna."

 "Good moning Rhea."

Napromote na pala ako. Ako na ngayon ang bagong account executive ng kompanya. Si Patrick kasi ay napromote na rin bilang bagong head ng isa sa mga department ng kompanya. Ako pumalit sa posisyon nya. Sisiw na lang sakin ang trabaho ko dahil may alam naman na ako dito. Being the assistant account executive noon, alam ko na ang pasikot sikot ng trabaho ko.

The Parallel RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon