*tok tok tok*
"ATE! GISING NA!"
*BLAG BLAG BLAG*
"ATE!!! GISING NA! KAKAIN NA TAYOOOOOO!"
ugh! Ang sakit sa Tenga! Balak pa atang sirain ni Margarette ang pinto ng kwarto ko.
"Oo na. susunod na ako!"
Wala na akong nagawa kundi bumaba. haaaayy! Inaantok pa ako
"Good Morning haaaa" Ang sarap mag inat
"Lexia halikana tama na yang pag iinat mo dyan kumain ka na" Sabi ni mommy
Umupo na ako at nag simulang maglagay ng pagkain sa plato ko. Waaa hotdog! sausage! hmmmm sarap!
"Oo nga pala Alexia, simula next week may kasama ka na sa pag papatakbo pansamantala ng hospital" Biglang sabi ni daddy. Napatingin lang ako sa kanya
"Ahh Dad,sino po?" Uminom muna si daddy ng kape bago siya ulit mag salita.
"Anak nung kaibigan namin ng daddy mo" Sagot naman bigla ni mommy.
Sino kaya yun? Well, ok na rin. Haha Para hindi na ako masyadong mahirapan.
"Ahh. Where is she staying mom? And when will she start?"
"HE anak. Next to your unit. Para pag may kailangan ka, malapit lang siya."
Ahh. Mabait naman siguro yun. Napatango nalang ako.
"Siya yung anak ng tito Stephen at tita Diane mo"
Pag papatuloy ni mommy sa sinasabi niya.
Ahh kilala ko pala. Ang alam ko kasi si Andrew yung ka age ko eh. Mabait naman pala. Pumupunta yun dito sa bahay minsan eh. Nag lalaro lang sila ni Martin ng Basketball.
"Ahh. Kilala ko po pala. Kala ko po kung sino na hehe"
Nagpatuloy lang kaming kumain at naisipan ko nanamang bumalik sa kwarto ko pagkatapos. Naligo lang ako at nag ayos, then balik nanaman sa pag babasa ng book na binabasa ko kahapon. Hayy wala na bang iboboring ang araw na ito? hayy.
Hapon na ng biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Lexia, hija. Pinapatawag ka ng mommy mo. Bumaba ka raw muna"
Sabi ni Nanay Melba. Ang mabait naming katiwala.
"Sige po Nay Melbs. Susunod nalang po ako"
Habang pababa ako sa hagdan, nakarinig ako ng mga tawanan. Ang lakas ng boses ni daddy hahaha.
"Oh. Nandito na pala si Alexia eh. "
Pansin sakin ni daddy."Dad, mom, pinapatawag niyo daw po ako?"
"Oo anak. Magbihis ka at may pupuntahan tayo."
Sabi naman ni Mommy"Saan po ba tayo pupunta?"
Naka kunot noong tanong ko.
"Manonood tayo ng game nila Dylan hija."
Napatingin ako sa nag salita at nakita ko ang may ari ng bases na kanina pa pamilyar sa aking pandinig.
"Tito Stephen. hehe kamusta po? Ngayon ko lang po kayo napansin. Hi tita Diane."
Lumapit ako sa kanila ata saka nag mano. Nagbeso narin ako kay tita Diane.
"Ayos lang anak. Oh halika na at baka malate pa tayo."
Sabi ni tita Diane. Hmm medyo nagulat pa ako sa pagtawag niya sakin ng "anak" hahaha
"uhm sige po mag bibihis lang po ako."
Saka ako bumaling kay mommy.
"Mom, where's Martin? Sasama rin po ba si Marga?"
"May game nga sila. Manonood nga tayo. O mag bihis ka na at puntahan mo na rin si Marga. Sabihin mo mag bihis na rin siya ok?"
Sabi ni mommy. Tumango lang ako atsaka umakyat papunta sa kwarto. Pero dumaan muna ako sa room ni Marga. Kumatok muna ako sabay bukas rin naman ng pinto.
Nadatnan ko siyang nakadapa habang nag lalaro sa ipad niya
"Margarette magbihis ka. Aalis tayo."
Saka lang siya naparingin sakin.
"Where are we going ate?"
"We're going to watch Martin's game. Come on magpalit ka na. Mag aayos lang ako."
Sabi ko saka dumiretso sa connecting door ng kwarto namin.
Pagdating namin sa place kung saan gaganapin yung game, Nakita ko na kaagad ang mahangin kong kapatid na kumakaway sa mga babaeng sumisigaw ng pangalan niya. Tsss pasikat talga. haha
Ng makalapit ako, bigla niya akong inakbayan.
"Uy Ate may ipapakilala ako sayo."
Sabi niya sabay tingin sa teammates niya.
"Si Emmanuel nga pala ate. Graduate na rin yan gaya mo. HAHAHA Pero Office boy yan! Pinamanahan ni tito ng companya nila eh HAHAHA. Pre ate ko. Kasing tanda mo yan! Doctor naman siya."
Nakita ko naman na napatingin sakin si Dylan. Tapos nakita ko siyang umikot ang mata. huh? Bakla ba siya?
"Ah. Hi 'Ate ni Martin' hahaha."
Sabi niya saka nag lahad ng kamay. Natawa rin ako sa sinabi niya saka inalis sa pag kaka akbay ang magaling kong kapatid at inabot ang nakalahad na kamay ni Emmanuel.
"Haha Hi. Mia nalang"
Sabi ko ng naka ngiti.
"O pre tama na. Kanina mo pa hawak kamay ng ate ko. Natulala ka na dyan."
Sabi ni Martin at tinanggal ang kamay namin ni Emmanuel. Natawa nalang ako sa kanya. May pagka protective talaga tong isang to eh. Kala mo Kuya ko siya haha.
"Hoy! Kayo dyan. Tama na yan! Kanina pa kayo tinatawag ni coach! Puro kayo landian."
Napatingin ako sa nag salita at nakita ko si Dylan na nakatingin nanaman sakin at saka umikot nanaman ang mata at pinag patuloy ang ginagawa niya.
huh? wala naman akong ginagawa sa kanya ah?
Nagkibit balikat nalang ako saka pumunta sa upuan nila mommy.
~~~
Alexia is pronounced as Alecsia :)
BINABASA MO ANG
OMG Baby
HumorAnong gagawin mo kung bigla nalang may mag iwan ng isang bata sa labas ng bahay mo at may nakaipit pang papel na nag sasabing sayo ipinagkakatiwala ang bata. Makakaya mo bang maging instant mommy?