Baby 23

2.5K 80 1
                                    

"Papa" umiiyak na banggit ni Kenz.

Kakagising lang niya at yan kaagad ang bungad niya.

Ngayon ang birthday ni Kenzie. Two years old na siya ngayon.

Nilapitan ko siya at kinuha sa baby bed niya.

"Aww. Don't cry na princess. It's your birthday today! Happy birthday anak!" Saka siya pinang gigilan ng yakap at halik. Agad naman itong tumigil sa pag iyak at tumingin sakin.

"Birday mama?" Nagtatakang tanong niya.

"Yes baby. Birthday Pia!!!!" At saka siya kiniliti.

Tumatawang lumabas kami ng kwarto at saka pumunta sa kusina.

Pagdating namin doon ay lumapit si Mags at nilagyan ng party hat si Kenie.

"HAPPY BIRTHDAY BABY!" Bati ng lahat ng tao sa bahay. Si Mom, si Dad, Maggie, Martin, si Lyn, sila manang at mga kasambahay namin.

Tumatawang pumalakpak naman ang baby ko at nanlaki ang mata ng makita ang cake na hawak ni Martin at sabay sabay silang kumanta ng happy birthday song.

"Happy Birthday to you, happy birthday-" patuloy nilang kanta.

"Habetday tu yu" sabay na kanta ng baby ko habang pumapalakpak at kumakawag ang paa. Pagkatapos ng song ay nilapit ni Martin ang cake saamin.

"Ok baby, blow your candle!" Masayang sabi nito habang nakatapat samin ang cake.

Tuwang tuwang hinipan naman ni Kenz ang cake pero hindi ito namatay kaya tinulungan ko na siya.

Pagka blow niya ng candle ay nagpalakpakan silang lahat at umupo na kami at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain ay hinayaan ko munang alagaan ni Maggie at Martin si Kenz para matulungan ang mga mag aayos para sa party, dahil sa gilid ito ng bahay gaganapin.

Paglabas ko samay garden area, nandoon na ang mga mag aayos at naka Handa na rin ang tables na gagamitin.

Nireready na rin ang mga booths na ilalagay. Dahil nga Kenzie's Candy Land 2 ang theme, every thing is pastel pink, purple, blue, yellow, and white.

"Maam, saan po namin ilalagay ang mga booths natin, sa entrance po or samay stage?" Tanong ng organizer.

Marami pa kaming inayos hanggang sa mag lunch na. Kailangan si Kenz naman ang asikasuhin ko dahil 3 mag sstart ang party.

Pag pasok ko sa loob, wala doon sila Maggie kaya pumunta ako sa kwarto at nakitang tulog ang baby ko habang nag lalaro sa phone si Martin at Margarette.

"Ay, tulog ang baby ko." Sabi ko at sinili ito.

"Kanina pa?" Tanong ko sa dalawa.

"Oo. Mga 2 hrs na" sabi ni Maggie ng hindi lumilingon sakin.

Napatingin naman ako sa orasan at 1:30 na pala.

"Pinakain niyo bago matulog?" Tanong ko at saka lumapit sa kama.

"Pinakain ng mommy kanina ng lunch ate." Sagot naman ni Martin.

Tumango nalang ako at inayos ang gagamitin niyang damit. Naka candy dress siya ngayon. Hihi ang cute.

Naligo na ako after ng pag balik ko sa kama ay gising na ito. Kaya binihisan ko na siya at saka kami bumaba para batiin ang mga bisita dahil 2:20 na rin naman.

OMG BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon