Isang linggo na rin ang lumipas mula nung nag punta kami sa bahay nila Drew. Hindi na kasi kami natuloy pumunta sa bahay dahil gabi na kami nagiing pareho. Isang luinggo ko na rin siyang iniiwasan. Tuwing naaalala ko kung gaano kasaya nung araw na yun, nasasaktan din ako. Hindi malinaw sakin kung ano ba talaga ang meron kami ni Andrew. Ni hindi ko alam kung may girlfriend ba siya. Kung titingnan para kaming isang masayang pamilya pero hindi ko maiwasang isipin na hanggang kailan ganito?
Napatigil ako sa pag iisip ng pumasok yung secretary ko.
"Doc nandito po si Doc. Chaela hinahanap po kayo" Sabi niya kasunod ng pag pasok ng kaibigan ko.
"Sige Annie salamat." Nakangiting sabi ni Chae sa secretary kong si Annie. Pagkasarang pagka sara ng pinto lumapit kaagad sakin si Chae
"Huy Alexia anong itsura yan? Ang pangit mo" Sabi niya sakin. Lalo naman akong napasimangot.
"Hay paano banaman kasi friend..." At kiwento ko sa kanya ang problema ko. Kung problema nga ba na matatawag ito.
"Ay may pamangkin na pala ako kaagad sayo ah." Natatawang sabi niya.
"Patingin nga ng picture nina friend" Sabi niya kaya inilabas ko ang cellphone ko at saka pinakita ang pictures ni Kenzie
"OMG ang cute cute niya friend. May hawig na siya sayo." Sabi niya habang tumitingin pa ng ibang pictures.
"Oo. pero napaka lapit niyan kay Andrew. Gusto laging nag lalaro. Hindi ko nga alam na may ganong side pala yung lalaking yun" Sabi ko sa kanya.
"Eh nasan pala siya ngayon? Kumuha ka ng yaya?" Tanong naman niya at ibinalik ang phone ko saakin.
"Nakay Drew. Ayaw namin siyang ipakatiwala kung kanino lang. Baka mapano lang yung baby ko. Kaya inayos namin ang mga schedule namin." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Pero ito na nga. Isang linggo ko na ring iniiwasan si Andrew." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Eh friend tingin mo bakit ka nag kakaganyan? bukod sa ayaw mong masaktan o malito si Kenzie?" Tanong niya na naka pag patigil sa akin. Inabot niya ang kamay ko at ngumiti. "Mahal mo na ba?" dugtong niya pa.
Napatitig lang ako sa kanya at sasagot na sana ng biglang bumukas ang pinto.
"MAMA!" Isang sigaw ng batang babae. Kaya napalingon ako sa pintro at nakitang nandoon sila ni ANdrew.
"Mamaaa." Hiyaw ni Kenz habang patakbong pumunta sakin na nakabukas pa ng mga kamay.
"Baby. Did you miss mama?" Tanong ko at pinupog siya ng halik.
"Miss mama" Sabi niya at tumatango tango pa.
"Mhie tumawag ako kay Annie kanina. Wala ka naman daw naka sched na patient today so I decided na pumunta kami dito ni Pia." Paliwanag niya at Humila ng isang upuan saka tumabi saakin. Naramdman ko naman na may sumipa sa paa ko kaya napatingin ako kay Chaela at nakitang pinanglalakihan na niya ako ng mata. Oo nga pala nandito siya. Linayo ko ng konti yung upuan ko kay Andrew at saka inayos ang upo ni Kenz sa lap ko.
"Oo nga pala Andrew, this is Doctor Chaela Benitez Resident dentist namin sa Ospital. Chae, this is Andrew" Pag papakilala ko sa kanila
"Hi" At nag about lang ng kamay si Andrew saka tumango.
"Anyway I gotta go na" Sabi niya saka tumayo at tiningnan ang relo niya. "Meron nga pala akong patient ngayong hapon bye baby. " Lumapit siya sakin at saka Nagbeso "Bye friend. I'll call later" Sabi niya at saka ako kinindatan. Tss alam na alam ko na ang nasa isip niya
"Hi baby" Baling ko kay Kenzie na kanina pa ginugulo ang table ko.
"Hi bibi" Panggagaya naman niya sakin. UGH nakakapanggigil talaga tong anak ko. Napaka bibo.
"Alexia iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya sakin habang nakatitig. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa pagkabigla.
"B-bakit ko naman gagawin yun?" Sagot ko saka nagiwas ng tingin. Tumayo ako at kinarga si Kenzie.
"Baby, what's you name huh? Say My Name" Kausap ko kay Kenzie. Wala pa along balak kausapin si Andrew ngayon.
"Nay neym"
"is" sunod na sabi ko para gayahin niya ako.
"isss"
"Sophia" Patuloy kong sabi
"Ah! Mama Pia. Pia" Sabi niya habang tinatapik tapik ang sarili niya hahahahaha ang cute
"Yes baby you're Sophia. Say Sophia," Natatawang sabi ko ulit sa kanya
"Epiaaaa"
"Mackenzie, say it baby"
"Akenzi"
"Felix"
"Eyixxx!" Gigil niyang sigaw na sabi niya hahaha Nakakagigil talaga.
"Hay nako baby. Nakakagigil ka talaga. Namiss ka kaagad ni mama" Pagsasabi ko sa kanya at sinuklian niya lang ako ng napaka tamis na ngiti. Nakatayo ako habang karga karga si Kenzie ng bigla kong maramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Andrew sa bewang ko.
"Mhie" Bulong niya sakin at lalo pang hinigpitan ang pag yakap.
"Andrew" Saway ko sa kanya saka pilit na niluluwag ang yakap niya gamit ang isa kong kamay.
"PAPA!" Sabay na sabi ng dala sakin. Natawa naman si Andrew saka inbot ng halik ang bata.
"Good girl my Princess" Sabi niya saka siniksik ang muka niya sa leeg ko.
"Hmm. Bango" Narinig kong bulong niya na nagpataas ng mag balahibo ko.
"Uy Andrew ano ba" SAway ko sa kanya. Hinigpitan niya lang ulit ang yakap sakin
"Dhie nga kasi. Isa pang tawag mo sakin ng pangalan ko kakagatin kita" Pag babanta niya saka ko naramdaman ang mga ngipin niya.
"UGH! OO na. tigilan mo na nga ako An--Dhie" Naiinis na sabi ko sa kanya. Buti nalang hindi malikot si Kenz kundi nalaglag na siya. Naramdaman ko naman ang pagsandal ng baba ni Kenzie sa Kaliwa kong Balikat kung saan walang muka ni Andrew na nakasiksik.
"Mhie" Muling tawag niya sakin
"May nagawa ba ako? Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong nanaman niya sakin
"Hindi kita iniiwasan ok" Sagot ko nalang sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghinga niya ng malalim. Nagtitimpi siguro.
"Mhie kung ano man yung nagawa komng hindi mo nagustohan sorry na" Mahinang sabi niya. Andrew naman. Ito itong mga gingawa mo ang hindi ko kaintindihan. Kung wala lang naman tong mga ginagawa mo sana itigil mo nalang. Dahil natatakot akong mas mahalin ka at malamang hindi mo naman pala ako mahal. Sabi ko sa isip ko.
Napahinga nalang ako ng malalim at pilit na humarap sa kanya. Ayaw pa rin kasi niyang tanggalin ang mag kamay niya. Kaya naipit sa gitna namin si Kenzie alam kong makatulog na dahil laglag na ang kamay sa braso ko. Itinaas ko ang kanan kong kamay at inilagay ito sa kaliwa niyang pisngi habang ang kaliwa ay nakasuporta kay Kenzie.
"Dhie, wala. Wala kang ginawang mali. Wala lang siguro ako sa mood nitong mga nakaraang araw" Mahinang sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na parang may gusto pa siyang sabihin pero pinili nalang niyang wag magsalita at nginitian ako saka hinalikan ako sa noo.
"Ayan nakatuog na ang prinsesa natin" Natatawa nalang na sabi niya.
"Oo nga eh. Uwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. 5 narin kasi.
"Sige ayusin ko lang gamit ko" MAglalakad na sana ako ng pigilan nanaman niya ako.
"Basta Mhie pag may problema sabihin mo kaagad sakin ha. Wag yung bigla mo nalang akong iiwasan." Sabi niya at Tumango nalang ako at ngimiti sa kanya.
"Akin na muna si Pia para maayos mo na yung mmga gamit mo." Sabi niya at saka kinuha na sakin ang bata. Bumibigat na talaga ang baby ko. Nangalay ako dun. Nag madali na akong mag ayos ng gamit at sinabihan na si Annie na siya na ang bahala sa Clinic. Maya Maya pa ay tinatahak namin ang daan pauwi ng Condo.
BINABASA MO ANG
OMG Baby
HumorAnong gagawin mo kung bigla nalang may mag iwan ng isang bata sa labas ng bahay mo at may nakaipit pang papel na nag sasabing sayo ipinagkakatiwala ang bata. Makakaya mo bang maging instant mommy?