Baby 14

2.8K 82 1
                                    

Nandito kami ngayon sa pad ni Andrew. pagbukas na pagbukas niya kasi ng pinto bumugad samin ang kalat kalat na gamit namin. Hindi na ako hinayaang pumasok doon ni Drew at inihatid na muna niya kami ni Kenzie dito. 

Kalong kalong ko padin ang natutulog na si Kenzie sa mga bisig ko habang naka sandal ako sa head board ng kama ni Andrew. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Naalala ko ang mga taong naghahanap ka baby ayon sa sulat na iniwan ni Nina. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang nakatingin sa maamong muka ni Mackenzie. 

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo baby. Nandito lang si mommy. Hindi kita papabayaan. Hindi ko hahayaan anak" Lumuluhang bulong ko sa kanya at saka siya hinalikan sa noo. saktong bukuhas naman ang pinto at napatingin ako kay Andrew na kakapasok lang. Lalo akong napaluha sa pagaalalang baka kung anong mangyare amin at lalong lalo na kay Kenzie

Lumapit siya saamin at saka naupo sa tabi ko. Nagulat ako ng maramdaman ko ang magpulupot ng braso niya sa bewang ko, at ang isa niyang kamaya niya ay nasa ligod ng ulo ko. Dahan dahan niyang isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. At naramdaman ko nalang na pinunasan niya ang luha ko. 

"Mommy, wag ka na umiyak. I'm here. Hindi ko kayo pababayaan ng anak natin" Bulong niya at hinalikan ako sa unoo. Lalo naman akong napaluha. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa takot ko o sa nararamdaman ko ngayon. 

"Natatakot ako Drew. Pano na pag bumalik pa sila doon. Pano pag makuha nila si Kenz. Hindi ko kakayanin" Mas lalo pa akong naiyak.

"Shhhh. Hindi ko hahayaang mangyare yun. Wag ka nang umiyak" Yun lang ang huli kong narinig bago ako nakatulog.






"Papa!! Hihihihi"

Nagising ako sa matinis na boses ni Kenzie. 

"Mama! hihihi. Papa's chasing mee Kyaaaaaa" Hiyaw niya pa saka sumiksik sakin habang tumatawa. Natawa nalang rin ako sa kanya.

"Princess, Where are you? Piaaa" Naka noising sabi naman ni Drew.

"Baby hide. Quiet ok? Papa might hear you. " Mejdyo malakas na bulong ko sa kenya

"HIHIHIH" At tumawa lang siya kabang nakasiksik ang muka niya sa dibdib ko"

"Mhiee Have you seen my baby?" Natatawang tanong i Drew saki

Hindi ako umimik at tumawa lamang

"Baby... Nasaan  ka" Patuloy parin niya sa pagpapanggap na hindi nakikita si Kenz na ikina tawa naman ng anak niya. Kumakawag kawag pa ang mga paa pero nakasiksik parin siya saakin

"AHA!" 

"KYAAAA PAPA!" Matinis na sigaw ni Kenz nang dambahan kami ng papa niya.

Nasaharap ko si Kenzie, at nasa likod ko naman ni si Andrew. Tapos naka lean si andrew paharap. kaya naipit niya ako dahil pilit niyang inaabot si Kenzie. Natawa nalang ako dahil nag kikilitian ang magama habang nasa ganong position. Nang mapansin kong napagod na sila,hinawi ko ang naka babang buhok ni Andrew at saka siya nginitian. Napatingin naman siya sakin at saka ako hinalikan sa labi na ikinalaki naman ng mata ko.

"Goodmorning Mhie" Bati niya sakin ng may pilyong ngiti.

"Goodmorning" 

"GOOOD NORNING!!!!!" Sigaw naman ni Kenz

"HAHAHA baby, It's 'morning' say it properly" Sabi naman ni Drew at saka hinalikan din sa labi ang anak.

Nakatingin lang sa kanya si Kenz. Hindi siya nito pinansin at biglang sumiksik nanaman saakin at hinalikan din ako sa labi. Aww ang sweet sweet naman ng mag-ama ko

"Hay nako. ayan na nag siksik ka nanaman kay mama anak" Sabi ni Drew at saka nag pout. Parang bata haha

"Halika na Mhie, Ginigsing ka lang talaga namin para kumain. Ready na ang pagkain kanina pa"  at hinalikan nanaman ako sa labi. Saka kinuha si Kenzie at nagtatakbo siya pababa habang humahagikhik nanaman si Kenzie.

Napailing nalang akong inayos ang kama bago pumasok sa CR. Pagkatapos ng ngyari kahapon, nagpasya nalang akong umuwi sa bahay pero hindi pumayag si Andrew. Kaya nandito kami ngayon sa bahay niya. OO MAY BAHAY NAMAN NA PALA SIYANG KANYA. Napilitan lang siyang mag stay sa pad niya siguro kasi ibinilin ako nila Dad sa kanya. Pero hello, kaya ko na ang sarili ko malaki na ako

"Goodmorning po Nanang, Bati ko kay Nanang ng makita ko siya sa living room habang nag wawalis.

"Oh, magandang umaga hija. Nako, puntahan mo na ang mag-ama mo doon at hinihintay ka na ng mga yung kumain" Sabi ni Nanang at ipinagpatuloy ang pag wawalis

"Nang, mamaya niyo na po ituloy iyan. Kumain na po muna tayo. Sabay sabay na po tayo." Sabi ko at ngumiti lang si Nanang at saka sabay kaming nagtungo sa kusina at naulat ng makita ang itsura ni Mackenzie

"Anak" Gulat na sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Andrew at saka dali daling pinunasan ang muka ni Kenzie

"Dhie, Bakit mo naman hinayaan magdumi ang muka ng baby ko?" Lambing na sabi ko sa kanya, Tumawa lang ang loko at inilipat si Kenzie sa High Chair niya. Dahil nadatnan namin itong naka upo sa mesa at puno ng choco syrup ang bibig habang tawa ng tawa

"Mama! Sarap!" HAy nako baby. nakakagigil ka talaga

OMG BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon