Baby 4

3.7K 88 8
                                    


Ugh! Nakakapagod! Pag dating dito sa condo, nag pahinga lang ako sandali tapos nag simula na akong maglinis. Uhhh! usod dito, walis doon. Haaaa nakakapagod talaga. Pagtingin ko sa orasan, Hala hindi ko namalayan. 7 na pala. Hindi pa ako kumakain huhu. May isa pa pala akong problema. Hindi pa ako na ggroceries huhu.

Nakaupo lang ako sa couch ng may marinig akong umiiyak. Baka sa kapit bahay lang. Di ko na ito pinansin pero kawawa naman yung bata iyak parin ng iyak. Napagdesisyonan kong lumabas nalang muna at bumili nalang ng pagkain.

Pero pagbukas ko ng pinto,SHET! ANO TO? BAKIT MAY BATA SA TAPAT NG PINTO KO?! Baka namali ng deliver? Tiningnan ko siya. Hala. Siya yata yung baby na kanina ko pa naririnig na umiiyak. Dali dali akong lumapit sa baby at nakita kong namumula na siya kakaiyak.

"waaaahhhh! momm! *hik mommmiii! Mommmy" Nagulat ako nang bigla akong yakapin nitong bata na to.  Hala sino kaya ang nag iwan ng bata na to dito. Tiningna ko ang paligid at wala naman akong nakitang ibang tao.

Wala naman akong magawa kundi buhatin nalang siya. Nagulat pa ako nang may malaglag na papel sa kanya. Pinulot ko lang muna ito at dinala na sa loob.

"shhhh baby tahan na. Wag na mag cry shhh" Sabi ko sa baby habang pinupunasan ang luha nito. Ang ganda niya. Maputi rin ito. Hindi ito mukng dugyot. Bakit kaya siya napapunta sa tapat ng unit ko? Kung titingnan muka siya anak ng isang mayang tao. Baka naligaw lang siya.

"Baby,are you lost? hmm?" tanong ko habang tinatanggal ang mga maliliit na buhok na nakaharang sa muka niya. Napatingin pa siya sa muka ko at biglang tumahan.

"Mam m mamyy"  yun lang ang sinabi niya saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa baby na to. Sa tantya ko kasi mga 1 year old palang siya.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala siya. Inihiga ko muna siya sa kama ko saka ulit tumingin sa labas. May nakita lang akong isang baby bag sa tabi ng pinto. Kinuha ko ito atsaka tiningnan kung merong informations na pwedeng pag bigyang alam na nandito sakin si baby.

Pag bukas ko nung bag, nakita ko ang ilang pares ng damit, diapers, at baby bottles. Saka ko naalala yung papel na nalaglag kanina. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa saka binuklat.

Alexia, alam kong mabait ka. Please help my daughter. May mga taong naghahanap sa kanya at gustong kuhanin siya sakin. Sa mga oras na ito alam kong wala na ako sa mundong ito. Alagaan mo sana ang anak ko. At ituring na parang sayo. Pasyensya ka na at ikaw pa ang nabigyan ng ganitong responsibilidad pero ikaw lang ang alam kong makakatulong sakin ngayon. Diba sabi mo saakin noon na kahit ano tatanggapin mo basta matulungan mo lang ako. Maraming salamat. Alagaan mo sana ang anak ko at wag siyang pababayaan. Mahal na mahal ko siya. Nandyan na ang mga importanteng papeles na kailangan niya. Napalitan ko na rin ang mga impormasiyon sa kanya para di na siya mahanap pa ng mga taong gustong kumuha sa kanya. Maraming maraming salamat.

OMG BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon