Zaniyah's POV
~~Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But its the only thing that I know
When it gets hurt
You know it can get hurt sometimes
It is the only thing tha~~"Hello?" Ang aga aga pa nambubulabog na.
[GOOD MORNINGGGGGGG!!!] Ay bwiset.
Nailayo ko bigla yung phone ko sa tainga ko.
Geez. Nayanig buong tainga ko dun -_-
"Ano bang problema mo?! Agang aga nambubulabog ka?!"gigil niya si ako eh. Inistorbo niya pagtulog ko .
[Ow. Ez ka lang. Punta tayong mall] pssh sinasabi ko na nga ba.
"Ayoko sobrang aga pa" Pagtanggi ko.
[Anong maaga ka diyan?! Alas nuebe na utang na loob. Maaga pa 'yon sa'yo?!]
Tiningnan ko yung alarm clock.
"Eh alas sais palang sa orasan ko eh" sabi ko habang naka pout.
[Sus maginoo. Ipaayos mo nga yang orasan mo!]
Kasalan ko bang late yung orasan?! -_-
[Tumayo ka na diyan at maghanda! Hindi ako tatanggap ng hindi bilang sagot]
"Wow nagtanong ka ba? Ha? Parang sigurado ka na ngang sasama ako sa iyo eh. Tsaka hindi naman papayag si Daddy kaya bye--!"pinutol na niya ang sasabihin ko.
[Hah! Ako pa? Syempre nakapagpaalam na ako kay tito't tita noh! Guess what? Pumayag sila oh 'diba .Malakas ako dun eh] buong pagmamalaking sabi ni Jasmine.
"Oo nga malakas..... Malakas sumipsip. Pashnea" sabi ko sa kanya.
[Aray ha! Hahaha dun ako magaling eh. Oh siya maghanda ka na. Kita kits na lang mamaya. Bye! ]
"Sige bye" pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.
*HIKAB* Tumayo na ako at naghanda.
"Morning mom" bati ko kay mommy.
"Oh swetheart, Good morning din"
"Where's Dad po?"tanong ko.
"Ah nasa garden sila. Dumating kasi yung anak ng business partner ng Daddy mo"
"Ah ganun po ba. Eh bakit po hindi nalang sila dito sa loob? Diyan sa sala?"
"Ang kalat kasi diyan kanina gawa niyang kapatid mo. Kaya ayun inakit nalang ng daddy mo sa labas"
Tumango nalang ako. "Kumain na po ba kayo?"
"Ah hindi pa. Iniintay nga kita para may makasabay ka. Yung daddy at kapatid mo naman ay nakakain na" sabi niya.
"Ahh ay halika na po sa kusina"
------------------
Katatapos lang namin kumain.
"Mom? Nagtawag po ba sa inyo si Jasmine?" tanong ko.
"Ahh oo nga pala. Pinayagan ka ng daddy mo na sumama pero nung dumating yung anak ng business partner niya, sinabi niya na wag kang tumuloy. Ipapakilala ka daw"
Asus ko po. Ipapakilala? Ako? Na naman?
"Pero mom, iintayin ako nila Jasmine don!". sabi ko.